Chapter48

87.7K 2.3K 200
                                    

                                        Chapter 48
                                      Lumaban Ka

      ’Nong umalis siya ay halos hindi kami ni Shawn.

     "Are you okay?''

     Konti lang ang nakain ko. I lost my appetite. Parang hindi pa ako nakamove on sa nangyari kanina.

   First time kong nakita siyang umiyak. Halos pinupunit ang puso ko. Tama ba yung pagtataboy ko sa kanya? Tama ba na pinairal ko ang pride ko?

   Knowing Sebe kung galit siya, galit talaga siya. Worst he's driving..Saan kaya siya tumutuloy dito sa Iloilo? Sino ang kasama niya?

    Matapos ang lunch namin ay agad akong hinatid ni Shawn pauwi. Halos lutang ako. Hindi ako makaimik.

    "Magpahinga ka.." Bilin ni Shawn na hindi na pumasok sa aking unit.

   Tanging tango lang ang naging tugon ko.Nang makapasok ay agad akong humiga sa kama. Mabigat ang aking tiyan kaya napagod ako.

    Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising ako sa tunog nang aking cellphone na walang tigil.Pungas pungas akong bumangon at hinalungkat iyon sa aking bag.

   Shawn Caling.May mga calls din na galing kay mama at Kylie..Sa estimate ko ay mag dadalawang oras akong nakatulog.

   Agad ko iyong sinagot.

   "Hello shawn?" Humikab pa ako.

   "God! Finally you answer!" He gasped rinig ko ang ingay sa kabilang linya.

    "B-Bakit?" Bigla akong kinabahan. Namawis ako nang malamig. Parang lalagnatin ako na wala sa oras.

   "Your fiance is here. ---"..

   Natutop ko ang aking bibig.

   "A-Ano? " Wala sa sarili kong sinuot ang aking tsinelas at diretso ang aking lakad palabas. Hindi ko alam kung nalock ko ba ang unit ko.

    Parang sumabog ang mundo ko sa nangyari.

   "But God! You're pregnant! Baka mastress ka---"..

   "No! " I screamed..

   "He needs me! Sebe needs me!" Inip na inip na makababa na ang lift sa basement.

    Wala na akong narinig sa kabilang linya.Tanging mga boses nang tao na nagpapanic lang ang aking nadidinig.

   "Pupunta a-ako diyan. Please help him Shawn, please.." Pumara ako nang taxi.

   "I will. " Dinig ko na sabi ni Shawn at pinatay ang tawag. Napaiyak ako sa loob nang taxi. Wala akong pake kung tinitignan man ako ng driver.

   "Diin ka nayon miss?"  Sa buwan na pananatili ko dito ay nalaman ko pa unti unti ang lengwahe nila.

   "San-Ag Hospital po.." Sagot ko.

   Ang bilis nang kabog nang dibdib ko ay sinabayan nang bilis na agos nang luha ko.

Kaya pala madaming miscalls si mama at si Kylie? Paano nila nalaman?

   It's all my fault. Fuck!

   Sana hindi ko siya tinaboy kanina habang ganon siya ka galit. Kasalanan ko.

   Sa mga oras na ito ay hindi na ako nagkaroon na mag alala sa sarili ko. Wala na akong ibang naisip kundi ang kaligtasan ni Sebe.

    Pag pasok ko nang hospital ay halos magkanda ugaga ako sa aking mga hakbang halos takbuhin ko papasok.

   Hindi ko na alintana ang aking mga luha.

Sebastian Montemayor (The Possessive CEO)Where stories live. Discover now