Chapter 3

154 2 0
                                    

Parang may kamukha yung lalaki...

Nilakasan niya ang loob niya.

Biglang nawala lahat nang bigla siyang tumakbo papuntang switch ng mga ilaw na malapit din sa pinto

Binuksan niya ang switch pero walang nangyari. Ayaw bumukas ng ilaw.

Pumunta siya sa may pinto at pilit itong binuksan pero ayaw bumukas nito.

Umiiyak na siya sa sobrang takot.

Paglingon niya sa kanan niya..

Yung babae..

Duguan na ang mukha nito.

Nakatitig ito sa kanya.

Tulong..

Sabi ng babae.

Tulong.. please tulungan mo ako.

Di naka imik sa sobrang takot si Mika.

Bigla siyang natauhan at sumigaw ng sumigaw.

Tumakbo siya sa kabilang dulo ng Audi.

Andyan na siya. Please.. tulungan mo ako..

Biglang may humawak sa kamay ni Mika..

Malamig..

Tumakbo nanaman siya..

Nasa may stage na siya banda nang makita niyang may dugo sa sahig.

Iyak na siya ng iyak.

Napaupo na lang siya sa sahig.

Pagkamaya-maya...

May nagpupumilit na buksan ang pinto ng Auditorium.

Napaiyak siya lalo sa sobrang takot.

Ayaw niya nang gumalaw sa lugar niya.

Biglang may sumigaw...

“Mika!!! Ano ba?? Ayaw mo ba kami papasukin? Buksan mo to! Sorry na kung natagalan please”sigaw ng nasa labas.

Parang nabosesan naman ni Mika pero ayaw niya talagang gumalaw.

Bumukas ang pinto.

Muntik madapa si Alex sa biglang pag bukas ng pinto.

“Ayyy!! Ano bay an” sigaw ni Alex.

“Mika???” – Jay

“Anong nangyari saýo?” – Sam ( isa sa mga officer)

Nakita nila si Mika sa may stage at iyak ng iyak.

Kinabahan ang apat na bagong dating na sina Jay, Alex, Sam, at Rachel.

Biglang tumayo si Mika at inakap sila.

“Please. Umalis na tayo dito. Ayoko na. Tara na please.” Iyak ng iyak paring sabi ni Mika.

“Mika, ano ba kasi ang nangyari? Ha?” sabi ni Rachel.

Kinwento ni Mika ang nangyari.

Ayaw nila maniwala.

AAAAAHHH!!!

AuditoriumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon