Chapter 13: "May date ako."

8K 212 222
                                    

Chapter 13

(Mia's POV)

"San nagpunta si Yumi?" Nanigas ako nung biglang umupo sa tabi ko si Parekoi. Kailangan nga ba yung huli naming pagkikita? Nung nag-usap kami at sinabi niyang gusto niya ko pero sinabi ko sa kanyang hanggang kaibigan lang yung turing ko sa kanya.

Nag-abot siya sa'kin ng isang baso na may lamang softdrinks at tahimik ko yung tinanggap.

Gunggong na 'to! Uupo upo ka lang na parang wala lang sa tabi ko pagkatapos mo kong iwasan ng matagal?! Pagkatapos mong sabihing okay pa rin tayo at magkaibigan pa rin tayo, dededmahin mo yung mga text at tawag ko tapos tataguan mo ko pag magkakasalubong tayo?! Eh anak ng tupa sana pala nagalit ka na lang nung binasted kita! Sana sinigawan at inaway mo ko, hindi yung magkukunwari kang okay tapos maglalaho ka sa balat ng lupa!!! At ako naman si engot, nagtext ka lang, sagot naman ako agad! Wala pang five minutes! Nung tumawag ka, sumagot na naman ako! Parang walang nangyari!

Pero syempre hanggang sa utak ko lang yung speech na yun. Sa isip ko sinasabunutan ko rin si RJ pero sa labas, tahimik lang akong umiinom ng Coke. Bwisit na lalaki 'toooo!

I cleared my throat tapos umayos ako ng upo. "Hindi ko sure. Umuwi na ata siya?" Tumango siya. "Si Kurt?"

"Malay ko dun. Babalik ata sa school niya."

"Sino yung lagi mong kasama?" HALA KA!! NADULAS AKO!

Gulat na tumingin sa'kin si RJ. "Ha?"

"Wala... yung ano?"

"Ano?"

"Yung ano?"

"Mia Ocampo, ano bang sinasabi mo?"

"Yung lagi mong kasama sa school! Ngayon ko lang siya nakita. Kakakilala mo lang sa kanya?"

"Lagi kong kasama? Ah. Baka si Ruby yung sinasabi mo. Classmate ko sa Kas."

"Ruby? Parang hilig mo naman sa gemstones niyan. Nung una si Jade tapos ngayon naman Ruby?" Sarcastic kong sabi.

"Bakit? Hindi naman gemstone pangalan mo ah?" Diretsong niyang sabi at bigla akong kinabahan. Uh-oh, danger danger! Retreat retreat!!

"Haaaaa?" OA na sabi ko. Tumingin lang sa'kin si Parekoi at tumawa siya habang umiiling. "So close kayo?"

"Nino?"

"Si Ruby!" Siya kasi yung lagi mong kasama habang para kang timang na iwas ng iwas sa'kin!

"Ewan." Nagkibit-balikat siya.

"Anong ewan?! Pwede ba namang hindi mo alam kung close kayo?"

Humarap si RJ sa'kin at tumitig siya sa mga mata ko kaya agad akong tumingala at nakipag-eye to eye sa kisame. Bago ko narealize na mukha akong engot kaya yumuko na lang ako at tinitigian ko yung bubbles sa Coke ko na maglandian—este si RJ at Ruby pala yung naglalandian---este walang naglalandian! O baka meron nga pero wala akong pake kung naglalandian sila! Ano ba! "Bakit mo tinatanong?"

"Curious ako, bakit ba!"

"Curious o nagseselos?" Tumingin ako saglit kay Parekoi at nakita kong nakangisi niya.

"Bakit naman ako magseselos?! Magkaibigan lang tayo, remember?!"

Akala ko maooffend siya sa sinabi ko pero tumango tango lang siya habang nakangiti pa rin kaya parang ako pa tuloy yung naoffend. Ano yun? Ibig sabihin move on na talaga siya sa'kin kahit nung kailan lang sabi niya gusto niya ko at ngayon mukhang Ruby na siya?! Ganon ba talaga ako kadaling kalimutan?! Eh teka nga, pake ko kung move on na siya? E di magmove on siya! Ipagtulakan ko pa siya sa Ruby niya eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TGK 2: The Gangster's Vow [slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon