Another Thing to Worry About

29 1 0
                                    

     Ibang klaseng sasakyan na ang dala ni Alexander noon. Kung dati'y pang-vintage pa ang sasakyan niyang agaw pansin dahil bihira nalang ang gano'n sa panahon ngayon, mas agaw pansin naman ang sasakyan niyang napaka-moderno naman. Saan ba niya nakukuha ang mga ganito? Ngayon lang ako nakakita ng ganitong sasakyan. 

     "Kailan ka naman nakabili ng bagong sasakyan, Alex?" tanong ko.

     "Mga ilang araw lang pagkatapos kong makarating dito. Maganda ba?" nakangiti niyang sagot.

     "Oo, pero cute parin iyung isa mong sasakyan." sabi ko.

     Ngumiti nalang siya't hindi na nagsalita pa.

     Mga ilang minuto pa, kinabahan na 'ko dahil ang daan na iyun ay pareho sa dinadaanan ko pauwi. At nung nakita ko na ang mismong tinitirhan ko, kumaliwa ang sasakyan papasok sa village. Teka nga, ibig sabihin... magkalapit lang ang mga bahay namin?!

     Mabilis ang tibok ng puso ko, kabadong kabado talaga ako. Kung ganun, napakadali lang pala na mahuli kami ni Ciel! Pero hindi... hindi ako pwedeng mawala sa kunsentrasyon, kung ayaw kong mahuli ako ni Alexander.

     Ilang segundo pa ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bungalow. 

     "Nandito na tayo." aniya.

     Bumaba na kami at sumunod ako sakanya sa pagpasok sa loob. Nahihirapan akong pigilan ang kaba ko dahil talagang malapit lang ang mga bahay namin. Kung lalakarin ko mula bahay papunta rito, aabutin lang ako ng limang minuto. 

     Habang busy ako sa pagiisip, bigla namang nilapag ni Alex ang mga DVD niya sa lamesang nasa harapan ko.

     "Mikki! Pili na." sabi niya.

     Tinignan ko naman ang mga DVD niya. Ayoko nang pumili ng vampire movies, ayoko nang maulit ang nangyari noong unang beses naming nanood ng movie. Hmm... cartoon nalang. 

     "Ito nalang!" sabi ko.

     Sana hindi awkward ang pagkasabi ko.

     "Ah, sige!" sabi niya, sabay kuha sa DVD.

     "Eh, Alex... paano naman iyung tinitirhan mo sa Academya?" biglaan kong tanong.

     Biglaan lang talaga iyun. Nakaramdam ako ng pangingilabot matapos kong sabihin iyun. SANA HINDI NALANG AKO NAGTANONG!

     "Ah iyun ba, e pwede ko namang balikan iyun kahit kailan ko gusto. At isa pa, nandoon si Sue hindi ba?"

     "Oo nga... oo nga pala..." sabi ko. "E pero, paano ka rito, nagiisa ka lang talaga?" biglaan ko nanamang tanong.

     NAKU MIKKI SUMUSOBRA KA NA.

     Ngumiti si Alex.

     "Okay lang naman ako. Bakit, naaawa ka ba? Pwede mo akong samahan kung gusto mo."

     Napangiti ako, pero ngiting hindi natutuwa, o kung ano. Napaka-awkward ng ngiti ko! Sana hindi niya naramdamang natakot ako sa sinabi niya.

     Umupo na kami sa couch niya. Inabutan niya 'ko ng chips. Buti meron siya nito? At sakanya, syempre, kulay pulang juice (na hindi naman talaga juice). Okay... sana talagang makapag-focus kaming dalawa sa movie na 'to.

_________________________________________________________________________________

     "Nasaan na iyun? Sabi niya lang sakin kanina dadaanan niya 'ko rito." ani Ciel.

     "Hmm? Nauna pa nga lumabas sakin iyun e." sabi ni Dasmin.

     "Nauna pa sayo? Ibig sabihin dapat kanina pa siya nandito. Saan siya pumunta?"

     May hinalungkat lang sa bag si Dasmin at naglabas ng cellphone.

     "Gusto mo bang tawagan natin si Latona?" tanong niya.

     Hindi sumagot si Ciel, pero alam na ni Dasmin iyun. Tinawagan niya si Latona.

~Latona: Hello?

     "Hello, kasama mo ba si Mikki?"

~Latona: Hindi. Bakit?

     "Wala pa kasi siya, e dapat dadaan siya rito. Nauna pa ngang lumabas sakin iyun."

~Latona: Wala siyang sinasabi sakin kung saan siya pupunta. Sabihin mo diyan sa kasama mong mixture, umuwi na siya at wag aalis doon. Ako nang bahala.

    "Sa tingin ko imposibleng matahimik 'tong mixture na 'to."

~Latona: ... Sige, pupunta ako diyan.

    "Okay." sabay putol ng linya. "Oh ayan, pupunta raw si Latona rito, hintayin natin siya."

    "Para ano?!"

    "Para tulungan kang hanapin siya...?"

    "Hindi ko siya kailangan, ako na maghahanap kay Mikki!" sabay dampot ni Ciel sa gamit niya't palabas ng pinto.

     "Teka!" pinigilan ni Dasmin si Ciel. "Wag. Delikado kapag hindi tayo kumilos ayon sa plano ni Latona."

     "Wala akong pakialam! Bakit ba parang napaka-omniscient ng bubuit na iyun?!"

     "DAHIL OMNISCIENT TALAGA SIYA. Ciel, kung ayaw mong mas sumama ang lagay, wag ka munang gagawa ng kahit anong wala sa plano ni Latona."

_________________________________________________________________________________

     Nung pa-tapos na iyung movie, nagulat ako nang makitang tulog na pala si Alex. Mukang hindi niya gusto ang cartoons! Tumayo ako at dahan dahang lumapit sakanya. Tulog ba talaga 'to?

     Tinanggal ko ang DVD mula sa player at binalik sa lalagyan nito. Pinatay ko na rin ang T.V. at tinignan ulit si Alex. Mukang tulog na tulog nga talaga siya. Okay! Mabuti ito. Makakauwi ako, at hindi malalaman ni Alex kung saan ang bahay ko. YES!

     Nagtip-toe ako papunta sa pintuan at palabas ng bahay niya. Nagawa kong makalabas, at nag-stretch pa ko ng braso ko. HAY SALAMAT. Pero nung maglalakad na ako, bigla namang narinig ko ang pagbukas ng pinto niya. Oh... No...

     "Mikki! Hindi mo naman ako ginising. Sorry nakatulog ako."

     "E.... e kasi naman mukang talagang napagod ka. Di bale, sige na matulog ka lang." sabi ko.

     "Hindi, ihahatid na kita." at tuluyan siyang lumabas ng bahay niya para buksan ang sasakyan.

     "Hindi na...! Kaya ko nang umuwi magisa." sabi ko.

     "I insist..." sabi niya.

      "I... I insist too!" sabi ko.

     Napatitig siya sakin, at kinabahan nanaman ako. Don't read my mind!

     "B-bakit... may dumi ba muka ko?" tanong ko.

     Ngumiti siya't binulsa ang susi ng sasakyan.

     "Sige, kung talagang ayaw mong ihatid kita. Magingat ka, okay?" aniya.

     Nagulat akong hindi na siya nagpumilit. Pareho kong naramdaman ang takot at saya na pinabayaan niya 'ko.

     "Salamat...! Sige, good night!" sabi ko, sabay alis.

     Pinagpapawisan na ako kahit hindi naman talaga ako pagod. Kabadong kabado talaga ako. Ayokong malaman niyang malapit lang ang bahay niya sakin, dahil malalaman niya rin na nandito si Ciel. Papano kung sundan niya ako? Wag naman sana...!

Half Unknown (Mixtures Uncovered)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon