CHAPTER 53

2.8K 70 0
                                    

ROCHELLE POV

Nasa office na ako ngayon ni Tito Cleave at alam kong siya lang ang Tao dito kaya I positioned myself.

"Yes master. Hindi pa din nila alam na hindi ako ang papa nila. Papunta dito si hurt para kausapin si calvin at ang alam ko ay pupunta siya diyan to attack you."
"Yes master. Hindi ko po sasabihing patay na ang totoong CLEAVE COOLIDGE. "

Napailing na lang ako dahil sa narinig ko. I knew it. Tsk akala niya maloloko niya ako?  Sa pananalita pa lamang ay alam ko na kung sino at totoo at peke. I smirked and open the door.

"Oh.. Pa.. PamangkinKanina ka pa ba diyan? "

Hindi ko pa din inaalis ang ngisi sakin mukha.

"Alam mo kung ano at bakit nagpapakita si HURT 4878. Kaya bakit ka pa nagpapanggap? Tito CLEAVE?  Or should I call you ZION RAMIRES? "

Halatang nagulat siya pero tinago niya ito at ngumiti sakin.

"What are you talking about my niece? This is me, your tito cleave. "

Sabi niya tsaka tumayo sa swiveling chair niya at akmang yayakap sakin pero tinutok ko sa kanya ang baril ko. Kaya tumigil siya.

"Isang hakbang at sementeryo ang bagsak mo."

Sabi ko sa kanya.

"Tsk. Ang galing mo talaga kahit saan Ms. Hurt 4878. Tama ka. Hindi ako si CLEAVE COOLIDGE. Matagal ng Patay ang tito mo.  Actually I killed him. "

Nakangising pag aamin nito kaya lalong uminit ang ulo ko. Magsasalita pa sana ako kaso bumukas ang pinto sa likod ko at pumasok si calvin dala ang isang baril at katana. Tinutok niya ito sakin.

"Put down your weapon HURT 4878. "

Sabi nito bago ngumisi sakin kaya tumingin din ako sa kanya pero binaling ko agad ang tingin ko sa traydor na nasa harap ko.

"Tulungan mo ako anak. Balak akong patayin ni HURT. Hindi ko alam kung bakit dahil bigla na lang siyang pumasok at tinutukan ako ng baril. "

Pagmamakaawa nito kay calvin. Sinamaan ko siya ng tingin at susugod na sana ngunit narinig ko ang pagkasa ni calvin sa baril niya kaya wala akong nagawa kundi ibaba ang baril ko.

"Rochelle. "

Tumingin ako kay calvin at tumango sa kanya . Tumalikod na ako kay Zion at narinig ko ang hakbang niya. Hudyat na para barilin siya ni calvin sa noo.
Tumango ako kay calvin at sabay kaming lumabas ng office.

"Alam ko na pala kung sino at saan ko matatagpuan si Mr. N, or should I call him Noel Cruz. Tama ang hinala ko tungkol kay Sheya Cruz. She's his daughter."

Sabi ko at naglakad na kami sa labas ng building. Gabi na din kaya wala ng mga estudyante dito.

"Pupunta ka ngayon? "

Tanong nito sakin nung makita niyang aangkas na ako sa motor ko kaya tumango ako sa kanya.

"Pumunta ka doon after 30 minutes pag hindi pa ako nakakabalik. "

Sabi ko at pinaharurot na ang motor ko papunta sa abandoned building kung saan sila nag tatago. This is my mission.

I'll protect KIEL ASHLEY ADAMS.

__________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora