Chapter 9: kunsensia ng nakalipas

2K 25 0
                                    

ch9: kunsensia ng nakalipas

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi nakatulog si Rolando ng gabing iyun. 20 years nang walang kinakasama si Rolando simula namatay ang kanyang asawa. Nasanay na siyang matulog mag-isa tuwing gabi kayakap ang malamig na unan. Talaga ngang napakahirap mag isa sa buhay. Bumangon siya sa kanyang higaan para maiwasan ang lungkot. Tumapat siya sa kanyang malaking bintana. Duon ay tanaw niya muli ang  buong bayan ng Duenas. Kumuha siya ng isang sigarilyo at sinindihan, sa kanyang paghithit ng usok ay bigla niya naalala ang tungkol sa kanilang dalawa ni Maria.

 --------------------------------------------------------------------------------------

(flash back)

Nasa opisina si Mayor Rolando. Abala siya sa mga papeles na pinipirmahan. Tahimik ang buong kwarto habang nagbinabasa niya ang mga ilang dukyomento ng biglang may pumasok sa kanyang opisina,ang kanyang sekritaria.

“Mayor Rolando, may babae po sa lobby na gusto kayong makausap.” Wika ng Sekritaria na kaharap ang Mayor.

“Sige patuloyin mo siya dito sa opisina.” Iniisip pa ni Rolando kung sino ba ang taong gustong kuma-usap sa kanya ng mga oras na iyon. Bahagyang naisturbo siya sa kanyang mga ginagawa.

Lumabas ang sekritaria. Maya-maya pa ay duon na pumasok sa luobg ng opisina ang isang magandang babae.

Napahinto sa ginagawa ang Mayor nang makita niya ang pumasok. Tinignan niya ang babae mula ulo hanggang paa. Kitang kita niya ang makinis nitong kutis, mahaba at matinggad na buhok,maganda ang hubog ng pangangatawan nito. May ka-edaran narin ang babae ngunit kapansin-pansin ang maamo nitong mukha.

Agad na tumayo si Rolando para batiin ang kanyang bista. Kinuha niya ang ang upuan para paupoin ang babae.

“May maitutulong ba ako sa iyo binibini?” tanong ni Mayor Rolando. Naka-upo narin siya sa kanyang silya.

Tumingin ang babae sa Mayor. “Opo, Ako nga po si Maria....... Maria Dela Cruz. Nakatira po ako sa baryo ng Calang.” Panimula ng babae. “Kaylangan ko po talaga ngayon ng tulong nyo.

“Mmmmmh, Kilala kita. Ikaw yung asawa ni Joaquin, yung pulis sa ating bayan,”

“Opo asawa ko nga ho sya,”

“Nalaman ko ang sinapit ng iyong asawa sa madugong engkwentro sa bayan. Kahit ako ay nallungkot rin sa nangyari”

Dito na sinabi ni Maria ang kanyang tunay na pakay. “Humihingi po sana ako sa inyo ng tulong Mayor, pitong buwan na pong nakaratay ang aking asawa sa hospital. Umaasa kami na magigising siya. Wala na po akong matatakbuhan dahil wala po kaming may-kayang kamag anak na tutulong saamin.” Paliwanag ni Maria na kaharap parin ang Mayor.

Bahagyang tumahimik si Rolando ng ilang minuto. Tinignan niya si Maria mula ulo hanggang paa. Napansin nito na kahit may anak na ay muka paring dalaga ang katawan nito. Hindi parin maalis ng Mayor ang pagkakatitig niya sa mabilog at malaki nitong dibdib. Gusto nyang hawakan ito ngunit pinipigilan niya ang kayang sarili. Halos maglaway na si Mayor Rolando sa pagnanasa kay Maria. Ngayon palang ay hinuhubaran na niya ito ng tingin.

“Mayor, ok lang po ba kayo?” tanong ni Maria na nagtataka sa mtagal na pagkakatitig sa kanya ni Rolando.

Biglang nagising sa ulirat si Rolando. “AH... O-oo Maria Im ok,” kinuha niya ang panyo na nasa kanyang bulsa para punasan ang kanyang naipung pawis sa nuo. “S-sige Maria mamayang hapon ay pwede mo ako daan sa aming mansyon duon sa itaas ng bundok.”

The Maria Anna Abiera StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon