A Shaking Discovery

83 0 0
                                    

 Umuwi ako kasama si Alexander at Sue na masaya. Paulit ulit na nga thank you ko kay Alexander e.

 Pero iyung akala kong tapos na ang lahat, hindi pa pala.

 Nung umuwi na si Sue, inaya ako ni Alexander na pumunta sa roof top ng pinaka-mataas na building sa buong unibersidad. Sumama naman ako.

        "Hinintay ko ang araw na 'to... Mahalaga para sakin ang pagtungtong mo ng 18."

        "Pero... bakit naman?", tanong ko.

        "Marami kang kailangang malaman sa edad mo ngayon."

Hindi ko naintindihan talaga, pero inisip ko na baka iba na ang dapat na gawin ko ngayong 18 na 'ko. Mag-e-evening class parin ba 'ko?

Pagdating namin sa roof top, aba ang daming stars!

At don ko naintindihang pinlano na rin ito ni Alexander, dahil... may lima hanggang walong kandila na nagliliwanag palibot samin, at may nakalatag na tela.

       "Ano 'to....?"

       "Let's sit...", ani Alexander.

Umupo kami dun sa tela. Parang picnic ang dating, kaso ang wirdo kasi may mga kandila. At nung umupo ako, dun ko lang napansing totoong petals pala ng bulaklak iyung naka-kalat at hindi design ng tela. Oh no, kinukutuban ako ng masama!

       "Here...", sabi ni Alexander sabay abot ng isang maliit na box. 

 Kinuha ko naman, pero nahihiya talaga ako at kinakabahan.

      "Sobra sobra naman ata iyung binigay mo sakin. Iyung kanina, sa party, regalo na iyun e. Masayang masaya ako.", sabi ko.

      "I want to make you happy. So let me do all these, okay?"

Ngumiti nalang ako. Tinignan ko iyung box, at binuksan ito. Ang laman, bracelet at ang cute ng design! Unique at halatang hindi mo mabibili sa tabi tabi lang.

      "Wow. Ang ganda nito! Salamat."

Kinuha ni Alexander iyung bracelet, at siya mismo ang nag-suot sa wrist ko. Pero hindi na niya binitawan iyung kamay ko kahit naka-kabit na iyung bracelet.

       "Simpleng bracelet lang 'to. Hindi siya protection o anuman. Ang totoo, meron ka na nito noon pa... sa past life mo. Gusto ko lang na ibalik sayo."

       "Ah- g-ganun ba...? Galante siguro ako noon.", sabi ko nalang.

       "Hindi... As simple as you are right now. Ako lang naman iyung nagbibigay sayo ng ganito e. Pero lahat tinatanggap mo. You didn't change a bit."

Nagulat ako. Talaga? Ang galing naman ng reincarnation! Hindi ako nagbago!

       "Talaga? Hindi ako makapaniwala."

       "That's.... aside from that ngayon, hindi mo alam na...."

       "Na-? Anong kasunod?". tanong ko.

Napa-iling siya at ngumiti.

       "Wala. Forget about it."

Nagtaka ako. Tumingala ako, at tinignan ang paligid. At ngayon ko lalakasan ang loob ko para itanong...

       "Bakit parang ang romantic ata ng dating ng rooftop na 'to? Nagtataka ako."

       "Noong 18th birthday mo sa past life mo, ginawa ko 'to. I'm doing this again. Aside from that, lagi tayong nasa rooftop na 'to."

       "Kung ganun... sobrang close pala kayo ni Ageha. Parang..."

       "That's because....", sabay tingin sakin, "we were couples..."

....!?!?!??!?!?!?!??!?!?!?!?!?

ANNNNNNNNOOOOOOOOOOOOOOOOO?!

Half Unknown (Mixtures Uncovered)Where stories live. Discover now