Confessions (Two-shots)

101 2 1
                                    

CONFESSIONS

AUTHOR’S NOTE: Medyo mahaba siguro ‘to. Baka magkaroon ng isa pang part. Warning nga pala, may incest so kung hindi kayo kumportable sa ganun, don’t read.

-

Allyson

“Oo mamaya, magandang laruin ‘yun! Nasubukan na namin eh,” pag-pupumilit niya sakin. Mukhang ayos lang naman ‘yung laro pero ang pakay naman talaga namin gawin mamaya eh ang mag-review para sa finals. Kailangan ko talagang mag-review dahil kung hindi, tatagilid niyan ang grades ko.

Tiningnan ko muna siya saglit. Hindi ko maisip kung bakit niya biglang naisipan i-suggest ‘yun. “Sige, bahala na.” sabi ko na lang sa kaniya.

“Okay, mamaya ha!” sabi nito bago tuluyang umalis.

Tiningnan ko ‘yung phone ko para alamin kung anong oras na. Naku, kanina pa siguro ako hinihintay ni Eriole sa cafeteria. Dali-dali ko nang itinago ‘yung binder at ballpen ko sa bag ko. Nang papalabas na ako mula dito sa library ay may bigla namang humila sa kamay ko. Bwisit, bakit ba napakadami atang epal ngayon. Medyo naiinis akong lumingon doon sa kung sino mang hawak-hawak pa din ang kamay ko.

“Claire..” mahina kong bigkas. Hindi ko kase inaasahan na siya pala ‘yun, agad naman akong ngumiti kahit pilit lang. “Bakit?” tanong ko pa.

“Uhmmm.. Kase, ano… Nakita mo ba si Claude?” tanong niya sakin pero hindi siya makatingin ng tuwid sa mata ko. Ganun siya lagi kapag may kausap siyang iba maliban kay Claude. Sabi nila sinasadya niyang   gawin ‘yun para magpapapansin. Pero iba, alam kong iba ang dahilan.

“Naku, hindi ko alam. Baka kasama siya ni Eriole. Tara, nasa cafeteria ngayon si Eriole.” Sagot ko sa kaniya at nag-simula nang mag-lakad. Hindi ko na siya nilingon pa. Bahala na siya kung gusto niyang sumunod. Hindi ko din kase gusto na nasa malapit siya sakin, maski si Claude pa. Ayoko sa kanilang mag-kapatid.

Nang makarating ako sa cafeteria ay agad kong hinanap si Eriole. Medyo madaming tao kaya hindi ko kaagad siya nakita. Hindi ko nga din inaasahan na kasama niya doon si Natally at hindi nga ako nagkamali, naandoon nga si Claude.

“Ang tagal mo,” bungad sakin ni Eriole. Lahat sila sakin nakatingin.

“May kinausap lang ako.” sagot ko sa kaniya, pagkatapos ay kay Claude naman ako tumingin. “Hinahanap ka ni Claire.” Sabi ko.

“Hayaan mo siya.” sabi lang niya at napansin kong agad niyang tiningnan ang cellphone niya. “So, kina Alex tayo mamaya?” tanong niya pero hindi siya samin nakatingin.

“Saan pa ba?” sabi naman ni Eriole tsaka tumayo na. “Tara Ally, bili na tayo. Kanina pa ako nagugutom eh.” Tumango lang ako pero bago pa ako makalayo ay nagsalita naman si Natally.

“Sabay na tayong pumunta kina Alexis ha!” sabi nito sakin at tumango na lang ako. Sa iisang subdivision lang naman kase kami nakatira. Umalis na din siya kasama si Claude.

Medyo wala sa mood si Eriole kaya tahimik lang ako. Paano ba naman eh hindi din siya nagsasalita. Nitong mga nakaraang araw ay parang hindi na kami katulad ng dati. Para bang lumalayo na ‘yung loob  sakin ni Eriole. Hindi na katulad nang dati. Parang wala nang ‘kami.’

“Ihahatid na kita pauwi?” tanong niya sakin. Nasa may gate na kami ng campus at hindi pa din niya ako masyadong kinikibo.

“Huwag na, magta-taxi na lang ako. Mamaya nga pala kapag sinundo mo ako papunta kina Alexis, sasabay na satin si Natally.” Sabi ko sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay medyo kakaiba ‘yung ekspresyon sa mukha niya.

Crime of Passion | Bloody Relationships CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon