CHAPTER SIX

93K 1.8K 96
                                    

Chapter Six

            “HEY, sorry.” Kanina pa ito hingi ng hingi ng paumanhin sa kanya pero wala siyang makapang kapatawaran sa puso niya. She just wanted to punish him for uttering Jen’s name during their date. Wala naman siyang sinabi sa katunayan she just kept quiet and then he starts to say sorry and it annoys the hell of out her. “Chrome—shit!” he cursed when they both heard a loud thud outside the car at kasabay niyon ay ang pagtigil ng pag-andar.

            “Mukhang naflat ang gulong,” hindi niya alam kung sino ang kausap nito, siya ba o ang sarili nito. Hindi na niya ito pinansin dahil biglang bumaba ang level of energy niya kaya magpapahinga muna siya. She brace herself and close her eyes, she wanted to take a nap and then think of things.

            Hindi naman siya nito ginulo basta naramdaman nalang niyang lumabas ito ng sasakyan at marahang sinara ang pintuan ng sasakyan nito upang hindi siya maistorbo.

            Namalayan nalang niya na may tumatamang mainit na sinag na araw sa mukha niya, she hates sunlight masakit na sa ulo masakit pa sa mata. Minsan gusto niyang iwish na sana ay may Edward Cullen blood nalang siya in short sana naging bampira nalang siya. She shifted and stretched her legs and tried to get up pero nahiga lang siya uli dahil sa may dumagan na mabigat na bagay sa may bandang tiyan niya.

            “What the!” naibulalas niya ng pagmulat niya sa kanyang mga mata at tiningnan kung ano ang salarin ay humulas ang dugo sa kanyang mukha. Ang mga braso ni Wes sang nakadantay sa may bandang tiyan niya at itutulak sana niya ito kaya lang ng matitigan niya ang mukha ng binata ay parang nawala ang lahat ng galit niya sa mundo at pati na rin sa sinag ng araw. His cute, handsome and adorable face looks good when hit by the sun’s light. He looks so peaceful and serene.

            Umayos siya ng upo at hindi tinangkang baklasin ang braso nito sa kanyang tiyan at tinitigan itong mabuti. Biglang pumasok sa isip niya ang kapatid, she haven’t met her in person she only sees her sa picture. Sa mga larawan nakikita niya na masayahin si Jen at ang mga mata nito ay laging may kislap ng pag-asa. She feels so distant everytime she looks at her picture, minsan ay hindi niya maiwasan na hindi mainggit sa kanyang kakambal. Paano ba naman kasi lumaki ito sa totoo nilang pamilya, at mukhang mahal na mahal ito ng mga taong nakapaligid dito. Nalaman nga niya na pinag-aagawan pa ito ng tito Third at tita Crescent niya dati… naisip nga niya kung hindi siya ibinigay sa bestfriend ng mommy niya magiging masaya ba siya ngayon? Will she be the person she is right now?

            And while looking at this man, mas lalo siyang nakaramdam ng inggit… he loves her. Alam niyang mahal na mahal nito ang kapatid niya kahit na lumipas na ang walong taon si Jennifer pa rin ang laman ng puso nito.

            Napapitlag siya ng bahagyang kumilos ito akala niya ay matutulog lang itong muli pero nagbukas ito ng mata at tumingin sa kaya. She didn’t blink and continue staring at him, hindi niya alam kung ilang minute silang nakipagtitigan sa isa’t isa. Hindi ito nagbawi ng tingin at hindi siya nagbawi ng tingin, looking at him right now seems so right.

Royale Series 11: Perfectly Captured (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon