CHAPTER 57

3.5K 83 1
                                    

ASH POV

Nasa harap ako ngayon ng isang private room. Tinititigan ko lang ang babaeng nakahiga sa loob. Maraming apparatus ang nakakabit sa kanya. It's been 5 months since na coma siya. Ang sabi ng doctor ay makina na lang ang bumubuhay sa kanya.

"Ash, kumain ka muna. "

Sabi ni mark dala ang supot ng pagkain. Hindi ko siya pinansin kaya napabuntong hininga na lamang siya.

"Ash, pag pinagpatuloy mo Yang ginagawa mo ay maaapektuhan ang kalusugan mo. "

Sabi naman ni Keith habang nakasandal sa gilid ko.

"Hayaan niyo na ako. Ito na lang ang kaya kong gawin para sa kanya. Wag niyo na akong pagbawalan. "

Hindi ko namalayang tumulo na naman ang luha ko. Araw araw ganito na lang ang ginagawa ko. Pupunta sa hospital, titignan kung may improvement na siya, at uuwi na naman. 

"Ash, akala mo ba kung nakikita ka niya ngayon ay matutuwa siya sa ginagawa mo? "

Seryosong tanong ni Louie kaya lumingon ako sa kanya. Nakatingin din siya sa loob ng room.

"Hindi ash. Hindi niya gustong masira ang buhay mo ng dahil sa kanya. "

Mahinahon na sabi ni Louie kaya napayuko ako.

"Hindi niyo alam... Kung gaano ka sakit na makitang nakaratay siya araw araw. Ang sakit sakit na malamang makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Narinig ko yung sabi ng doktor! 2months brad!  2months na lang ang binibigay para sa buhay niya! At pagkatapos ng 2months na yun ay kukunin na ang life support niya!  Which means pag hindi pa siya nagising within 2months ay mamamatay na siya! Brad hindi ko yun kaya... Hindi ko kayang mawala siya sakin.."

Napaupo ako at umiyak ng umiyak habang tinatapik nila ang likod ko.

"Brad... Tama na.. Umuwi ka muna. Babalitaan ka na lang namin pag may improvement na siya. Magigising din si rochelle."

Mahinahong sabi ni Louie kaya tumango ako at tumayo para umuwi sa bahay.
Namatay si Noel Cruz dahil tinamaan siya sa puso nung binaril siya ni rochelle. Habang si sheya naman ay maayos na ang lagay niya at nagpapahinga na lang siya sa hospital. Pero pag nakarecover na siya ay ikukulong naman daw siya sabi ng mga pulis.

"Anak?  May improvement na ba si rochelle? "

Tanong ni dad pagdating ko ng bahay. Nalaman na ni dad ang tungkol samin ni rochell, nung una ay tutol siya pero kalaunan ay pumayag na din siya.

"Wala pa ring improvement dad. sige po akyat na ko sa kwarto ko."

Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko para matulog.

*ring..ring...ring...*

Nagising ako dahil sa tunog ng telepono ko kaya sinagot ko ito.

"Brad! Si Rochelle! "

Pinatay ko agad ang tawag at dali daling pumunta sa hospital. Nakita ko naman silang lahat sa labas ng Private Room ni Rochelle.

"Ash...si rochelle..."

Umiiyak na banggit ng lolo ni rochelle kaya dali dali akong sumilip sa loob. Nanlumo ako sa nakita ko dahil ....

Straight na ang lifeline niya.

"No..no no no...hindi to pwede...magpapakasal pa kaming dalawa...hindi to pwedeng mangyari....rochelle...bakit..."

Lumabas yung doktor at tinanggal yung mask niya. Lalo kaming naiyak dahil sa sinabi niya.

"I'm sorry but the patient didn't make it."

__________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon