Chapter 5

150 3 0
                                    

“Kaya sir, sobrang natakot po kami lalo na tong si Mika kasi naiwan mag isa dun” sabat agad ni Alex

“Pero po Mr. President, malapit na yung program. Kung pipili pa ng ibang students to finish that up, matatagalan na at baka ma-delay pa ang lahat. Why not let them finish it but I’ll be there to guide them and make sure that no body is left alone... AGAIN”  inemphasize talaga ni sir Garcia ang AGAIN at tiningnan sila ng masama

“Fine. Sige sige. You finish it with Mr. Garcia, Students.” Sabin a lang ni Mr. President

“Pero Po...” – Mika

“Sir...” sabay-sabay nilang sabi lima

Sigh. “Ok po.” Sabi na lang ni Mika

Mika’s POV

Ayoko na eh. Wala lang akong maggawa at baka hindi ako matahimik sa kakaisip sa babaeng yun...

Tulong.. tulong Please..

Paano ko naman siya tutulungan? Takot nga ako diba?

Naman oh.

Ba’t kasi ako pa.

Kami pa.

Tapos si Mr. Garcia pa.

Sigh.

Paano kaya? Siguro ito na rin yun way para malaman ko kung paano siya matutulungan at malalalaman ko kung anong nangyari sa kanya.

Hirap naman nito oh.

“Hoy! Tulala? Tulala lang? Anong iniisip mo ha?” gulat sa kanya ni Rachel

 “ano ka ba? Ba’t ka ba nanggugulat ha?” sigaw na sagot ko

“Mika, ba’t ka ba pumayag na tapusin natin oh? Natatakot na kaya ako noh. Ayoko nang bumalik dun” maarteng sabi ni Alex na nakasimangot pa

“Tsaka ayoko kayak ay Mr. Garcia. Sungit sungit na tapos harsh na haras pa. EW.” Dugtong agad ni Rachel

“Guys, tahimik. Baka may makarinig.” Tigil sakanila ni Sam

Pinabayaan ko na lang sila. Di ko na sinagot yung mga tanong nila. Kung takot sila, ano na lang ako no. Ako kaya ang naiwan doon.

“agahan na lang natin mamaya, tska-“ naputol ang sasabihin ko dahil bigla namang sumabat si Jay

“Oi baka naman may iniisip kang masama? Gusto mo ulit Makita yung babae, no? No?” Lumapit si Jay sa akin nung binibintang sa akin to

Kulit.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Hala, baka totoo? Di sumagot oh” – Sam

“Pwede ba? Tama na.” Napagod na ako sa kakakinig sa kanila

Pagdating sa Audi pagkahapon...

“Sir, nasira at nawala na kasi yung ibang print outs kaya kailangan ulit natin makapag-print ng bago.” –Mika

“Osige, Pwede naman siguro dalawa yung mapi-print tapos yung iba maglilinis na lang dito para mabilis yung trabaho.” Sabi ni Mr. Garcia sa aming 5

“ok po. Kami na lang po siguro ni Rachel-“ naputol yung sasabihin ko kasi ang gusto ni Sir iba yung pupunta sa Computer Lab para mag print

“No. Let Alex and Sam do that. Maiiwan kayo dito nila Rachel at Jay to clean the Audi.” Sabi ni Sir nakapagsimangot sa amin.

Ayoko pa naman na kasama siya dito. Kahit pa natatakot ako dun sa babae mas nanatakot ako sa kanya. Parang yung lalaki lang na nanakit sa babae. Nakakatakot din.

“Ok po, Sir. Tara na, Alex.” Sabi ni Sam

Pagka-alis nila, nagsimula na kaming mag linis sa Audi. Tapos si Sir, ayun naka upo lang, nakatingin sa amin.

Grabe di man lang tumulong.

Kung titingnan siya parang may binabalak.

Alam mo yung itsura ng Nerd na sobrang seryoso?

Na parang nabully at gusting maghigante pero walang maggawa?

Parang ganun.

Nakakatakot siya.

Weird ba naman ang buhok, ang salamin, ang pananamit, LAHAT.

Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw.

“What are you looking at, Ms. Tore?!” 

AuditoriumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon