Chapter 13

79 6 0
  • Dedicated kay Darylmae Waresa
                                    

Chapter 13




Masaya ako nung sinabi sa akin ni Alden yung feelings niya, kaya nga nung pagbalik ko sa klasrum inintriga nanaman ako ng mga kaibigan ko kasi daw abot hanggang tenga yung ngiti ko.


Buti nalang din, absent yung next teacher namin kaya eto, nagtsitsikahan lang kami.



"Oh anyare? Kanina lang iiyak-iyak ka tas' ngayon makangiti ka naman wagas?" pang-iintriga sa akin ni Karen.



"Naku naku naku, nag-alala pa naman kami sa'yo pero eto naman pala at okay ka na." aniya ni Cindy



"Iba pala talaga magpakalma yung si Alden nu? Kita mo napapangiti ka niya agad?" - Karen



"Ano ba kayo, kanina niyo pa ako iniintriga tungkol kay Alden ha."



"Pa'no naman kasi, kayo lagi ang magkasama tsaka kapansin-pansin kaya yung pag ngiti mo ngayong mga nakaraang araw."



"Oo nga. Ikaw na ang umiibig."




Nagbagting naman agad ang tenga ko sa sinabi netong mga 'to.




"Ibig? Sinong umiibig?"



Tumingin kami sa nagsalitang si Steven. Lumapit siya sa amin at nakisali.



Tumingin ako sa likod, wala dun si Gino at si Nikka. De bale na nga kung sa'n sila pumunta, basta mag-uusap kami mamaya.




"Oh ano, sinong umiibig?"



"Ba't ba nakikisali ka dito eh usapang babae to?!" - Cindy



Ayan nagsisimula nanaman silang dalawa, panigurado tong dalawang 'to ang magkakatuluyan.




"Tama na yan. Baka sa altar ang punta niyo nyan." Panunukso sa kanila ni Shiela.



"Tsk. Altar ka jan ! Tumigil ka Shiela ha!"

BestFriend ko, Mahal ko...(Complicated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon