Ang Pinakamalupet na Chapter 1

16 1 0
                                    



Putang Ina.

Trapik nanaman.

Maraming Trapik enforcer pero mukang lahat sila walang kwenta.

Maraming Jeep pero lahat hindi gumagalaw.

Mga sampung kilometro pa ang layo ng bahay ko. At mula sa bahay ko, mga limampung kilometro ang layo ng University ko.

Ay hindi pala. Hindi ko na s'ya Univeristy. Dahil simula bukas, considered as drop-out na ako. Napasa ko na ang request for transfer ko. Paulit-ulit na akong tinanong ni Miss Jackie ng registrar kung sigurado ba ako sa desisyon ko, dahil sa oras na matanggap ko na ang ceritificate of transfer ko, hindi na ako pwedeng mag-enroll ulit: Ever.

Putang Ina diba?

Hindi ko ginusto umalis. Habang pinapasa ko ang form ko, halos pigil-pigilin ko ang luha ko. Pero wala na akong magagawa. Bankrupt na kami. Wala na kaming pan-tuition. Na-raid ang shabu lab ng tatay, at nakulong pa ang nanay. Nagtatago si kuya Ramon, at ang tanging matino sa'ming pamilya na si kuya Jok-jok ay isang mekaniko sa Cebu.

Ako?

Well, wala akong kinalaman sa shabu lab nila, pero dahil bente anyos na ako, hindi ako pinalampas sa imbestigasyon. Siguro ang tanging dahilan kung bakit hindi ako hinuli ay dahil negative kong drug test, at sa itsura kong maliit at magandang dalagita. Cute ako, syempre.

Mahal ko ang University na 'yon. Tang Ina marami akong organizations don. Malapit na ang thesis namin na s'yang pinakahi-hintay ko. Pero watdafak?

My life is over.

Kaya eto, habang naglalakad sa sidewalk katabi ang mga naipit na jeep sa trapik, nakatingin ako sa mga bitwin na tinakpan ng maduming ulap. Nalalanghap ko din ang mga carbon monoxide na galing sa incomplete combustion ng mga gagong jeep na 'to. Pero nilanghap ko s'ya. Kase ma-mi-miss ko 'to.

Batangas.

Isang napaka-gandang probinsya na halos Maynila ang standard of living kahit na province rate ang minimum wage. Isang probinsya kung saan naroon ang Solenad, Paseo, at ang University kong pinakamamahal.

Hay, mami-miss ko 'tong lugar na 'to.

Kainis.

Eto ako, naglalakad, pinipilit hinihinto ang mga luha. Drama diba?

Eto ako, naglalakad, kase sobrang bumper-to-bumper ang trapik kaya mas mabilis pa kung maglalakad nalang.

Eto ako, naglalakad, humihiling na sana mamatay nalang ako. Kumakanta ng mga "I rather die" na linyahan.

Matapos ang tatlumpung minutong paglalakad, nakarating na'rin ako sa bahay ko. Bahay 'to ng kuya, pero dahil wala ang pamilya ko dito, ako lang ang tao sa bahay. Kumuha ako ng suspiscious na powder sa binili ko kanina, hinalo sa tubig, at nilagay sa tinimplang kape.

Dito ko na tatapusin ang lahat.

Ang drama ko. Umaagos-agos ang luha ko dahil hindi ko magawang inumin ang kamatayan ko. Aba, meron kaseng matalinong shyet na utak ko nagsasabing, "Habang may buhay may pag-asa, bes."

Wag ako, matalinong ako. Ayoko nang mabuhay. Napagod ako kakalakad. I'm mentally and Physically exhausted.

"Bakit ka kase nag-lakad, gaga." Sabi ng Matalinong ako.

Whatever. Kinuha ko ang kape, at bago ko pa man mainom, biglang tumunog ang phone ko. Sobrang nakagugulat pa naman ng ringtone ko. Metallica, eh. Halos malaglag ko ang kape, but no, ayokong masunog ang balat ko. Kung mamatay nalang din naman ako, mamatay ako nang maganda.

Sinagot ko ang cellphone, kahit na unknown number ang puta.

"Sino 'to?" Pasiga kong tanong.

"Hello? Ikaw ba 'to, June?" Sabi ng malumayang boses. Si Kuya Jokjok.

"Kuya? What the hell? Ba't ka napatawag?"

"Ah, June, napanood ko sa balita na most wanted na sina Tatay at Kuya. Kamusta ka na?"

"Eto. Sa kamaang palad, buhay pa." Sagot ko, sabay tingin sa punong tasa ng Kape. Meron pa akong pag-asang mamatay. Pagkatapos ng walang-kwentang usapan na 'to, iinumin ko na 'to.

"Wag ka namang ganyan, June. Ikaw nalang mag-isa ngayon?"

Hindi na ako nagsalita. Bakit? Para sa anong rason? Mamatay narin naman ako. Nawalan na ako ng energy gumawa ng kung ano. Hays. Drama ko talaga.

"June. Bunsoy." Tawag uli ni Kuya. "Dito ka nalang tira sa Cebu. Ako na bahala sa'yo."

Ang Pinaka Malupet na Fried RiceWhere stories live. Discover now