Chapter 4: "If she's not you, then I don't care."

5.7K 153 7
                                    

Si Kathy yung nasa gilid :)

Chapter 4 

(Katherine's POV)

"I think we're done." Bored na sabi ni Kurt habang nagdudoodle siya sa isang scratch paper.

Maling-mali yung first impression ko sa kanya. Mukha siyang bad boy sa porma niya, akala ko ipapasa niya sa'kin lahat ng gawa at ibubully niya ko kung hindi ko susundin yung gusto niya. Mukha ring sobrang mayaman siya, kaya akala ko spoiled brat siya at sanay na nakukuha lahat ng gusto niya. Na siguro nga kahit hindi siya mag-aral, mayaman pa rin siya buong buhay niya. Akala ko tuloy wala siyang utak.

Pero sobrang mali pala ako kasi hindi siya pumayag nung nag-offer ako na ako na lang gagawa ng lahat at sobrang talino rin niya. Sa totoo lang, kanina pa niya tapos yung exam at inaantay na lang niya kong sagutin rin 'yun para macompare namin yung mga sagot. Nahihiya tuloy ako kasi mukhang may pupuntahan pa siya.

"Oo nga." 

"All right, I'm going." Tumango lang siya sa'kin bago mabilis na naglakad palabas ng coffee shop.

Seven PM pa lang at three hours ako tumutulong sa coffee shop pag weekdays at eight hours naman pag Saturday kaya tumulong pa ko ng isang oras bago ako umuwi.

Isang lumang building malapit sa coffee shop yung boarding house ko. Malapit kasi 'to sa school at mura pa yung renta kaya eto yung pinili ko. Mag-isa lang ako  sa isang maliit na kwarto na tama lang para sa isang kama, isang table at isang closet pero may limang babae akong kashare sa CR sa floor namin.

Nasa probinsiya yung pamilya ko. May maliit kaming farm dun. Nung elementary ako, nakakuha ako ng isang scholarship sa isang highschool dito sa Maynila kaya mag-isa na kong nakatira dito mula noon. Valedictorian akong grumaduate nung highschool kaya nakakuha ako ng scholarship sa CYU. Every Christmas vacation ako nakakauwi sa may amin.

"Hello, Ma?" Kumuha ako ng baso ng tubig sa common kitchen nung boarding house bago pumasok sa kwarto ko. 

"Kathy, kamusta ka dyan?" 

"Okay lang po. Namimiss ko na kayo, tsaka sina Papa at yung mga kapatid ko. Kauuwi ko lang po galing sa part-time ko dun sa coffee shop." Umupo ako sa kama ko dahil nararamdaman ko na 'yung pagod ko.

"Ha? Nagtatrabaho ka pa rin? Sabi naman sa'yo kami na lang bahala ng Papa mo. Dapat magpahinga ka na lang. Masama 'yan sa sakit mo." Huminga ako ng malalim at kinuha 'yung mga gamot ko mula sa bag ko.

"Ma naman. Kung magsalita ka parang nakakamatay yung sakit ko. Anemic lang ako no. At hanggang tatlong oras lang naman ako nagtatrabaho sa coffee shop pag weekdays."

"Malalalang klase ng anemia, Kathy. Ilang beses ka nang muntik mapahamak dahil sumakit 'yung dibdib mo o nahimatay ka sa maling lugar at oras. Nag-aalala ako na mag-isa ka diyan sa Maynila. Please naman, anak, sundin mo na lang ako at magresign ka na sa trabaho mo." 

TGK 2: The Gangster's Vow [slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon