Chapter4

4 0 0
                                    

Third Person POV




Parang nabunutan ng tinik si Frets nang maalalang free day niya bukas. Lalo naman siyang ginanahan sa pagsagot ng mga tawag dahil kaunting oras nalang ay patapos na ang shift niya.

Sagot dito, sagot doon ang paulit-ulit niyang ginagawa, hanggang sa matapos na rin ang shift niya.

It's already 2:46 in the morning nang matapos siya sa trabaho kaya naman nagmamadali siyang magligpit ng mga gamit niya. Gusto niya na kasing matulog, ngayon lang siya inantok ng ganito kaaga. Usually ang tulog niya talaga ay 5am pero ngayon ay himala para sa kanya dahil sobrang aga pa para sa normal niyang tulog.

Habang nag-aayos ng sarili ay hindi naman nakatiis ang katabi niyang kanina pa humahanap ng timing para kausapin siya, "Hi Frets, gusto mo sabay na tayo umuwi? Tutal parehas naman tayo ng way pauwi e-" she stops from talking when Frets gave her a glare na alam niya ang ibig sabihin.

Napabuntong hininga si Ellen sa inasal ng kausap, "Bakit ba hirap na hirap kang makipag-kaibigan," bulong ni Ellen.

Narinig man ito ni Frets ay hindi nalang niya ito pinansin at tinapos na ang pag-aayos ng kanyang gamit.

Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang table ay agad itong umalis at nilagpasan ang magka-kaibigan na naghihintay sa kanya.

As she reaches the end door of the building, suddenly a voice came out that someone's calling her name, and that was not only her name but her full name.

"Fretziel Farrah Fernandez!"

Napahinto siya sa kanyang paglalakad at napapikit ng mariin as a sign of irritation. Nakasimangot niya itong nilingon para makita ang lalaking sumigaw ng buong pangalan niya, na isa sa pinakaayaw niya sa lahat, ang pagbanggit ng buong pangalan niya lalo na ang apilyido ng kanyang ama.

Humahangos ang lalaki habang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ni Frets. Tuloy-tuloy parin ang pawis nito sa mukha galing sa kakatakbo.

Nang marating niya si Fretziel ay otomatikong nagliwanag ang kanina pang haggard niyang mukha. Na miski ang makapal na salamin ay nababasa na rin ng kanyang malabutil ng bigas na pawis, dahilan para manlabo ang kanyang paningin at madapa sa mismong harap ni Fretziel. Agad naman din itong tumayo at nagpunas ng tuhod. Pinagpag niya ang kanyang kamay at pinunasan ang salamin bago isuot muli, "buti nalang hindi nabasag hehe" aniya.

Suot ang pinaghalong kulay pula't asul para sa kanyang long sleeves na itinak- in naman sa kulay dilaw na pants pangbaba sinamahan pa ng kulay puting suspender na lagi niyang hawak, at ang kulay puting medyas at black shoes.

Nakangiti itong nakatingin sa dalaga habang suot suot ang malapad na ngiti dahilan para lumabas ang kanyang braces sa ngipin. Masaya itong nakatingin kay Frets na ngayon ay bumalik na sa kanyang usual look, her emotionless eyes.

Kung mapapansin sa binata ay madalas rin itong makitang papikit-pikit ng kanyang mga mata dahil sa diperensya sa kanyang mata dahilan para manlabo ito.

"Honey pie ko may dala nga pala ko para sa'yo hihihi," masayang sabi ng binata habang inaabot ang dalang imported na chocolates galing pang Japan.

Muli namang napaismid ang dalaga na tila lalo lang nairita sa kausap, "do you think i would accept that freakin' chocolates of yours?" sarkastikong ani ni Fretziel.

Mission for the SunWhere stories live. Discover now