[26] Miss INARTEtional

2.3K 105 37
                                    

26. Babaeng maarte.

Ito yung mga babaeng kapag dinala mo sa…

*karinderya*

Dyan tayo kakain? Wag dyan, marumi pagkain dyan! Wala pang aircon!

*mall*

Huwag tayo dito, maraming tao dito. Gusto ko pati mapag-isa.

Malamang mall eh, magtaka ka kung walang tao dyan. Mapag-isa? Sana sinabi mo agad na ayaw mo akong makasama. Pinag-ipunan ko pa naman ang araw na ito mailabas ka lang.

------

Sa public CR na yan mo ako papa-ihiin? Eh di-buhos dyan, walang flush!

Da-possessed in DVD? Gusto ko sa sinehan natin yan panuorin!

Ano ba yang cellphone mo ang pangit! 1.3MP lang ang camera, pano tayo makakapagpicture nyan?

I don’t have heels. So you mean magsasandals ako? Eeeew!

Sinong hindi maiinis sa ganyang babae? Ang arte masyado. I feel sorry for those guys who have a gf like this.

Namuti na ang buhok namin kaiisip kung pano kayo ilalabas tapos pag-iinarte lang ang isusukli nyo sa’min?

Ano naman kung sa karinderya lang kayo kumain? Ang mahalaga kayong dalawa ang magkasamang kumain. Kahit pa gulay at tinapa lang ang kainin nyong dalawa. (yumyumyum)

Ano naman kung 1.3mp lang ang camphone nya? Ang mahalaga kayong dalawa ang magkasama sa picture. Walang photo bomber. The picture of love is the best image of all!

Ano naman kung sa dvd lng kayo manunuod? Mas sweet nga yun eh kasi kayong dalawa lang ang manunuod habang nagsusubuan ng boy bawang at mang juan at nagse-share sa straw sa pag-inom ng Royal.

Kapag inaya ka nya sumama ka na lang, huwag ng mag-inarte pa, unless may importante kang gagawin.

It’s not important what you two will do. Ang importante kayong dalawa ang magkasama and both of you are happy.

Wag nang mag-ina-inarte pa, boom suma-sumama! (tune of boom karakaraka. Mejo waley hehe)

*******************************

Violent reacton? comment lang kayo :)

30 Things We Hate About GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon