Chapter 15

44 2 1
                                    

Abby's P.O.V.

       


  Hindi ko alam kung totoo nga ba yung mga nangyari kahapon. Pilit kong hinihiling na sana panaginip lang yun lahat. Pag tuwing iniisip ko naman, bumibigat ang kalooban ko. Ayoko pang pumasok sa school. Gusto kong umabsent. 



*TOK TOK TOK*




"Abby, hindi ka pa ba babangon? Baka mahuli ka sa klase mo, naku 'tong batang to oo."



Lumapit ako sa may pinto. "Saglit lang po. Maliligo lang po ako. Susunod nalang po ako."



"Oh sige, bilisan mo ha?"



Hinintay kong makababa si mommy. Pa'no pag nakita nya ako mamaya sa baba, magang-maga pa naman mga mata ko. Kainis naman kasi eh, pumayag pa kasi ako na kagabi kami mag-usap di ko naman inexpect na iiyak ako ng bongga. Iiyak ng bongga dahil sa sakit. Kung alam ko lang eh di sana hindi na lang ako pumayag. Kainis kainis. 


De bale na nga lang. Wait, itetext ko nalang kaya si Alden. Magpapasundo na lang ako sa kanya para naman may kakampi ako mamaya sa pang-iintriga sa akin. Tinext ko si Alden na puntahan ako sa bahay. Agad naman siyang pumayag. Naligo na ako pagkatapos kong matanggap yung reply niya. Medyo tinagalan ko talaga yung pagligo ko nang sa ganun pagbaba ko, nandun na si Alden. Nagbihis na ako at sinuot ko yung glasses ko. Pero wala namang grado yun. Yung pang fashion lang na dating. Para naman kahit pano matakpan yung pagmaga no. Naglagay na din ako ng konting concelear.


Bumaba na ako at narinig ko si mommy na tumatawa. Sumilip muna ako para masiguro kung dumating na ba si Alden, at ayun nga nakikipagtawanan siya kay mommy. Haay naku, ba't ba kasi di nalang siya. Ahh kainis. Nakita niya akong bumababa at nakita ko sa mukha niya na nagtataka siya sa ayos ko ngayon. Agad niya akong nilapitan.


"Okay ka lang?"


"Ano ka ba, baka madinig ka pa ni mommy. Mamaya ko na ikukwento sayo. Pwede umalis na tayo pumunta na tayong skul?"


"Anong pinagbubulungan niyong dalawa jan ha?"


"Ahh tita, uhmmm pwede po bang mauna na kami sa skul. May nakalimutan po pala akong notebook dun, may assignment pa naman kami. Magpapaturo na lang din po sana ako kay Abby. Magaling po kasi siya dun. Ok lang po ba?"


"Naku, mag-agahan muna kayo."


"Ma, di na po. Ibibili niya naman ako ng pagkain dun eh. Di ba?"


"Oo nga po."


"Wait, pagababaunin na lang kita. Sandali lang."


BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon