CHAPTER 15

277 10 3
                                    

______

3 mins nakatahimikan....

"Avy!"

"Kent!"

"Sige ikaw na mauna."
"Sige ikaw na mauna."
Sabay naming tugon.

"Di ikaw na mauna."

"Lady's first!"

"Ikaw ang unang gustong kumausap sa akin kaya ikaw na mauna." Seryusong tugon ni Avy sa akin.

"Ahm kuya Avy, may problema ba tayo? May nagawa ba akong masama sayo? Kasi parang mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ang dahilan at di mo na ako kinikibo eh. Dahil ba dun sa kababata mo kaya hindi mo na ako kailangan? Kayo na ba? Alam mo bang miss na miss na miss na miss na miss na kita!" Malungkot kong sabi sa kanya. Hinawakan ko naman yung kamay niya na alam kong sobra niyang ikinabigla at alam kong sobra siyang kinakabahan dahil sobrang lamig ng mga palad niya. "Avy please I beg you! Kung ano man yang ikinagalit mo sa akin I will try not to do it again just please be my bestfriend again!" Pagmamakawa ko sa kanya.

Kinalas niya yung mga kamay niya sa pakakahawak ko.
"Mali ka sa lahat ng hinala mo kent! Wala kang nagawa na kahit na anong masama sa akin! At walang kinalaman si drake kung bakit ako lumalayo sayo at mas lalong hindi siya ang dahilan! Hindi mo lang alam kung gaano kita kamiss. At sorry kung-- kung--"
Nabigla ako ng tumulo yung mga luha niya sa mata at parang may kumirot sa puso ko. "Kung hindi na pwedeng maging magbestfriend tayo."

Hindi ko alam at parang uminit yung dugo ko sa pagkakasabi niya nun at parang gumuho yung mundo ko. Tumayo ako ng galit at di ko nakayanan at napaiyak.

"Damn it! Why? Why Avy? You said you miss me! Then you're saying me that! Can you please give me a valid reasons! Gaano ba talaga kalaki ang nagawa ko sayong kasalanan? Please ipaintindi mo lang sa akin at maiintindihan ko! Bulyaw ko sa kanya, patuloy naman siya sa pag-iyak.

"I'm very sorry Kent!" Sabay takbo niya. Di ko naman hahayaang umalis lang siya, kaya sinundan ko and I angrily grab her wrist paharap sa akin.

"Avy jane! Ano ba talagang problema mo ha? We used to be best of bestfriends and now, I cannot imagine that your doing this for no rea----"

"MAHAL KITA KENT KYRUS NOBLE!"

Sobra akong na bigla sa sinabi niya.

"Whhha-t?"

"Narinig mo naman diba! Mahal kita, MAHAL KITA HIGIT PA SA BESTFRIEND KENT! sapat na ba yun na rason?"

"Avyy!"

"Hehehe nakakatawa anu!" Pilit niyang ngiti habang umiiyak. "Sayo pa ako nahulog, wala eh mapaglaro nga naman talaga si kopido! Pero wag kang mag-alala I never expect you to love me the way I love you. Alam kong masaya ka sa piling ni NIEL at hangad ko rin naman ang kaligayahan niyong dalawa. Hoo! Ang hirap palang mainlove anu! First time ko sanang mainlove sa bestfriend ko pang kalahi ko ang puso." Mapait niyang ngiti habang umiiyak parin." Ahm sana kalimutan mo na lang yung inamin ko sayo ngayon. Ang haba ng speech ko anu, sige ha alis na ako baka naiinip na kasi si drake, ah by the way can we act like we're just classmates just the way before we became bestfriend para you know maka move-on na rin ako. Nakakatawang isipin, hindi naman naging tayo pero kailangan kong mag move-on." Tsaka niya ako tinalikuran na inaalis yung mga luha sa pisngi.

"Avy SORRY!"

"Di mo kailangan mag sorry!" Tugon niya sa akin ng nakatalikod pagkatapos umalis na talaga siya habang ako nakapako  parin sa lahat ng sinabi niya.

Ang Dakilang NBSB Fell Inlove Into A GayWhere stories live. Discover now