Chapter 9: [Babe<3]

5.8K 132 17
                                    

*VINIEL'S POV* Uy. Kikiligin na sila niyan. Hahahaha.

To: Dennice Nerd

K. Tulog ka na Babe, ayaw kitang napupuyat. Sunduin na lang kita mamaya. I love you. Wag ka ng magreply. Sleep ka na ha. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. :* >:D<



Yan yung huli kong text kay Dennice kagabi.

Hindi nga mapinta yung mukha ko sa sobrang saya eh.

Alam niyo kung bakit?

Siyempre, yung babaeng pinapangarap ko pumayag maging girlfriend ko kahit fake lang.

Btw, magandang umaga pala.

Sorry ha, na excite kasi ako magkwento sa inyo.

Bakla man kung pakinggan, kinikilig kasi ako. Hahaha.

Text ko na kaya si Dennice?

Baka kasi tulog pa eh.

Di bale, text ko na nga lang siya.

Pero bago yun, palitan ko muna pangalan niya sa phonebook ko.

Nerd Dennice to Babe <3

Save changes? Yes.



Napalitan ko na ng Babe.

Susulitin ko na to, kasi 1 week lang.

To: Babe <3

Good Morning, my Princess. Wake up  na. I love you. :* :)



Pagkatapos ko siyang itext, bumaba na ako.

Sakto naman nakahanda na yung almusal tapos kumakain na sila Ate.

"Good Morning, mga Ate!" bati ko sa kanila.

Masaya ako eh. Ba't ba? Haha.

"Ba. Good mood ka ata?" tanong ni Ate Erica.

"Siyempre, sinagot na ako ng girlfriend ko eh." sabi ko naman.

Biglang nabulunan yung dalawa kong Ate.

"Sino nanaman yan Viniel? Akala ko ba si Dennice ang gusto mo? Eh hindi mo naman niligawan yun, kaya hindi siya di ba?" pagtataka ni Ate Laken.

Onga no? Magpapalusot na nga lang ako.

"Akala mo lang yun! Si Dennice girlfriend ko. Nililigawan ko na siya, matagal na." sabi ko na lang.

"Ang bilis naman?" tanong ni Ate Erica.

"Bakit? Syempre, hindi na siya magpapa hard to get. Sa gwapo kong to. Tss." sabi ko. 

Yabang eh noh? Basta makalusot!

"Loko, Viniel. Tigilan mo na yang kalokohan mo. Kapag si Dennice nasaktan, humanda ka sa aming KLAPS." sabi ni Ate Laken.

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon