Chapter 35: [Truth or Dare]

3.1K 81 9
                                    

*VINIEL'S POV*

Napakasaya ko ngayon. Dahil nasabi ko na sa taong mahal ko na mahal na mahal ko siya. At lalo pang dumagdag ang pagkasaya ko dahil mahal din pala ako ng babaeng matagal ko ng pinapangarap. Corny ba? Sorry, ganyan talaga kapag nagmamahal. Wala sa vocabulary mo ang salitang CORNY.

Nandito pa din kami sa hall, kumakain kasama ang barkada. Nagsama sama kami sa iisang table, at siyempre magkakatabi ang magkaka-partners.

"Anong oras na pala?" tanong ng babaeng ngayon ay talagang akin na.

"4:45pm na. Bakit?" -Laken

"Ha? 4:45 na? Agad agad? PEE BEE BEE TEENS?!" -Erica

"Oo nga, ganun ba katagal yung pagsuyo sayo ni Viniel? Grabe ah." -Aly

"Sus, inggit ka lang Aly. Pabayaan mo, kapag sinuyo kita mas matagal pa diyan." -Chris

"AYIEEEEEE!" sabay sabay na sabi ng barkada.

"Nako, Chris! Kung alam mo lang. Kung alam mo lang!" -Anne

"KUNG ALAM MO LANG, CHRIS! KUNG ALAM MO LANG!" sabay sabay na sabi ng KLAPS except kay Aly na sobrang pula na. Kami namang mga boys, walang kaalam alam.

"Eh ano ba kasi yun?" -Arvin

"Gusto niyo ba talagang malaman?" -Laken

"Oo, gustong gusto siyempre. Lalo na si Chris, siyempre! Di ba pare?" -Miguel

"Ako nanaman?" -Chris

"Malamang, ikaw involve dito! Shunga ka?" -JD

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." sabay sabay na tawa ng barkada.

"Sige, maglalaro tayo ng Truth or Dare mamaya. Nang magkaalaman na." -Kaira

"SIGE, CALL!" sabay sabay na sabi naming mga boys.

Binilisan namin ang pagkain namin. After 30 minutes, tapos na kami. Pumasok na kami sa resthouse naming tatlong magkakapatid. Para ding resthouse nila Mama, pero mas malaki yung samin.

Tatlong kwarto, Arcade Room, Music Room, Dining Room, Kitchen atyaka Sala. Para na ngang ideal house ng bawat teens eh. Pero resthouse lang talaga para saming tatlong magkakapatid.

"Saan tayo maglalaro ng Truth Or Dare?" -Marlo

"Sa Music Room na lang tayo. Ayos lang ba sa inyo?"

"Oo naman, kahit saan. Kahit sa kitchen pa tayo, ayos lang." -Chris

"MAG-ISA MO!" sabay sabay na sigaw ng barkada sa mukha ni Chris. Kung nakikita niyo lang yung mukha ni Chris ngayon. Hahahahahaha. Priceless!

Pumasok na kami sa Music Room. Nagdala na ako ng bote dahil panigurado gagamitin namin.

"Start na tayo?"

"Game na." -Dennice

"Marlo, ikaw na mag-ikot ng bote." 

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now