THE JACKET

494 38 8
                                    

THE JACKET

"Would you like to stand under my jacket?? It may look tattered but it can still shield you from rain..."

Pagkatapos ay ngumiti ito at lumabas ang dalawang biloy sa pisngi niya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"HOOYYY! Nananaginip ka na naman ano? Malapit na ang uwian wala ka ng ginawa kundi matulog jan!", pukaw sa akin ni Steph.

"Kay ganda-ganda ng panaginip ko tas isturbo ka. Steph naman eh!”

"Hannie naman 1 year mo ng hawak ang jacket na yan pero hindi pa bumabalik ang may ari".

"But still I have to bring this. What if I meet him, diba?”

"Oo pagpumuti na ang uwak. Naku naman friend isang taon ka nang umaasa na makita siyang muli pero ni anino niya di mo maaninag!”

"Ahh basta makikita ko siya, he promised kaya I believe him.”

"Eh di believe him, ang tanong natatandaan ka pa kaya nia? Eh 15 minutes lang ata kayo nagkausap nun ah", naiiling na sabi ni Steph.

"Of course naman. for sure natatandaan pa ako nun! Grabe naman kung hindi", simangot kong sabi.

"Hay naku! Sa palagay ko hindi na, baka nga he doesn't even know you exist".

"Grabe ka naman kasakit magsalita. Sa halip na i-comfort mo ako mas pinapalala mo pa ang sadness ko", maktol kong sabi sa kanya.

"Ayaw ko lang po na umasa ka. Baka umaasa ka lang sa wala at ikaw rin ang masasaktan. I only want the best for you, you know that".

"Oo na alam ko naman yun...pero ito naman gusto ko eh".

"I know, I know, Ok stop na ang tungkol jan sa mahiwagang may ari niyang jacket mo. Teka nga hindi kaya engkantado may ari niyan? Eh diba dun mo siya nakita sa may bus stop kung saan sinasabing maraming kababalaghang nangyayari? Naku Han baka me kapangyarihang nilagay ang lalaking yun sa jacket na yan kaya nahipnotismo ka sa kagwapuhan nia kaya hanggang ngayon ay wala ka pang boypren? Oh mi gosh friend don't tell me supernatural being ang nakatagpo mo?

"Steph ang OA mo na, kung saan-saan umaabot yang imagination mo. Baka mamaya niyan sabihing mong anghel ang na meet ko" supalpal ko sa kanya.

"Eh malay ba natin kung nd Dalaketnon ang lalaking yun or kalahi ni Pedro Penduko? Aba friend hindi malayong totoo yun", mulagat niyang sabi.

"Sige pa mag-isip ka pa ng kung anu-ano baka gusto mong sabihing anak din ni Satanas yun, ayaw mo??", inis kong sabi sa kanya.

"Ikaw naman masyadong pikon.. Oo na talo na ako, sabi mo kasi na gwapo tlaga ung na-met mo. Eh diba mga engkanto lang may ganung mga mukha na naeengkanto ka sa kanila at naiinlove ka ng todo?

"Friend, wala na talaga pwedi ka nang maging writer ang gulo ng takbo ng isip mo eh! Sigurado pag nagsulat ka ng kwento Nobel Prize aabutin mo.”

"Hay na oo na, hands up na ako sayo! Oo na suko na ako.", at itinaas pa nito ang kamay.

"Ikaw naman kasi eh.”

"Halika na nga lang at sa ka chi-chismis natin, uwian na pla”

"Oo na teka lang at maiiwan tong enchanted jacket ko", biro kong sabi. Pinaikot na lang ni Steph ang mata nia. For sure napipika na siya sa akin, pano kasi di mahi-hiwalay sa akin tong bwisit na jacket na to.

Black NotesWhere stories live. Discover now