Chapter5

5 0 0
                                    

Third Person POV





"Am I dreaming? Is this some kind of a dream?"

Hindi mapigilang bulalas ni Frets dahil sa mga nasasaksihan. Hanggang ngayon ay hindi parin nagssink- in sa utak niya ang mga nangyayari. Tila ba kakaiba ito kumpara sa mga nababasa niya. Hindi niya inaasahan na magkakatotoo ang tanging nababasa niya lang sa mga fantasy stories na kanyang binabasa. Sa sobrang hilig niya sa mga fantasy at magical stories ay pati ata sa reality ay naia- apply niya ito.

"Hindi, imposible. Malabong mangyari ito. Kalokohan," pangungumbinsi sa sarili. "Inaantok lang siguro ako, tama, kailangan ko nang makatulog, pagod lang ito k-" lalo siyang hinigit ng lalaking nasa harapan niya at tinitigang mabuti.

Muli namang nakaramdam ng panghihina ng tuhod ang dalaga dala na rin ng malamig na titig na nanggagaling sa misteryosong lalaki.

"Hindi ka nananaginip, ito na ang reyalidad. Reyalidad kung saan sa'yo mismo nanggaling."

Muli na namang nadagdagan ang pagtataka sa mukha ni Frets. Hindi niya na maintindihan ang lahat, magmula sa kung paano at kung saan nanggaling ang lalaking kaharap at kung ano ang ibig sabihin ng mga malalim at matalinghaga nitong mga salita.

"Who are you and how the hell did you come here?! Tell me, please tell me!" hindi na napigilang sumabog ng babae. Sobrang gulong-gulo na ang isip niya, hindi niya na kayang pigilan ang sarili dahil talaga namang nakakabaliw lahat ng natutunghayan niya ngayon.

"Wala kang balak magsalita?! Then fine, I'm going to shout," paghahamon niya sa misteryosong lalaki ngunit parang wala itong reaksyon at pakialam sa sinasabi niya. "Ah gano'n, wala ka talagang balak magsalita huh? Then fine," 

"Heeeeeelp! Someone please help me!!! May magnanakaw sa apartment ko. Hey, landlady help meeeeee!!!" halos mamaos ang lalamunan ni Fretz sa lakas ng kanyang sigaw ngunit walang lumalabas na boses sa kanya. Sinubukan niya muling sumigaw, paulit-ulit hanggang sa mapagod na ang kanyang lalamunan at kusa na rin siyang sumuko.

Nakakapagtaka na kahit sobrang lakas na ng kanyang pagsigaw ay wala ni anong tunog ang lumabas sa boses niya. Muli niyang tinitigan ang misteryosong lalaki na animo'y isang bato dahil wala parin itong kahit anong emosyon.

"Sino ka ba talaga? Anong kamalignuhan ang mayroon ka." muli niyang tanong. At sa hindi mabilang na pagkakataon, hindi parin siya nito sinagot at tiningnan lamang siya na parang ito ang kanyang uri ng pagsagot.

Sinampal nalang ni Frets ang kanyang mukha para magising daw siya sa paniniwalang panaginip lang ang lahat. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa siya na mismo ang sumuko at napaluhod sa pagod mula sa kaliwa't kanang pagsampal sa sarili. Tila nawawalan narin siya ng ulirat dahil sa mga biglaang pangyayari.

Hindi niya lubos na inaasahan na sa paguwi niya ay ito ang madadatnan niya imbis na magpahinga.

"AHHHHHHHH!!!" she shouted as a sign of irritation. Naiiyak na siya dahil sa frustration, ayaw na ayaw niyang may mga bagay siyang hindi naiintindihan. Gusto niya lahat ng bagay ay umaayon sa kanya at sa gusto niyang mangyari. Hindi katulad ng isang ito, tila wala ni anong pahiwatig ang pwedeng niyang kunan ng sagot sa lahat ng katanungan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mission for the SunWhere stories live. Discover now