CHAPTER 56

3K 76 0
                                    

ASH POV

Babarilin niya sana si noel pero nakita ko din na bumabangon si sheya kaya tinawag ko si rochelle. Nung lumingon siya sakin ay kinuha ni noel yung dagger sa tabi niya at sinaksak si rochelle sa binti kaya napaluhod ito.

"Arghh... Shit!  "

Daing ni rochelle, tumawa naman ng tumawa si noel. Tsaka bumaling sakin.

"Tsk tsk tsk... Thanks to.. You ash magiging.. Madali para saking.. Patayin si.. Rochelle hahahaha! "

Putol putol na saad niya at naglakad papunta kay sheya.

"Dad... I'm.. Sorry... Hindi ko napatay... Si rochelle... "

Umiiyak na saad ni sheya.  Ngumiti si noel sa kanya.

"Wala akong anak na mahina. "

Nanlaki naman ang mata ni sheya ng binaril siya ni noel sa tiyan.

"Da.. Dad bakit? "

Lumalabas na ang dugo sa bibig ni sheya pero tumawa lang na parang baliw si noel. Unti unti akong gumapang papunta kay rochelle na ngayon ay nakasandal sa railings at naghahabol ng hininga.

"Ro.. Rochelle.. Please... Wag ka munang mamatay... Please... I love you... Wag mo kong iwan.. Mahal na mahal kita.!!"

Ngumiti lang si rochelle at tumayo kaming dalawa.

"Oopps.. San naman kayo pupunta? Hahahaha"

Narinig kong saad ni Noel at may narinig din akong kasa ng baril.

"Itigil mo na... Ito noel dahil.. Talo ka na... Argh.. "

Nanghihinang sabi ni rochelle kay noel na nasa harapan namin ngayon at nakangising demonyo.

"Nahh ah... Mamamatay muna kayong dalawa bago mangyari ang gusto mo. "

Sabi nito at tinutok sakin ang baril. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya hinintay ko na lang ang balang tatama sakin.

*bang*

*bang*

Minulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may humarang sa katawan ko.

"Ikaw... Ang.. Mamamatay... Ngayon... "

Sabi ni rochelle pagkatapos niyang saluhin ang balang para sakin at barilin si noel.

Unti unting natumba si rochelle kaya sinalo ko siya.

"Rochelle... Bakit.. Bakit mo yun ginawa...??? "

Umiiyak na tanong ko sa kanya. Pero pinahid niya ang luha ko.

"Don't.. Cry... Kiel...*cough* This is.. My.. *cough* Responsibility.. As your.. *cough**cough*  Bodyguard"

Nakangiting saad niya kahit umuubo na siya ng dugo. Umiling ako sa mga sinasabi niya.

"No.. Rochelle.. Please live for.. Me.. Please.. Magpapakasal pa tayo.. Diba?  Please rochelle.. Wag mo akong iwan.. "

Pakiusap ko sa kanya. Ngunit umiling siya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"I'm a.. Killing machine and an.. Assassin... Ash... Mamamatay.. Tao ako... I don't deserve.. Your love.. I want... To sleep ash... Sarang..hae.. "

Unti unti na niyang pinikit ang mata niya habang sinasabi iyon kaya hinalikan ko siya sa noo at niyakap...

"I don't care if your a killer.. Or what... Just please... Live for me...  Hindi ko kakayaning... Mawala ka sakin.... Mahal na mahal din kita.. "

Maya maya dumating na sila daddy at may mga kasama pa silang men in black at ang isang lalaking nasa 60's na.

"No... My granddaughter... "

Usal nito at lumapit samin ni rochelle. Umiiyak na siya habang hinahaplos ang pisngi ni rochelle.

"Medic!  Dalian niyo!  Bring her to the hospital! "

Sigaw nito at nakita ko din si daddy na lumalapit sa pwesto namin pero nawalan na ako ng malay.

God please save her...

__________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now