Chapter 1: hostage

8.6K 78 10
                                    

 ch1: hostage

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Ilo-ilo, sa bayan ng Duenas 1970 )

 

Maingay ang mga sirena ng limang sasakyan ng mga pulis. Kaharap nito ang isang bangko. Ang mga Pulis ay tinatalasan ang paningin kung ano ba ang nangyayari sa luob. hawak ang kanilang mga baril na nakatututok sa pintuan ng bangko.

"humanda kayo hawak nila ang mga hostage, kahit anong oras pwede silang magpaputok!" sabi ni PO3 Joaquin Dela Cruz sa mga kasama. pawis na pawis habang nakatutuk ang kanyang baril.

Lahat ng mga pulis ay nakaabang sa kung anong pwedeng mangyri.

ang mga taong bayan naman ay hinaharangan ng police line upang walang masaktan na ibang civilian.

Kinuha ni Joaquin ang isang mic "SUMUKO NA KAYO, NAPAPALIGIRAN NA NAMIN KAYO, PALAYAIN NYO NA ANG MGA HOSTAGE, DI NAMIN KAYO SASAKTAN!"

maya-maya pay ay may sumilip na lalake mula sa luob ng bangko. "Hindi! kukunin muna namin ang mga pera!... wag kayo lalapit kung hindi ay papatayin namin ang mga tao dito sa luob!" sigaw ng isang holdaper.

"Sir, mag ttatlong oras na po silang hindi sumusuko, baka pwede na tayong umaksyon," tanong ng isang pulis na hindi parin nilalayo ang tingin sa bangko.

"Hindi pwede, isipin natin ang mga civilian sa luob, mapapahamak sila," sabi ni Joaquin.

 ---------------------------------------------------------------------

"Grabe ang mga pulis na yun, hindi tayo makaalis dito dala ang mga pera", sabi ng isang holdaper habang nag sisigarilyo.

"Wala na siguro tayo magagawa, sumuko nalang tayo,,,,ang dami nila, hindi natin kakayanin ang mga pulis na yan, anim lang tayo" sabi ng isa pa habang dumudungaw sa bintana.

takot na takot ang lahat ng mga hostage. Lahat sila ay nakaupo lang sa isang sulok, Ang mga babae ay walang tigil sa pag iyak,,nananalangin na walang mangyaring masama. hawak-hawak sila ng kamay. ang tanging magagawa nalamang nila ay ang mag dasal

"Maawa na kayo, palayain nyo na kami, sumuko na kayo sa mga pulis! ang sama nyong mga tao, dapat sa inyo pumunta sa impyerno! mga g*go kayo!!!!!" sigaw ng isang magandang dalaga sa isang holdaper.

Lumapit naman ang holdaper sa babae at sinabunutan itong kinaladkad. Mas lalo tuloy natakot ang mga iba. "Jus ko maawa na po kayo,"

Galit na galit na sinakal ng holdaper ang dalaga, "Ikaw,,,matapang ka ah! nakikita mo ba itong baril na hawak ko? sabog ang ulo mo pag pinutok ko ito sa mukha mo! pero hindi ko gagawin un, papakinabangan ko nalang ung ganda mo!" sabay halik sa babae.

pinuwersa syang hiniga ng holdaper at pilit syang hinubaran..."EEEEEH MAAWA PO KAYO, WAG NYO PO AKONG SAKTAN, TAMA NA PO!" malakas na sigaw ng babae

Hindi nakayanan na panuorin ito ng isang hostage rin na lalake....kahit natatakot ay nagawa nyang tulungan ang dalga, "MGA HAYOP KAYO TIGILAN NYO YAN" sinuntok nya ang holdaper na nakapatong sa babae.

"Put*ng *ina ka ah, gusto mo mamatay?" sabi ng holdaper sabay kuha ng baril sa bulsa.

"BANG!"

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

"BANG!"

Isang malakas ng tunog na baril na narinig ng mga pulis mula sa luob ng bangko, dito na kumilos ang mga pulis upag sagipin ang mga hostages.

"BANG!......BANG.....BANG.....BANG....BANG....BANG.....BANG!"

sunod sunod ang putok ng baril sa paligid

The Maria Anna Abiera StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon