Chapter 11: "Don't touch me."

3.4K 122 37
                                    

Chapter 11


(Kathy's POV)


"Kathy..." Narinig kong bulong ni Kurt sa'kin. Nasa lab kami ngayon ng chem subject namin at ineexplain nung prof namin yung experiment na gagawin namin ngayong araw.


"Bakit?"


"Pahiram ng phone. Hindi na talaga gumagana yung akin eh. Langya talaga yung ex mo, pinuruhan pati yung phone ko." He sighed pagkatapos nilagay niya yung phone niyang wasak na yung screen sa table. "Tatawagan ko lang si Yumi. Titignan ko kung bakit siya tumawag kanina."


Nagiguilty ako dahil ang dami ko nang nagagawang abala kay Kurt simula nung nag-offer siya ng tulungan ako. Minsan tuloy, iniisip ko, di kaya mapagod na siya sa pagtulong sa'kin?


Inabot ko sa kanya yung phone ko at ngumiti siya sa'kin. "Thanks." Nagtago siya sa likod ko para natatakpan ko siya at hindi siya masyadong makita nung prof at nagdial siya ng number. "Buti na lang memorize ko yung number ni Yumi."


Nagsulat ako ng notes habang tumatawag si Kurt sa likod ko.


"Walang sumasagot. Sino pa kayang pwede kong tawaga--"


"Mr. Villanueva!" Napatalon kami pareho ni Kurt nung biglang magsalita yung prof namin. Nasa harap na pala namin siya at masama yung tingin niya kay Kurt at sa phone ko na hawak niya. "You're not allowed to use your phone during class hours. Give that to me."


Dahan-dahang inabot ni Kurt yung phone ko sa prof namin.


"Kunin mo na lang 'to sa office ko mamaya when you submit your lab sheet," sabi niya tapos bumalik na siya sa harapan.


Tumingin sa'kin si Kurt and he looked apologetic. "Sorry."


Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang. Makukuha naman natin yun mamaya."


"Damn."


"Okay ka lang ba?"


"Yeah. Iniisip ko lang kung bakit tumawag si Yumi kanina. I hope it's not about something serious."


After ng discussion namin, ginawa na namin yung experiment. Medyo nag-overtime pa kami dahil inulit pa namin yung experiment kasi nagkamali kami nung beses dahil maling chemical yung nalagay ni Kurt. Masyado ata siyang distracted kaya pinaupo ko na lang siya at tinapos ko yung experiment.


Dahil nagkulang kami sa oras, hindi pa namin nagagawa yung lab sheet kaya nagpunta muna kami sa CS walk para doon tapusin yung lab sheet. Kailangan kasi namin tapusin yung ngayong araw para makuha namin yung phone ko, mag-alala panigurado sina Mama pag hindi ako nakatawag sa kanila mamaya.


"Kurt, hati na lang tayo? Sa'yo yung first part, akin yung second."


TGK 2: The Gangster's Vow [slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon