Part 5

9.1K 209 1
                                    

SINISIPAT ni Eira sa cellphone ang pictures ng mga kapatid na lahat stolen shots. Ang iba sa mga sisters niya, tulad ni Ate Yumi at Ate Vera ay alam ang pagkuha niya ng pictures. Ang lima pang iba ay stolen shots na.

Hindi niya naiwasang alalahanin ang unang dinner nila na magkakasama bilang isang pamilya...



Nakaharap na ni Eira sa dinner ang pito pang mga kapatid. Hindi niya pinansin ang kaibahan ng mga ito sa isa't-isa. Ang talagang hinanap niya ay ang ngiting inaasahan niyang makikita sa mga ito sa unang pagkikita nilang lahat bilang magkaka-pamilya.

Hindi mapigilan ni Eira ang excitement. Hindi na siya mag-iisa. Pitong mga babaeng kapatid ang natagpuan niyang bagong kapamilya. May Lolo Alfonso pa siya, may ama na umaasa siyang gigising isa sa mga susunod na araw, may stepmom na nakita na niyang ngumiti sa kanya, at tulad sa farm, maraming kasambahay at drivers ang nasa mansiyon na tuwing nasasalubong niya ay ngumingiti sa kanya-iyon ang pinakagusto niyang makita sa malaking bahay na iyon, ang ngiti ng bawat isang taong naroon. Ilan sa mga ngiting iyon ay nakuhanan na niya ng picture.

Pero sa mga kapatid niya, iilan lang ang ngiting humaplos sa puso niya-ang ngiti ni Ate Yumi, pinaka-warmth sa lahat ng ngiting nakita niya sa bahay na iyon. Napaka-accomodating ng panganay nila. Nahalata rin niya na sanay na sanay ito sa mansiyon tulad ni Ate Vera.

Nakita na rin niya ang ngiti ni Ate Vera na parang nagsasabing may permiso siyang kulitin ang lahat ng tao sa mansiyon at susuportahan pa siya nito. Nag-selfie sila kanina nang masalubong niya ito na papunta sa kitchen.

Ngiti ni Sky ang ikatlong nakita ni Eira-kanina iyon, matapos siyang aksidenteng mabangga nang madulas ito sa steps ng grand staircase. May dala siyang tubig na natapon sa kanilang dalawa dahil sa biglang pagkapit nito sa kanya. Nauwi sa tawanan ang eksenang iyon nang halos maitulak pa siya nito pahulog sa grand staircase habang paulit-ulit na nagso-sorry. Hindi naman siya nahulog at nagpagulong-gulong sa steps, salamat sa maagap niyang pagkapit.

Nakita na rin ni Eira ang ngiti ni Mabel, kanina iyon bago ang dinner na kausap niya si Nanay Nonita. Lumapit si Mabel at mukhang may kailangan. Ngumiti ito sa kanya at sinabing hihiramin muna saglit si Nanay Nonita para iutos ang kung anumang kailangan nito. Ngiti rin ang itinugon niya sa kapatid.

Si Ate Ailene na gusto niyang lapitan agad pagkakita pa lang niya kanina sa sala ay ilang beses na ngumiti-ngiting parang hindi totoo. Hindi siya sigurado pero base sa mga ngiting nakita na niya, ang ngiti ng kapatid niya ay hindi umabot sa mga mata. Kinakausap siya nito pero wala ang uri ng ngiting gusto niyang makita. Napansin rin niya na parang wala sa mansiyon ang focus ni Ate Ailene. Parang hindi nito gaanong gusto na naroon sa Sagada-baka pakiramdam lang niya iyon. Hindi pa naman niya kilala ang kapatid sa malalim na kahulugan ng salita kaya hindi niya masasabi ang talagang nasa loob nito. Isang araw, makikita rin niyang ngingiti ito habang magkasama sila-isang totoong ngiti.

Si Amira, ang isa pang Ate ni Eira ay seryoso naman at parang laging may malalim na iniisip. Hindi rin niya nakitang ngumiti ito pero kapag may nagtanong naman na isa sa mga kapatid niya o kaya ay may pinag-uusapan sila at may ideya ito ay mahaba ang naririnig niyang paliwanag. Laging may puntong pinanghahawakan at gustong ipaglaban. Naisip niyang baka mas gusto lang nito ng katahimikan sa mga pagkakataong nag-iisip nang malalim. Sinulyapan niya ang kapatid-isang araw ay mahuhuli rin ng camera niya ang ngiti nito.

Si Ate Berry, na pakiramdam ni Eira ay masarap kasama base sa una nilang pagkikita. Isa siya sa sumalubong sa pagdating nito. Kahit kumawala agad ang kapatid sa yakap niya at itinulak pa siya sa noo ay gusto niya ito. Ramdan niya na walang halong pretension ang kilos ng kapatid. Sayang nga lang at hindi niya nakitang ngumiti kahit tawa na siya nang tawa sa harap nito. Isang araw, ngingiti rin ang Ate niyang ito, lalo na siguro kapag nagkatotoo ang kutob niya rito at kay Attorney Guzman.

Napapangiti siya sa pagitan ng pagsubo. Malayo sa kanya ang mga vegetable dish sa mesa kaya wala siyang problema.

Pero pagkatapos ng dinner, heto si Eira nasa kalye at mag-isa. Ginawa na niya ang turo ni Barbie-na kantahan niya ng Bet Mo Bang Mag-do ng Snowman ang isa sa mga kapatid niya para mapilit niyang makipag-bonding sa kanya. Nagkapili-pilipit na ang dila niya sa pagkanta ng lyrics na ang iba lang ang naintindihan niya ay bigo pa rin siyang makumbinsi ang Ate Amira niya na makipag-bonding sa kanya.

Wala sa ibang mga kapatid na kinatok niya ang nagbukas ng pinto sa kanya. Tulog na siguro o kaya ay wala talaga sa silid ng mga ito...


EIRA (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now