Chapter 28: [Rooftop]

2.9K 68 4
                                    

*LAKEN'S POV*

After ma-hot seat ng mga kaibigan ko sa may cafeteria. Agad naman na kaming pumunta ng classroom. Kahit mga loko loko kami, maarte, ayaw pa din naman namin nalelate sa school mga uy! Buti na lang nga hindi ako natanong eh. Kasi wala naman akong isasagot. Siyempre, wala naman akong lovelife. Matagal na kaming wala ni Vince di ba.

Alam ko namang tama yung ginawa ko, kasi bago ko siya iniwan nilinaw ko muna lahat lahat. Nakita ko sa dalawang mata ko na may kasama siyang babae. Bago ko naman siya iniyakan, tinanong ko kung ano niya yung babae. Ang sabi niya, girlfriend niya daw. Kasabay ko. Yun ang masakit, tinu-two time ka ng boyfriend mo ng hindi mo alam.

Biruin mo, umuwi pa ako ng Pilipinas para siguraduhin na niloloko niya lang ako. Noong time kasi na yun, nagbakasyon ako sa Thailand. Ako lang, regalo sa akin ni Mommy dahil birthday ko. Hindi sumama si Erica atyaka si Viniel, tinatamad daw kasi sila.

Kay Andrea ko nalaman, na tinu-two time na ako ng boyfriend ko. Si Vince kasi atyaka si Andrea, medyo close sila. Eh mukhang nadulas ata itong si Vince nung nag-usap sila, kaya itong si Andrea agad namang sinabi sa akin.

Minahal ko si Vince. Nagbago ako para sa kanya, pero wala. Niloko niya lang ako. Kaya nga sabi ko kay Viniel, wag na wag siyang manloloko ng babae kundi itatakwil ko siya bilang kapatid. Kay Erica naman, wag na wag siyang agad ma-ffall. Madali kasi mainlove yang babaeng yan eh. Pero good thing kung kay Gab siya mapupunta, may tiwala naman kasi ako kay Gab.

So ito, nagkaklase kame. Pero ako, nakikipagdaldalan sa inyo. Eh kasi naman paulit ulit na lang ang pinag-aaralan. Nakakasawa. 30 minutes na lang, tapos na ang isang subject. Tapos another 1 hour para sa isa pang subject. Feeling ko cutting kami mamaya, para maprepare yung date sa rooftop ni Viniel eh. Di bale, alam naman ng diskartehan ni Erica yun.

(Lunch Break)

Agad naman nagpulong pulong ang barkada. Ganito naman kami lagi kapag break eh. Agad magsa-sama sama para magkulitan atyaka sabay sabay pumunta ng cafeteria.

"Cafeteria ulit?" -Dennice

Hindi pwede, ihahanda na namin yung date niyo eh. Alam na ng KLAPS pati ng mga boylets nila kung paano ang gagawin. Tinext na kasi sila ni Erica na sa rooftop na lang magkita kita.

"Hindi muna kami sasabay ni Erica ngayon, meron lang kaming aasikasuhin sa library. Sige, kita kits na lang mamaya after break."

Agad naman kaming umalis ni Erica after ko sabihin yun. Kilala namin si Dennice, baka kumatak muna bago kami umalis.

*DENNICE'S POV*

Lunch break na. Gutom na din ako! Haha. Sayang si Laken atyaka Erica hindi sasabay ngayon mag-lunch. May aasikasuhin daw kasi sa library eh.

"Tara na guys, punta na tayong cafeteria."

"Dennice, medyo masama kasi pakiramdam ko eh. Punta muna kaming clinic ni Kaira at Ariane ha. Sunod na lang kami." -Andrea

"Osige." bakit lahat na lang parang busy? Ako lang ba ang hindi?

The Princess with her FairiesWhere stories live. Discover now