Chapter3

3 0 0
                                    

Third Person POV



Sila ang mga ka-trabaho ni Frets, sila rin ang mga taong nag- add sa kanyang Facebook account kamakailan lang. Mga bagong pasok sila sa kumpanya kung saan nagta-trabaho si Frets kaya hindi pa nila gaanong kilala ang dalaga, kung gaano ka-sungit at ka-ayaw nitong makisalamuha sa iba. Lahat ng ka-trabaho ni Frets ay hindi kailanman tinangkang makipag-kwentuhan sa kanya. Para bang may something si Frets at natatameme ang mga taong nakikipag-usap o tinatangkang makipag-usap sa kanya. Ngunit para bang iba ang mga bagong pasok na ito, hindi sila tinatamaan sa kasungitan at kagaspangan ng ugali na ipinakita ni Fretziel mula noong una nilang pag-uusap.

Ganun pa man ay hindi nawawala sa employee of the year o miski of the month ang nahahakot ni Fretz na mga award. Kahit kasi hindi siya gaanong nakikisalamuha sa kapwa ahente ay tinititiyak niya parin na hindi niya napababayaan ang kanyang trabaho, sinisikap niyang maging professional pagdating sa trabaho at ihiwalay sa kanyang personal na buhay. 

Pagkatapak palang ng tatlo sa kumpanya ay si Fretziel na agad ang nakita nila at kinausap, kahit na nakatanggap sila ng isang matinding pagka- seen sa unang pagkakataon na kanilang sinubukang kausapin ang dalaga. Hindi man lang ito nag-abalang sumagot sa sunod-sunod na tanong ng magkaibigan, bagkus ay iniwanan niya lang ang tatlo kahit hindi pa tapos sa pagsasalita ang mga ito.

Sa pag-aakalang titigil na ang mga ito sa pangungulit sa kanya, dahil sa ipinakitang kagaspangan ng ugali ay mukhang nagkamali si Frets. Tila ba hindi sila marunong makiramdam at hindi  napapagod, lalo na ang dalawang babae, dahil patuloy parin sila sa pangungulit at pakikipag-usap sa binansagang Seenzoned Queen.

Nag-umpisa na namang mairita ni Frets nang makita ang mga nakangiting mukha ng mga taong kinaiinisan niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ang mga ito ay automatic nang kumukulo ang dugo niya. Tila ba nakahanap siya ng babasag sa trip niyang kahit kailan ay hindi siya maa- attach at makikipag-kaibigan sa kahit kaninong tao. Kaya't ganun na lamang ang pagtataka niya kung bakit at papano na naman nangyari na nasa harapan niya ang mga maiingay na ito. Kung kailan pa talaga siya kakain,

"so what's the matter people?" she tried her best not to sound rude but unfortunately hindi nakisama ang kilay niya dahil nauna nang tumaas ito. Muli niyang naipikit ang kanyang mga mata as a sign of irritation. She often does that whenever she felt irritated.

Dahil ayaw na ayaw niyang may nangungulit at kumakausap sa kanya nang matagal lalo na kapag hindi importante ang pag-uusapan, mabilis talaga siyang mairita. Tulad ng ganitong usapan, "Hi Frets, kakain ka?" kapag ganitong usapan ay 'wag ka nang mag- expect ng sagot dahil tiyak na masi- seen ka lang.

O kung siswertehin ka at sinisipag siya ay masasagot ka niya ngunit, "Seriously, what do you expect with a person who's been sitting in a restaurant? Washing clothes?"

Natawa nalang ang tatlong magkakasama dahil sa ka-tarayan ng dalaga. Tulad ng inaasahan ay ganito nga ang magiging sagot nito.

"Now, people tell me, why are you here and why do you keep on fucking talking with me? The heck is wrong with you?!"

Nagkatinginan ang tatlo at para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata, "Frets naka- order ka na ba? Tara kain na tayo?" excited na saad ng isa sa kanila, si Ellen. Siya ang pinaka makulit at palangiti sa kanila, siya rin ang madalas kumausap at mangulit kay Frets kaya siya rin ang laging nabubuntunan ng galit nito.

Lalo lang nairita si Frets nang nagkibit-balikat lamang sila sa halip na sagutin ang tanong niya. At mas lalong kumulo ang dugo niya nang umupo pa ang mga ito sa kanyang pwesto. Tinabihan siya ni Ellen, habang sa harap naman niya ang isa pang babae na si Chay at sa tabi ang nakangising lalaki, ang kakambal ni Ellen na si Allen.

"So anong gusto mo, Frets? My treat," nakangiting tanong ni Ellen.

Inismiran lang siya ni Frets bago sumagot,
"No thanks, naka- order na ako. At isa pa, I can buy my own food."

Ngumiti lang si Ellen na parang inaasahan niya ang sagot nito. Maya maya ay akmang tatayo na si Frets para lumipat sana ng upuan, "Wag! Dito ka nalang Fretziel please. We just want to be friends with you," naka- puppy eyes at tila nagpapa- cute na pigil sa kanya ni Ellen dahilan para lalong mairita na talaga si Fretziel, but since nasa public place siya ay kailangan niyang magtimpi. Ayaw niyang maging center of attraction, isa iyon sa pinaka-ayaw niyang mangyari.

Hindi na rin niya nagawang lumipat dahil dumating na rin ang kanyang orders. Nagtaka siya dahil parang dumami ito kumpara sa binayaran niya, kaya sinabi ni Ellen na sa kanila ang iba rito. "Ang bilis naman ata nilang maka- order psh," bulong lang sana ito ni Fretz ngunit tila matalas ang pandinig ng lalaking kasama nila at narinig ni Frets ang mahinang pagtawa nito. Binigyan siya ni Fretz ng what-so-funny-look at tinaasan ng kilay. Nagkibit balikat lamang ang lalaki habang napapangisi pa rin habang nakikipagtagisan ng titig kay Frets.

Bilang lalaki ay likas na kay Allen ang pagiging alaskador at mapang-asar nito at kahit sinong mapagtripan niya ay talagang umuuwing badtrip o di naman kaya ay sira ang araw. Pero sa ngayon ay mukhang nakahanap na siya ng katapat na siguradong hindi rin siya uurungan.

Tila naman napansin nila Ellen at Chay ang namumuong tensyon sa dalawang kasama kaya naman gumawa na sila ng paraan para matigil ang dalawa,

"Ehem!" pagkukunwari ni Ellen.

Agad namang iniiwas ni Fretz ang kanyang tingin at ibinaling nalang sa pagkain kahit na nawala na ang gana niya rito dahil sa inis at pagkabwisit sa mga kasama.

Hindi pa man nauubos ang pagkain ay nauna nang lumabas si Fretz nang hindi man lang nagpapaalam sa mga kasama. Naiinis na siya kanina pa, ngayon lang niya natiis na makisama at makitabi sa ibang tao na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakasama niya sa pagdi- dinner.

Idagdag pa na habang kumakain sila ay hindi rin tumitigil sa pagsasalita si Ellen. She keeps on talking about her first day of period, which is not really appropriate because they're taking their meal. Sinubukan siyang pigilan nila Chay at Allen but she's enjoying continuously talking. Na kabaliktaran ni Frets na ayaw na ayaw ang may nag-uusap o nagku-kwentuhan kalat kumakain. She believes that meal is a blessing so as treated as sacred.

Mag- aalas siete na ng gabi at kailangan niya ng magmadali dahil male- late siya sa kanyang trabaho. Pagkalabas niya ng mall, agad siyang dumiretso sa terminal ng mga UV Express, kung saan ang sakayan papunta sa trabaho niya. Nagmamadali siyang maglakad dahil kailangan niya ring habulin ang boss niya, makikipagkita siya rito para makapag- advance dahil bayaran niya na ng kanyang inuupahang apartment. Paborito siya nito dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho at sa pangunguna niya sa may pinakamalaking sinasahod sa kumpanya, kaya kapag siya ang may kailangan ay agad siya nitong pinagbibigyan.

Pagkarating niya sa terminal ay agad siyang pumunta sa mga FX na nakapila at naghihintay ng pasahero, "Kuya, pa- Market po ba ito?" pagtatanong niya sa barker, sinagot din naman siya agad nito.

Pasakay palang siya nang may tumawag sa pangalan niya at alam na alam niya agad kung sino-sino ang mga iyon. Hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng sasakyan. Sakto namang isa nalang ang hinihintay at aalis na, sinubukan pa siyang habulin nila Ellen ngunit umalis na ang sinasakyan niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang makaupo ng maayos at mapanatag ang loob na wala ng maiingay at makukulit na taong nakapaligid sa kanya.

"Finally, toxics had gone. They're so irritating." saad niya sa kanyang isip habang isinusuot ang earphone sa kanyang tainga.

Ngayon ang gusto niya nalang ay ang magpaka- busy dahil sirang-sira ang araw niya ngayon.

Mission for the SunWhere stories live. Discover now