SIMULA

2.4K 13 13
                                    

Apat na taon.

Apat na taon akong umintindi sa mga bagay- bagay na kahit labag man sa kalooban ko'y "sige lang".

Apat na taon kong pinalipas ang lahat ng kapabebehan ko sa katawan dahil nga sa "mature na daw ako".

Apat na taon akong humihintay ng mga gusto kong mangyari kahit pa na alam kong mali ang magdemand sa pagmamahal, ani ng sarili ko.

Apat na taon akong nagmahal at walang tumbas ang aking kasiyahan.

Pero ano nga ba ang inaarte ko gayong naging masaya ako? 

Tama pala iyong sinasabi ng ibang tao na kapag sobra ka daw nasiyahan, eepal ang kalungkutan.

Kaya heto ako...  Apat na taong naging kampante na ako lang. Saklap diba? Iyong akala mo na "perfect" ka na sa kanya kasi nga naging mabuting girlfriend ka naman- lahat ginawa mo pero bakit ganun?  Saan ka nagkulang?

Saan ako nagkulang at bakit pa niya nakayang tumingin sa iba?

Practical ResearchWhere stories live. Discover now