Ang Pinaka Malupet na Chapter 2

16 1 0
                                    



Pahina ng pahina ang koneksyong nararamdaman ko sa Batangas. Andun ang kaluluwa ko eh.

Adios Patria Adorada.

Paliit-ng-paliit ang view ng Maynila, at makalipas ang apat-na-pung-limang minuto, nakalapag na ang eroplano sa Mactan International Airport.

Pagpunta ko ng waiting area, nakita ko si kuya Jok na may kausap na matangkad na Koreano. Masyadong malapit ang Koreano sa muka ng kuya, pero dahil malayo ako, hindi ko malaman ang pinag-uusapan nila.

Tumingin si Kuya sa muka ng Koreano, ngumiti, at mukhang may sinabing malupet kase napakamot sa ulo ang Koreano at umalis.

"June!" Sigaw ni Kuya nung napansin ako sa wakas.

Inabot ko sa kanya ang aking malobong handbag. Yung lang naman ang mga damit ko. Nasa backpack ko lahat ng gadgets tulad ng laptop, tablet, at drawing pad. Mga ganun. Pati Panti't bra.

"Kamusta byahe?" Tanong n'ya ulit.

Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood.

Bakit? Because my life is over.

Nasabi ko bang ma-drama akong tao?

Hindi ko din halos alam kung paano ako kikibo kay Kuya Jok. Dose lang ako nung huli kaming nagkita, at yun ay dahil lumayas s'ya sa bahay. Hindi ko alam anong problema n'ya non, pero lumayas lang s'ya. May sigawan non sa bahay, pero naglalaro lang ako ng tetris sa kwarto kaya wala akong pake.

Matangkad si Kuya Jok, moreno, at maamo ang mukha. Kumbaga, droppy eyes. S'ya yung tipo ng lalaki na nakakainis kase maganda ang pagka-kapal ng kilay at pagkalago ng pilik mata.

Hindi makatarungan.

Ako 'tong babae sa pamilya pero ako pinagkaitan ng magandang pilik mata.

Pero kahit matangkad si Kuya, maliit s'ya kung ikukumpara sa ibang lalaki. Actually, halos lahat yata ng tao matangkad para sa'kin - kase maliit ako.

Ayokong pag-usapan. Touchy Subject.

Pagkarating namin sa parking lot ng departure area, nagulantang ako. Isang owner-type jeep. Na walang pintura. Na halatang-halata pa ang mga welding residue. Na itim na trapal lang bubong.

I kent teyk dis enimor.

Walang aircon. Mainit.

The usok. My face.

Hindi ako girly na babae. Pero maarte ako, sobra. Baggy black shorts ang mga suotan ko, pero Uniqlo yan. Don't me. Baka naman mamaya, dahil sa buhay na kakaharapin ko, mag-ukay-ukay ako.

"June?" Tawag ni Kuya sa buma-black hole kong isipan. "Pasensya na ito lang sasakyan ko. Hindi kase ako ganon kayaman. But don't worry, darating din si DA ONE at ihahaon tayo sa hirap." Sabi n'ya, medyo determinado.

"Wat?"

"Wala."

Sa Cebu kase, nasa Mactan ang airport. Ang Mactan ay isa sa pinakamalaking minor Cebu Island. So bale, ibang isla pa ang Cebu Mainland. Merong dalawang bridge na nag-kokonekta sa Mactan at Cebu Mainland. Wala ako sa wisyo alamin ang mga pangalan nila, pero bago kami makalampas ng Bridge, meron akong napansin sa Mactan Island.

"Bakit puro Korean restaurant at convenience store ang nakikita ko dito?" Tanong ko kay Kuya

"Ah, dumadami kase ang Korean investors dito. Maraming turista, tapos yung mga Cebuano naman mahilig makiuso. Medyo marami din kaseng social climber dito banda, tapos yun, kung may makikita kang taong nag-aasta Korean fashion, wag mo nalang pansinin."

"So, ano 'to? Dirty Mini Korea?"

"Haha." Tawa n'ya. "'Wag ka namang ganyan. Pasalamat ka nakatira tayo sa Southern Cebu Mainland, kaya medyo wala kang makikitang ganyan 'don."

"At bakit marami n'yan dito? At bakit madami akong nakikitang foreigners? Hindi lang Koreans?"

"Um, malapit sa airport? Mga ganun siguro."

"Hmp. Meron akong mga Korean classmates sa Batangas, pero bakit parang ang toxic ng sitwasyon dito."

"Grabe ka naman, June." patawa n'yang saway. "Nakakatulong naman sila sa ekonomiya. At malay mo, d'yan ko mahanap si DA ONE ko at magaahon sa'kin sa hirap."

"Wat?"

"Wala."

Matapos ang tatlong oras na byahe, unti-unting napapalitan ng puno at pabrika ang mga matatas na building. Kahit na hindi kami close ni kuya, marami akong natanong tungkol sa Cebu. Tulad ng:

Bakit ampanget ng Express Way nila? Sabi n'ya wala kaseng toll fee 'di tulad ng SLEX.

Bakit ang trapik sa Minglanilla? Sabi n'ya kase maraming subdivisions sa sulok-sulok kaya biglang dumadami ang car volume dun banda.

Bakit inaagaw ng mga tsuper ang over-taking lane? Sabi n'ya kase iba ang ugali ng mga Cebuano kesa sa mga taga-Calabarzon. Hindi na s'ya nag-expound.

Bakit ampanget ng mga tao dito? Sabi n'ya panget din naman ako. Sabi ko naman panget din s'ya.

Sa no-aircon ride na 'yon, pakiramdam ko medyo naging-open na ako kay Kuya. Sa simula, awkward yung atmosphere sa airport kase halos 'di ko s'ya kilala. Pero note to self: Bumili ng face mask.

Tumigil kami sa isang barong-barong sa gilid ng kalsada ng Naga. Halos walang kapit-bahay at sa dalawang kilometro, dagat ang makikita. Probinsya ang feel, at mas lalo akong na-depress. City girl ako althroughout.

Hindi naman kubo ang bahay ni Kuya. Siguro mga 50 sqr. meters ang lupa, na tinatayuan ng konkretong haligi hanggang bewang, at nipa ang ding-ding hanggang kisame. Buti nga may kisame pa, hindi yero agad.

Halos walang gamit si Kuya, maliban sa ilang panluto, dalawang baso, dalawang plato, at dalawang pares ng kubyertos. Meron ding dalawang kwarto na may tig-isang electric fan.

"Sa'yo 'yang kwarto sa gilid. Hinanda ko na s'ya. Wala akong mga higaan, banig at foam lang kaya ko. Meron naman safe d'yan na hiningi ko sa kapit bahay. Para sa mga gadgets mo. Um, sa cellphone lang ako nag-t-TV kaya wala akong TV. Malakas naman ang signal dito, haha. Tapos Um..."

"Kuya... bakit ka lumayas ng bahay?"

Napatigil si kuya kaka-ikot ng bahay. Tumingin s'ya sa'kin, tsaka ngumiti.

"Hindi ka siguro nakikinig n'on. Nasa kwarto ka lang non diba?"

Tumingin lang 'din ako sa kanya. Baka makasira ng serious mood kapag sinabi kong Oo, kuya, mas mahalaga ang tetris ko kesa sa'yo.

Ngumiti s'ya ulit. "Hay, matagal na 'yon. Pero kung hindi ako umalis, baka matulad ako sa'yo. Malaki na pero halos wala pang sense of independence."

"Excuse me!"

"Pero tignan mo. Nagulat ka diba? Mula taas, bigla kang napunta dito. Mahirap mag-adjust sa ganong buhay, lalo na't 20 years kang nasanay sa layaw."

"Twenty ka din naman nung lumayas ka. Kung hindi ka lumayas, baka natapos mo yung Mechanical Engineering, at hindi ka lang naging mekaniko ngayon."

"Haha. Isa din yun sa mga pinag-sisishan ko sa buhay. Ang sakit mo namang magpakita ng katotohanan."

"Sa totoo lang, mas masakit ang sitwasyon mo kase ikaw mismo ang nag-desisyon na sirain ang buhay mo. Ako, tadhana lang ang sumira. Hindi ko kasalanan. Kaya meron pa akong idadahilan sa sarili kong minalas lang ako, wala akong masamang ginawa."

"O s'ya tama, masakit na." Pangiti n'yang sabi.

"At least ako..."

"Yesss. Yes, I understand. Ayusin mo na mga gamit mo."

Pumasok ako sa kwartong tinuro ni Kuya. Walang tumambad sakin kundi isang dark green na electric fan. Sa lahat ng kulay, yung kulay pa talaga ng alma mater ko sa dati kong University.

Hay. Buhay. Parang tanga.

**

Ang Pinaka Malupet na Fried RiceWhere stories live. Discover now