Part 7

8.7K 242 7
                                    

SA IKALAWANG araw na nakita ni Eira ang hinihintay niyang ngiti ng kapatid na si Ate Berry. Sa kusina siya agad tumuloy pagbaba niya para makausap ang sinuman sa mga katiwala sa kitchen na ipasa kay Chef Aklay ang request niya-na magluto ng kahit isang dish lang na walang gulay para sa kanya.

Pero si Ate Berry ang inabutan niya sa kitchen na parang may hinahanap. Hindi muna lumapit si Eira, naghintay siya kung ano ang gagawin ng kapatid. Ang refrigerator lang pala ang parang kriminal na huhulihin nito. Kumubli siya nang luminga-linga sa paligid ang kanyang Ate na parang naghanap ng ibang tao roon. Sa kilos ay excited na mabuksan ang refrigerator-na nang magawa ay narinig niya ang 'witch laugh'-witch laugh, tawa ng witch na nagtagumpay sa isang misyon. Sundalong witch na mananakop yata ang favorite character ni Ate Berry kaya nag-fake ito ng ganoong tawa.

Naaliw si Eira sa kapatid kaya hindi niya napigilan ang tunog ng sariling tawa. Bigla siyang nilingon ni Ate Berry-na nang makita siya ay sumenyas na lumapit siya. Excited na lumapit si Eira. Nagtanong lang naman ang kapatid kung ano sa tingin niya ang pinaka-masarap sa mga chocolates na nasa loob ng fridge.

Nagbigay si Eira ng opinyon-may kapalit, isang selfie nilang dalawa sa tabi ng bukas na refrigerator. Nakangiti ang kapatid niya sa picture nila...at bilang babaeng naging misyon na ang makita ang mga ngiti ng tao sa paligid, bilang collector ng photos na naka-captured ang mga ngiti ng subject kahit estranghero pa, at bilang bunso sa Banal sisters na kahit sa rest room ay dala ang cellphone o kaya ay camera para walang lumampas na 'happy moments'-ay alam na alam ni Eira ang fake at genuine smile. At ang ngiti ng Ate Berry niya na capture ng camera ay isang genuine sweet smile.

"Wow, perfect din ang smile mo, Ate Berry!" natutuwang sabi ni Eira matapos makita ang selfie nilang dalawa sa tabi ng bukas na refrigerator. "Parang smile lang ni Attorney Guzman-" hindi na niya naituloy ang paglayo nang hinila na lang basta ng kapatid ang braso niya.

"Ano'ng smile ni Attorney Guzman?"

"Uyyyy! Interested siya sa smile ni Attorney!" saka siya bumungisngis. "Parang may crush 'yon sa isa sainyo, eh.

"Isa sa amin?" balewalang susog nito. Sa tingin ni Eira ay nagpapanggap lang na hindi interesado pero gusto naman ng impormasyon. Pinigil niya ang mas malapad na pagngiti. Kinikilig siya sa naiisip niya. Gusto niya si Attorney Guzman para sa Ate Berry niya. "Sino? Paano mo nalaman, aber?"

"I asked him!" ngiting-ngiti na siya. Walang kaalam-alam ang abogado sa sinasabi niya. "And you know what?"

"Wat?"

Bumungisngis lang siya.

Naningkit ang mga mata ng Ate Berry niya, parang gusto siyang alugin pero mas mahalaga ang impormasyon kaya pinigilan muna ang sarili.

"Ano nga?"

"Bakit ka nga interested sa info about Attorney?" balik-tanong niya, ngiting-ngiti.

"Wala lang. Masama ba magtanong?" nag-iwas ito nang tingin, kumagat ng malaki sa chocolate bar na hawak.

"Walang malice ang tanong mo?" nakangisi na siya. Nag-eenjoy siya sa usapan nila. "Kasi 'yong reaction ni Attorney sa tanong ko parang may malice-aw!" muntik na siyang masubsob sa refrigerator sa biglang paghila nito. Tumatawa na siya nang hinostage siya ng kapatid sa tabi ng refrigerator.

"Magsasalita ka o iinitin ko lahat ng lep-obers gulay sa pridyider at ipapakain ko sa 'yo?"

"Magsasalita naman talaga ako, eh!" pagkarinig niya sa gulay ay nawala ang ngiti niya. "What do you want to know, Ate?" malalagot pa yata siya dahil sa pagsisinungaling niya. Unang attempt magsinungaling-failed agad.

"Sino ang kras ni Attorney?"

"Wala."

"Ano'ng wala?"

Biglang inabot ni Eira sa kapatid ang kanyang cellphone. "Photo ni Attorney."

Inabot ni Ate Berry ang cell phone niya kasabay na inulit ang narinig niyang witch laugh kanina. Sa huli ay natawa na rin lang si Eira habang abala ang kapatid sa pagsipat sa picture ni Attorney Guzman.

Tama ang kutob niya!

Bigla niyang inagaw ang cellphone sa kapatid at nagsimula na siyang umurong palayo sa kitchen.

"Ate Berry?"

"Ano?" ngingiti-ngiti ang kapatid niya habang abala sa chocolates.

"I lied."

"Ano?!" biglang baling nito. "Pupurgahin kita ng gulay!"

Tatlong malalaking hakbang paatras ang ginawa ni Eira palayo sa kitchen.

"Uhm...hindi talaga kami nagka-usap tungkol sa crush. Gawa-gawa ko lang lahat..." bumungisngis uli siya. "Gusto ko lang makita ang reaction mo, tama ako-may malice sa part mo, ha-ha!" mabilis na siyang nakaalis sa kitchen.

"Eira!" habol ng kapatid.

"You like him, Ate Berry!" tumatawang sagot niya sa malakas na pagtawag nito.

"Ser Tsef!" muling pagtawag ni Berry, si Chef Aklay na ang tinatawag nito. "Gulay para kay Eira! Altanghap-en olweys-akong bahala kay Lolo, close kami!"

"Oh my!" hinanap niya sa paligid si Chef Aklay. Nai-imagine na naman niya ang mga 'worms' sa kanyang lalamunan. Ang lakas ng pag-exhale niya nang wala sa paligid ang Chef.

She was safe.

Perfect day!

"Ate Berry likes Attorney Guzman! Case closed."

"Tigilan mo ako, Eira Daldalita!"

Ginaya niya ang witch laugh nito kanina sa tabi ng refrigerator.


EIRA (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now