[28] HOSPITALITY Management

2.3K 100 25
                                    

28. Nagpapaligaw sa marami, kaya yung iba nasasaktan.

Six months akong nagtyaga sa panliligaw sa kanya. Tapos bigla ko na lang malalaman na nagpaligaw na rin pala sya kay...

Boy 1 (HRM)

Boy 2 (IT)

Boy 3 (EE)

Malma! Tapos hindi rin pala ako ang sasagutin nya. Maraming buwan akong nagpakahirap mapasagot lang sya, tapos iba rin naman pala ang sasagutin nya.

Para lang akong tumaya sa kulay black sa color game. Panay ang taya ko, wala rin pala akong aasahan. Sana bago nya inentertain yung iba nyang manliligaw ay nilinaw muna nya kung ano ng estado ko sa kanya. Hindi yung para kong tanga kahihintay sa OO nya.

Ang punto ko, ako ang naunang manligaw. Pinatagal pa nya ng 6 months tapos wala rin naman palang patutunguhan. Sana noong una pa lang ay nilinaw na nya agad na hindi ako ang mahal nya, para hindi ako umaasa sa wala.

Bakit kailangang mangolekta ng maraming suitors? Para ba maraming matanggap na flowers and chocolates? Sana hindi yun yung rason kasi ambabaw!

Or sinasala mo lang kung sino sa mga manliligaw mo ang karapat-dapat? Pero bali-baligtarin man ang mundo, mayroon at mayroong masasaktan sa mga manliligaw mo. Madali naman kasing magsabi ng HINDI o AYAW, hindi yung pinapaasa nyo kami sa wala.

Mas maganda na yung nasaktan kami sa simula, kaysa matagal kaming nagmumukhang tanga.

Who do you think you are,

running round leaving scars,

collecting your jar of hearts,

and tearing love apart...

*****************************

Kumwareng scenario lang po yan. hehe. ty :)

30 Things We Hate About GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon