Portia: Friend Of Mine

621 24 7
                                    

    "Oh Portia, umiiyak ka ba?" Tanong sa akin ni Ate Aissa. Second cousin ko siya at pinapaaral ako ng Mommy niya.

    "Nalulungkot lang kasi umuulan," sagot ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Pinanonood ko ang mga batang naliligo sa ulan, tumatawa at naghaharutan.

    "Pero ang mga natatanaw mo ay masasayang bata. Wala sa kanila ang isip mo. May problema ba?" Tanong niya sabay kumuha ng isang stool at tinabihan ako.
     "Share mo para gumaan pakiramdam mo," pang-aalo nya. Humarap ako sa kanya.

      "Ate? Posible bang magmahal ng dalawang tao?"

    ♡♡♡ -------------- ♡♡♡

       "Hello! Porch! Rina 'to. Wala yatang tao sa baba niyo, nandito na ako."

    Lumabas na ako ng kuwarto. Maaga sya sa usapan naming alas tres. Mamimili kasi kami ng gamit para sa pasukan. Last sem na namin at gagraduate na kami sa kursong Accountancy.

      Naging close kami ni Rina simula ng mag abroad ang bestfriend nyang si Mae. Nagkataon na pareho kaming varsity ng volleyball sa school. Acquaintance lang kami noon kaya sobrang saya ko ng nagkaroon kami ng chance. Actually, isang sem ko pa lang sya nakakasama dahil iba ang set of friends nya.
   Minsan nagseselos ako sa kaunting oras na binibigay nya sa akin pero alam ko namang di nya maipagpapalit ang tropa nya over me. Masaya na ako sa mga time na nakakapag solo kami gaya ngayon. Masaya kasi..... gusto ko siya.

     "Hi," bati ko sa kanya pagbaba ko ng hagdan. Maganda si Rina, simple pero may dating. Maraming nanliligaw sa kanya pero wala syang pinapansin.

     "Sorry napa aga. May lakad kasi yung driver namin kaya maaga na ako hahatid. Tara? Ready ka na ba?"

     "Oo okay na.."

    Sabay na kaming lumabas. Gustung- gusto ko ang pabango nya. Sumakay na kami ng kotse, sa likod. Automatic na nag hawak na kami ng kamay at humilig na sya sa balikat ko.

    "Antok ako momshie..," naging biro na nya sa akin 'yan dahil para daw akong nanay kung sermunan sya at paalalahanan.

     "Eh kasi naman beh, taas ng energy mo. Madaling araw na kung anu-ano pang nirerequest mong kantahin ko."

    "Isang kanta lang 'yon tas natulog ka na... hmpf"

    "Sarree naman bebeko.. Pagod eh. Promise mamaya."

  Nakahilig lang ang ulo nya sa balikat ko buong byahe namin at tuwang tuwa ang puso ko na hindi naalis ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Nagsimula lang ito ng minsan maghawak kami ng tatawid sa kalsada. It felt so good na hindi rin sya umiwas. Hanggang nakasanayan na naming pareho gawin.

   Napuyat kami pareho kasi buong sembreak namin lagi kaming videocall or chat. At di kami nauubusan ng pinag uusapan. Isang bagay lang ang masakit.... kapag topic namin ang co player naming si Hannah. Kaya kami naging close dahil sa akin lang daw sya naging komportable na mag out. Gusto nya si Hannah pero straight itong huli.
   I was there for her ... patiently listening sa mga hinaing niya. To the point na 'yun na lang yata ang role ko. Pero okay lang, at least naging close kami.

    Nagpunta na kami ng bookstore. Kanya kanyang bili ng gamit. Ako na ang umincharge sa cart namin. Pumunta ako sa mga pens habang sya nama'y sa textbooks pumunta. After ko ay sinundan ko ulit sya. Napahinto ako ng makitang kausap niya si Hannah. Hinintay kong matapos sila tsaka ako lumapit.

    "Done?" I asked.
     "Yup."
      "Bakit nakaplaster na smile mo? For sure naman di ako dahilan ng ngiting yan. Sa itsura kong 'to?"

There's No Easy Way ( One SHOT )Where stories live. Discover now