Chapter 8: Ang diskarte sa Pulitika

2K 32 0
                                    

ch8: ang diskarte sa pulitika.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Limang buwan ang nakalipas…….

Kahit hindi gaano  kasibilisado ang buong bayan ng Duenas sa Ilo-ilo ay payapa at masasayahin ang mga tao dito. Malayo ito kung ikkumpara sa Maynila na napaka raming tao at nagiging moderno na.

May hamog pa ang umaga ay buhay na buhay na ang mga palengke sa sa bayan. Marami na agad mamimili dahil alam nilang sariwa ang kanilang mabibiling mga karne at gulay. Kahit maliit ang palengke ay napakarami nang mabibili dito.

Malayo sa dagat ang bayan ng Duenas, ngunit napakalawak ng lupain nito kaya nama sagana naman sila sa palay. Ito ang kabuhayan ng maraming tao sa bayan.

Kahit paaano ay umuunlad narin ang transportasyon sa Duenas, isa rin ito sa mahalaga dahil halatang malalayo ang mga baryo dito. May mga masasakyang tricle at jeep, mayron din silang isang terminal ng bus para makarating sa iba pang bayan ng buong Ilo-ilo…..

Simple  at maayus ang buong bayan dahil sa magaling nitong pagpapatakbo ng kanilang kagalang galang na pinuno, na si Mayor.Rolando Gimo.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malaki at napakayaman ng Pamilya Gimo. Sila ang pinaka mayamang angkan sa Duenas.  Maraming henerasyon na sa kanilang pamilya ang huwakan sa buong bayan ng Duenas. Kilala si Mayor.Rolando Gimo sa pagiging mabait at matulungin nito lalo na sa kanyang mga kababayan sa Ilo-ilo. Ngunit ang hindi alam ng nakakarami ay may tinago itong madilim na  sikreto, baho na hindi pa naaamoy ng kanilang kababayan…….

“Napaka-unlad na ng buong Duenas Mayor.Rolando.” sabi ni Don.Alvares,ang Barangay Captain ng Baryo,Calang. “Hindi malayong susunod na ito sa pag-asenso tulad ng Maynila.” Pinaglalaruan nya ang hawak na kupita na may lamang mamahaling alak.

Nakatayo sila Mayor. Rolando at Don.Alvares sa malawang na terasa ng mansion ng Mayor. Duon ay tanaw na tanaw nila ang buong bayan ng Duenas. Nasa itaas ng bundok ang malaking mansion ng mga Gimo.

Napangiti si Mayor.Rolando. “Hahahah kulang pa yan Alvares, marami pa akong magagandang proyekto para bayan na ito. Gusto ko pang palaguin ang economiya sa bayan hindi lang sa Duenas pati natin sa buong Ilo-ilo. Maganda kasing tignan ang isang bagay na pinaghihirapan ay umuunlad,” wika ni Mayor.Rolando sabay inum ng kanyang alak sa kupita.

“Napaka ganda talaga ng mga plano mo. Bilib talaga ako sa iyo. Talagang iniisip mo ang kapakanan ng mga nasasakupan mo,” wika ni Don.Alvares.”

“Alavares, hindi mo pa ata kabisado ang pasikot-sikot sa pulitika,”

Nagtaka si Don.Alvares sa sinabi sa kanya ni Mayor.Rolando. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“Kung gagamitin mo rin ang diskarte sa pulitika ay magagawa mong paikutin lahat ng bagay. Lahat ng ginagawa kong pag-asenso sa bayan na ito ay ako rin ang makikinabang. Isipin mo, ilan ba ang pupolasyon ng mga tao sa Duenas” tanong ni Mayor.Rolando kay Alvares.

“20,663”

Muling napatawa ang mayor. “Hahahaha kita mo napaka kaunti para sa isang napakalaking bayan, madaling bulogin ang mga kaisipan ng mga tao dito. Aaminin naman natin na lahat sila ay nasa mahihirap na pamilya. Pagsasaka ang karamihan ang kinabubuhay ng marami sa kanila,”

“Sa madali bang salita, ginagamit mo ang taong bayan upang mas lalo kang yumaman?” tumingin ng matalas si Alvares kay Rolando.

“Pwede kong sagutin yan ng oo at hindi,” kumuha ang mayor ng isang mahabang Tabaco at sinindihan niya ito. Tanaw parin nila ang buong lalawigan. “Nakikita mo ba ang simbahan na iyon?” tinuro ni Rolando ang isang malaki at magandang simbahn na nasa gitna mismo ng bayan. “Halos million ang nilabas kong pera para lamang sa pagpapagawa ng straktura nayan.”

“Para saakin ay hindi lamang straktura yan. Sagrado ang tahanan ng dyos.” Sabi ni Alvares.

“Nag-laan lamang ako ng malaking pera sa pagpapagawa ng simbahan upang lahat ng maraming tao dito sa Duenas ay magsimba. Marami dito ang relehiyuso dahil sa hirap ng realidad ng buhay. Ngayon kapag nalaman nila na ako mismo ang nagpagawa ng simbahan na pinupuntahan nila ay paniguradong ako ang mas banal sa kanila. Ako ang mabuti, wala silang baho na maamoy sa pagiging Mayor ko,” humithit ng usok si Rolando at binuga ito sa malamig na hangin.

Nanlaki ang mata ni Alvares sa narinig. “Hahahah napaka galing mo talaga Gimo, kaya pala hindi ka natatalo sa mga eleksyon dahil ikaw parin ang gusto ng mga tiga Duenas.”

“Ganyan talaga Alvares sa pulitika, Kaylangan gumana ang diskarte kung hindi maiiwan tayo sa karera. Kaylangan din ng utak sa ganitong laranga upang tumagal ka sa termino mo.” Wika ni Rolando..... “Alam mo ba kung ano ang isa sa pinaka malaking pangarap ko?

Nagtaka si Alvares. “Ano yun?”

“Ang Pamunuan ang buong lalawigan ng Ilo-ilo” napangiti ito. Hingi na hindi maganda ang iniisip.

 Biglang may dumating na katulong. “Mayor Rolando, Handa na po ang tanghilaan nyo,”

------------------------------------------------------------------------------

Tuwing gabi ay gawain na ni Mayor Rolando na  maligo sa kanyang mainit na hottub. Pagkalabas niya ng banyo ay tumungo na siya kanyang kwarto upang matulog. Sa kanyang paghiga ay bigla nyang naalala ang nakalipas. Nakalipas na hindi niya alam kung magbibigay sa kanya iyun ng kunsensya. At hindi rin niya akalain na magagawa niya iyun sa isang walang kalaban-laban na babae.

Pinikit nalamang niya ang kanyang mata. Hinintay na dalawin siya ng antok. Bago makatulog ay nagawa niyang banggitin ang isang pangalan.

“Maria...”

The Maria Anna Abiera StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon