Ang Pinaka Malupet na Chapter 3

10 0 0
                                    



Nag-abot si kuya ng isang box pagkagising ko.

Binuksan ko ito. Akala ko welcoming gift, mga personal stuff lang pala. Merong bagong toothbrush, tasa, baso, kubyertos, plato, towel, alarm clock, face masks.

"Kuya, bakit binilhan mo pa ako ng dinning stuff, dala-dalawa naman ang mga set mo dito."

"Ah, yan. Haha." Sabay higop ng kape n'ya.

"Kuya." Tawag ko ulit.

"Ah. June, 'wag kang magugulat kung may mga lalaking dumarating dito, ha. Minsan kase, may mga nakikitulog na bisita dito. Dito din sila kumakain minsan."

Hmmmmmmm.

Mabuti nalang hindi ako tanga.

"Kuya, Prosti ka ba?"

Nabilaukan si kuya sa kape n'ya. Captain Obvious.

"Grabe s'ya. Prosti talaga? Hindi ba pwedeng naghahanap lang ng..."

"Da One?"

"Mga ganun. Pero hindi prostitution ang ginagawa ko. Ang tawag dito, gold-digging."

"Wow. Ang honest mo naman. At least hindi ka nagdedelusyon. So pa'no 'yon nangyayari? Kailangan ko bang umalis habang nandito sila?"

"Hindi naman. Well, pag may lumalapit sa'kin, papatulan ko, pero may age-limit naman ako. Mga 30 - 40 years old lang. At dapat merong..." tinaas ni kuya ang kanang kamay at gumawa ng gesture na we all know as pera.

"Ah, gets." Sabi ko. "Tapos?"

"Nag-s-stay sila ng isang-linggo hanggang isang buwan. Dalawang buwan na ang pinaka-matagal. Tapos, habang nandito sila, yun, nag-aano kame, at nagpapagastos ako ng pera. Pero dahil hindi ako palagamit na tao, nagpapalibre ako ng pagkain at nagpapa-fund transfer sa banko."

"So prosti?" sumbat ko.

Napahigop nalang uli si Kuya sa kape n'ya.

"So paano pag wala kang costumer?"

"Anong costumer? Fling. Fling ang term. At pag wala akong Fling, nabubuhay parin ako. May trabaho ako, excuse me. Mekaniko ako sa kilalang talyer."

"O sige. Nga pala, may bakante ba d'yan sa talyer na 'yan?" Bigla kong tanong.

"Ba't mo natanong?"

"Maghahanap ako'ng trabaho. I know medyo nakakagulat na ganito na buhay ko, pero kailangan kong magising sa katotohanan..."

"June, June, June. Tigil muna. Anong trabaho?"

Napatingin lang ako kay Kuya. Ine-expect ba n'ya na magiging palamunin lang ako? Mas made-depress ako kung tumunganga lang ako maghapon. Mabaliw pa ako. Mabuti na 'yung may pera.

"June. Hindi drop-out ang kinuha mong documents diba? Certificate of transfer ang meron ka diba?"

"Oo. Yung ang pinakuha ni Miss Jackie, eh. 'Di ko nga alam kung bakit, although sabi ko mag-drop lang ako."

"Siguro nanghihinayang din 'yang Miss Jackie sa'yo kung titigil ka lang. Don't worry, dahil 'yan ang documents mo, pwede kang mag-enroll sa state University dito, although 'wag kang mag-expect, hindi ko kaya yung mga tipong San Carlos, San Jose, at CIT-U."

Hindi naman ako magkapag-salita. Ano 'tong sinasabi ni Kuya? "Do you mean..."

"Oo naman. Gusto ko maka-graduate ka. For the mean time, dyan ka muna sa malapit na University. Pag naka-ipon ako, ililipat kita sa San Carlos."

"Huh?"

"Pumunta ka na dun. Start na ng semester sa susunod na linggo."

"Sa?"

"University of the Central Visayas. UCV. Um, 'wag kang mag-expect masyado."

// UCV is not a real University. And if the story descibes a real school, it would be a mere coincidence. I swear. Haha /// 

Ang Pinaka Malupet na Fried RiceWhere stories live. Discover now