Losing Him... Killing Them Part 2

110 3 2
                                    

Part 2

A/n: Sensiya sa matagal na hindi paga-update.

Kristine

Sobrang dilim, ni hindi ko nga namalayan kanina na wala na pala sa tabi ko sila Allen. Mahina ako sa pag-alala sa mga bagong lugar na napupuntahan ko, kagaya ngayon. Tsaka kalo-lowbat lang ng cellphone ko na siyang tanging ginagamit ko para magkaroon ng kahit konting liwanag. Halos wala na nga akong makita eh.

“A-Allen! Anne! Nasaan na kayo?” sigaw ko. Nag-patuloy lang ako sa paglalakad pagkatapos ay may nakita akong liwanag na mukhang nang-gagaling sa flashlight. Pupuntahan ko sana iyon pero may biglang pumulot nito. Hindi ko maaninag kung sino iyon dahil sobrang dilim. Wala naman kaming dalang flashlight kanina kaya siguradong isa sa mga naiwan sa bahay bakasyunan nila Mark ‘yun. Medyo iika-ika pa akong naglakad papalapit doon pero may biglang humablot sa braso ko. Agad akong nag-panic kaya nagpumiglas ako. Pero pilit ako nitong kinaladkad papalayo doon sa pupuntahan ko sana.

“Ano ba—,” Hindi ko na din naipagpatuloy ang sasabihin ko nang bigla nitong takpan ang bibig ko. Medyo malayo na kami nang tumigil ito sa paghila sakin. Bigla tuloy akong napaupo sa putikan.

“Huwag kang maingay,” mahina at parang medyo naiinis na sabi nito sakin. Teka, kilala ko ang boses niya.

“A-Allen?” mahina ko ding bigkas, dahan-dahan na din akong tumayo.

“Oo, ako nga! Huwag kang maingay, baka makita nila tayo!” sabi niya sakin.

“B-Bakit?” kinakabahan ko nang tanong sa kaniya. Ano na bang nangyayari? Patingin-tingin siya sa paligid tsaka niya  biglang itinuon sakin ang atensiyon niya.

“Patay na si Anne, nakita ko din si Tristan sa may cr, duguan siya. Nagtatakbo ako papalabas nang bahay nila tsaka ko biglang narinig ang sigaw ni Veronica.” Paliwanag ni Allen. Patay na si Anne? May sugat siya sa ulo niya kanina pero hindi naman ‘yun ganun kagrabe. Hindi siya pwedeng mamatay. Niloloko ata ako nitong si Allen. Tsaka si Tristan, patay na?

“Si Anne, h-hindi pwede. B-Bakit sumisigaw si Xandra? Allen, kung joke ‘to hindi ka nakakatuwa.” Madiin kong sabi sa kaniya.

“Hindi ko alam. Palabasin daw siya, ewan ko! Sa tingin mo ba jinojoke kita? May killer Kristine!” natataranta na niyang sabi sakin.

“Sigurado ka ba diyan?” tanong ko. Nag-aalinlangan pa din akong maniwala sa kaniya pero kilala ko siya. Hindi siya ‘yung tipo nang taong palabiro. Bwisit naman, ano na bang nangyayari? Edi ibig sabihin patay na si Anne. Pero.. Pero hindi siya pwedeng mamatay.

“Oo,” sagot naman niya.

Bigla tuloy akong may naalala. ‘Yung pinag-uusapan namin ni Anne kanina, ‘yung nananakot samin. Hindi ko alam kung bakit pero matagal nang may nagbabanta sa amin. “Edi ibig sabihin sinadya talaga ‘yung pagkakawala ng preno kanina.” Tanong ko.

“Tama ka, sigurado akong kanina palang sa aksidente ay gusto na nila tayong mamatay. Pero nakaligtas tayo, tsaka nang makita kita kanina ay ikaw kaagad ang nilapitan ko dahil sigurado akong hindi ikaw killer.” Paliwanag ulit niya.

Tama siya, malabong isa sa aming tatlo ang killer. Pero nag-aalangan pa din ako. “S-sigurado akong patay na si…. Si Anne?” tanong ko ulit kay Allen at tumango lang siya. “H-Hindi kaya tungkol ito sa nangyari dati?”

“Yung.. ‘Yung pagkamatay niya?” tanong niya at tumango lang ako.

“May kinalaman kayo doon diba?” tanong ko.

“Alam niyo din naman ang tungkol doon.” Madiin naman niyang sabi.

“Pero hindi naman kami ni Anne ang nakapatay sa kaniya, sinabi mo lang samin.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

“Kahit na! May kinalaman pa din kaya!” naiinis na naman niyang sabi. Mag-sasalita pa sana ako pero may biglang tumunog. “Cellphone ko ‘yun.” Sabi ni Allen. Agad niya itong inilabas at sinabing si Xandra ang natawag.

“I-loud speaker mo.” sabi ko dito.

“A-Allen, n-nasan ka?” bungad ni Xandra at parang naiyak siya.

“Hinahanap ko si Kristine.” Sagot naman ni Allen. Bakit hindi niya sinabi? Napakunot tuloy ang noo ko.

“M-Mag-isa lang ako dito A-Allen. Hindi ko alam ang gagawin ko. N-Nakita ko si Tristan, m-may pumatay sa kaniya. P-Please, puntahan niyo a—,” Hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin niya nang maputol na ang linya.

“Anong gagawin natin?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko din alam.” sagot naming ni Allen.

“Pero paano si Xandra, kailangan natin siyang tulungan.” Sabi ko naman.

“Edi kailangan nating bumalik.” Sabi naman nito.

Tama, kailangan naming bulok. Wala na din naman kaming iba pang magagawa.

 

Mark                                                                                                                          

Sobrang dilim na ng paligid, pagkatapos ay iisa na lang na flashlight ang gumagana dahil mahina nap ala ‘yung battery nung isa naming dala. Saan na ba napunta si Kristine? Nakakabwisit talaga, nag-aalala na ako kay Veronica. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko. Napalingon ako kay Al, tahimik lang siyang sumusunod sakin.

“Sa tingin mo may sumira sa preno nung van?” bigla kong naitanong sa kaniya. Umiling lang siya bilang pagsagot. Haynako, dapat pala hindi na lang siya ang sinama ko. Bestfriend kase ni Xandra ‘tong si Alanah, si Xandra naman ay isa sa malapit na kaibigan ni Veronica kaya kasama sila.

“Naaalala mo ba si Nielle?” natigilan ako ng biglang binanggit ni Al ang pangalan na ‘yun. Hindi ko makakalimutan kung sino ang nagmamay-ari ng pangalan na ‘yun. Hindi ko alam kung sasagot ba ako hindi. “Bukas ‘yung araw kung kailan siya namatay.. Ay mali pala, ang araw kung kailan siya pinatay.” Sabi nito at ramdam ko ang unti-unti niyang paglapit sakin. “Alam mo ba, hindi ko alam kung bakit nila ginawa sa kaniya ‘yun. Mabait siya, magalang, sweet…..” Nasa tapat ko na si Al at diretsyo siyang nakatingin sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang isang pilit na ngiti mula sa kaniya. “May gusto nga ako sa kaniya eh. Nakakatawa diba?”

May gusto siya kay Nielle? Bakit niya sinasabi ‘to sakin?

May itatanong pa sana ako sa kaniya pero bigla na lang siyang takot na takot na umatras mula sakin. May tinitingnan siya sa may likuran ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya nabitiwan ko ang nag-iisang flashlight na meron kami. Lilingon na sana ako pero biglang may pumalo sa akin, sa mismong ulo ko. Agad naman akong tumumba at napahawak sa aking ulo na sobrang sakit. Ramdam ko ang dugo doon. Tatayo sana ako pero pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Tang-ina, mukhang mawawalan pa ako ng malay.

“A-Allen! Anne!” narinig kong may sumigaw mula sa di kalayuan. Boses babae, boses ni Tine. “Nasaan na kayo?”

Magsasalita sana ako para humingi ng tulong mula sa kaniya pero biglang may nagsalita at ramdam kong sobrang lapit niya sakin. “Kapag nag-salita ka, papatayin kita.”

A/n: May part 3 pa ito. So, sino sa tingin niyo ang killer?

Crime of Passion | Bloody Relationships CompilationWhere stories live. Discover now