Chapter 4

265 5 0
                                    

Abby's P.O.V.


After nga na sinabi sa akin ni Gino na tatawagan na lang niya ako every morning at hihintayin niya na lang ako sa labas eh yun na yung nakasanayan naming gawin. Nagtaka nga si mommy kasi baka raw siniraan ng mommy ni Gino si mommy kay Gino. Gets niyo?


Pero dahil weekend ngayon eh syempre boring sa bahay. Buti na lang nagyaya si Gino. Anong oras na ba, hindi pa rin siya dumadating.



Gino's P.O.V.


Alam kong bored nanaman yung si Abby ngayon kaya ako na lang nagyaya sa kanyang lumabas.


"Ma, alis na po ako."



"Anak, sino ka-date mo?"



"Anong date? Wala naman po akong date ngayon. Kasama ko po si Abby."



"Si Abby?! May date kayo ni Abby?!"


"Alis na ako."


Ayoko ng magpaliwanag. Kasi naman hindi niya ako titigilan. Lagi niyang iniinsist na kami daw. Ewan ko ba sa nanay ko.


Naglakad lang ako papunta sa bahay nina Abby. 9:40 a.m. na pala. Malamang inip na yun. Pero buti na lang din hindi masyado mainit. Kung baga cloudy day.


Nung liliko na ako sa street nina Abby may biglang bumangga sa akin at natapunan ako ng juice. Nakita ko naman na nagulat din ang babaeng nakabangga ko at ang may dala ng juice.


"MY GOD!!! Yung drink ko!"


Siya pa ba 'tong may ganang magalit eh ako na nga 'tong natapunan. Pagkatapos tumingin siya sa akin na galit.


"Hoy, alam mo bang mahal yang juice na binili ko?!"


"Excuse me lang miss ha, pero hindi ko naman sinadyang mabangga ka no para matapon sa AKIN yang mahal mong juice! Nakikita mo ba 'tong damit ko?! Nadumihan pa tuloy ng dahil SA'YO!"


"Wag mo nga akong masigaw-sigaw diyan! Sa tono ng pagsasalita mo parang sinisisi mo pa ako sa nangyari sayo!"


Ang slow pala naman talaga ng babaeng 'to eh! Siya naman talaga may kasalanan. Kung hindi lang talaga 'to babae kanina ko pa 'to pinatulan eh!


"Ewan ko sayo miss. Kainis!"


Nilagpasan ko na lang ang babae.


"HOY! TEKA, hindi ka man lang magsosorry?!"


BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon