[4] Walang Signal?

3.8K 165 84
                                    

4.       Girl Labo

Boy: galit ka ba? Bakit? Ano ba nagawa ko?

Girl: ewan ko sayo! Dapat alam mo kung ano ginawa mo!

Please lang, have MERCY on us.

Seryoso, kapag tinatanong namin kung ano nagawa namin, hindi kami nang-aasar. Hindi namin kayo pinagtitripan. Hindi lang tlaga namin alam.

Ang di namin maintindihan ay bakit ayaw nyo sabihin.

Bakit ba kailangan pang pahirapan kami sa pag-iisip kung ano yon?

Madalas nagiging parang pinoy henyo eh…

Tao?

Nagselos siguro sa bestfriend kong babae.

Bagay?

Hindi ko nabigay ang hinihinge nyang regalo?

Hayop?

Pati ata sa alaga kong aso nagselos?

Lugar?

Hindi ko kasi sya nadala sa Star City nung birthday nya?

Pangyayari?

Nakalimutan ko anniversary namin.

Ano ba talaga ang point ng pagpapatagal pa?

Siguro nag-eenjoy kayong pahirapan kami?

Lumalabas tuloy na parang nagagalit kayo dahil wala lang. Alam namin na may dahilan, pero ayaw nyo lang sabihin. Nakakabaliw yun! Nakakabuang!

Para ngang WALA LANG. Pero ang WALA LANG na ito ang madalas pag-awayan ng magkasintahan.

Di namin alam kung ano ang ginawa namin, so paano kami magsosorry?

Sasabihin naming, “sorry sa nagawa ko” pero maiinis kayo lalo kasi di naman namin alam kung ano yun.

Pero ano?

Ganun ulit. Hindi na naman napag-usapan ang problema. Sayang lang talaga.

Kayong mga babae ay parang TV na walang antenna. Walang signal! Ang labo nyo!

Sumagot ka naman wag lang EWAN...

30 Things We Hate About GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon