♥1♥

3.6K 69 17
                                    

                                                                  ♥1♥



“Ano ba yan! Ang lakas ng ulan! Baka baha na sa labas!”
reklamo ng katabi kong si Kiray na ka opisina ko.



“Oo nga! Teka gusto mo ba ihatid na kita Kathryn? May kotse ako! Para naman hindi kana mahirapan sumakay!”
Pahaging ni John, ang isa ko pang ka-opisina.




“Sus! Anong ginagawa ng ever reliable kong payong? Tsaka kaya ko naman eh!”
sabi ko rejecting his offer. Alam ko namang dumadamoves lang yan eh! Kasi matagal na yang nangungulit.



“Ikaw talaga! Kelan mo ba kasi ako mapapayagang manligaw sayo?”
seryosong turan nya.




“Pag naging green na ang buwan!”
sabi ko. May pagka mataray talaga ako pag dating sa mga lalaki eh!




“Yan ka nanaman eh! Pag ikaw dyan tumandang dalaga! Ewan ko sayo! Andito naman ako!”
tila nagtatampong sabi niya.




“Oo nga friend! In your 26 years of existence eh wala ka pang naging boyfriend! Sayang ang ganda mo teh! Kung hindi ka mag aasawa sayang lahi! Gahhhd! “
Exaggerated na saad ni Kiray na may patiriktitirik pa ng mata.




“Hinahanap ko pa kasi si Mr.Right!”
simpleng sagot ko.



“Paano kung walang Mr.Right? Left lang?”
nagtawanan ang lahat.



“Hayy... You’ll never know!”
sabi ko lang at napangiti.
Hihintayin ko parin siya!

(Play video --> I can Love you like that)



“Oh bat pangiti ngiti ka dyan?” tanong ni Kiray.


“Wala lang! May naalala lang ako!”



“Sus! Yung Picture nanaman ba?” tanong niya at alam ko ang tinutukoy nya.



“Yeah! My Prince Charming!”



“Tsk.Tsk.Tsk Kathryn hanggang Fairytale lang ang mga Prince Charming! Wala nyan sa Real World!”
yamot na sabi ni John. Alam din kasi niya ang tungkol sa Picture.



Pero ako ang Prinsesa, So There’s a Prince! And He is MY Prince!



“Basta. Darating din siya!”



“oo, matulog ka muna sa taas ng tower at hintayin si Shrek sa taas para irescue mula sa Dragon na asawa ni Donkey!”
saad ni Kiray na ikinatawa nanaman ng mga ka opisina ko habang nagliligpit ng gamit.



“Tse! Ikaw nga dyan ang kamukha ni Fiona eh!”
sabi ko at tinawanan siya.



“Heh!”
tilabatang inagawan ng kendi ang hitsura niya at nalukot ang mukha.



“Joke! Syempre yung magandang tao na Fiona!”
bawi ko na ikina liwanag naman ng mukha niya.



“Syempre! Pang Princess ata itong beauty ko!”



Lumabas kami ng building  at humiwalay na ako sa kanila.
Si John inimbitahan akong sumakay sa kotse niya pero I insisted!
Si Kiray naman sabi sumabay na daw ako sa kanila, kasama niya ang boyfriend niya kaya I also insisted.
Commuter kasi ako! Sanay na ako sa mga ganyan, kahit baha kaya ko namang umuwi ng ligtas.



Pumunta ako sa gilid ng bangketa para mag abang ng jeep when suddenly an annoying and insulting thing happen.



Natalsikan ako ng tubig baha at parang naligo sa putek. Nagtawanan ang mga tao sa paligid. 



Basang basa ako at yun ay dahil sa rumaragasang kotse na ipinalangin kong mabangga!
Tarantadong Driver nun! Hayyy... Kahit bahagya pang umaambon ay tiniklop ko na ang payong ko dahil wala nang kwenta iyon.



Saktong nag red ang traffic light kaya naman agad agad kong hinanap ang may ari ng magarang kotse na itim na mercedez benz .



Magkamatayan na! War na ito! Kinatok ko ang tinted na salamin.
Halos mabasag na sa katok ko. Maya maya ay bumaba ang salamin ng bintana.



“Oh, bili ka ng pagkain!”
sabi niya at inabutan ako ng P50? Aba’t! Tarantado! Anong akala sakin neto pulubi? Ah... Gusto talaga ng gulo? Aba’t maghalo na ang balat sa tinalupan.



Kaya naman bago pa nya tuluyang maisara iyon ay ipinasok ko ang kamay ko sa loob at hinatak ang lock.



Dali dali akong pumasok sa kotse.



“Oh! Go out! You’re wetting my car!”
sabi ng lalaki.



“Ha! Mabuti nga yan!”
at pinigi ko ang damit ko sa loob ng kotse!



“What the! What are you doing? Sino ka ba? Hindi naman kita kilala ah?!”
singhal nung mama’



“Ako din! Wala akong kilalang tulad mo! Jerk!”
sigaw ko din sa kanya.



“I’m not a jerk! Teka nababasa ang kotse ko!”
pigil niya sakin.



“Dapat lang yan!”



“Teka ano bang nagawa ko? Sino ka ba?”
Naguguluhang tanong niya.



“Anong nagawa mo? Well, humarurot ka lang naman sa tubig baha na akala mo ikaw lang ang tao sa kalsada! Nabasa lang naman ako at halos maligo na sa putik at kagagawan mo yon!  At sino ako? Ako lang naman ang Jerk enemy numer 1! Jerk!”
hasik ko.



“I said I’m not a jerk!”
ganti niya.



“Oh Yes you are!”
ayaw patalo kong diin sa kanya.



“Okay. I am sorry sa nangyari. Nagmamadali kasi ako!”
pagpapaliwanag niya.



“Ano toh’ sorry sorry nalang tapos na? You needed a lesson you jerk! Hindi porke nagmamadali ka eh mangpeperwisyo kadin ng iba! How would you know kung nagmamadali din pala siya? Gaya ko, nagmamadali ako! Gahhhdd!”
sabi ko at tinirikan siya ng mata. Ang sungit ko talaga. Kahit gwapo siya di ko siya uurungan!



“I am sorry. Sige, tanggapin mo ito! Pasensiya na sa abala!”
sabay dukot ng wallet at nag labas ng isang libo.



“Aba
‎’y gago ka ata talaga eh! Nakaka dalawa kana ah! Kanina lang inabutan mo ako ng singkwenta! Anong akala mo sakin nanghihingi ng limos? Pulubi? Huh!” I can’t believe him!



“Akala ko kasi kanina may  bata na humihingi ng tulong at limos. Sorry, tsaka yang isang libo pang bayad yan para sa pamasahe mo! Sorry na miss. Nagmamadali ako kaya kung mamarapatin mo aalis na ako!”
sabi niya at binuksan ang pinto ng kotse.



“I don’t want this!”
at sinapal ko ang isang libo sa mapalad niya dibdib. I shoudn’t have done that! Naramdaman ko tuloy ang broad muscles niya. Ugh.



“Eh anong gusto mo? Dadagdagan ko pa ba?”
anak ng! uupakan ko ito, pigilan ninyo ako!



“Ihatid mo ako!”
I said my final say. My decisions is firm.



“What?!”
bulyaw niya.



“You heard me right!”



“But—“



“No buts! Sa itsura kong ito sa palagay mo hindi ako pagtitinginan at pagtatawanan ng tao?”



“Pero—“



“Do you have any conscience mister?”
tama yan! Makonsensiya ka!



“Hayyy... Okay! Where do you live?”
he left a sigh at napilitang sundin ang pinapagawa ko.



“Sa Laguna ako nakatira!”
Vengeance is Mine! 



“What? From Makati to Laguna? It’s so far! Paano na ang date namin? masyado na akong malelate!”
pagmamaktol niya.


That’s more like it!



“Aba it’s your fault! Pero kung gusto mo daanan mo muna ang Girlfriend mo at magpaaalam!”


I have a plan!  >:) evil grin.



“You’re right!”
napatango pa siya.






                                                  ~ThouShallLoveMe

Chasing My Prince Charming!Where stories live. Discover now