CHAPTER 2

516 17 0
                                    

Ilang weeks ang nakalipas....

Nandito kami ngayon sa garden ng school. Sa may wishing well. Dito naman talaga kami tumatambay dalawa. Medyo close narin kami. Kayo ba naman dalawa lang magkasama tuwing MWF di ba naman kayo magkaka close. Ate na nga tawag ko sa kanya, kuya naman tawag niya sa akin. Noong una ayaw niya pang tawagin ko siyang ate pero wala naman siyang magagawa yun ang bet kong tawag sa kanya.

"Hoy kuya, may sasabihin ako sayo pero dapat secret lang natin 'to."

"Ano ba yan ate? Wag kang mag-alala I'm a trustworthy person at makikinig ako sayo kahit ano pa yan."

"Sigurado ka?"

"Oo nga Ate!"

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Ahm noong high school kasi ako, may gusto akong lalaki yung tipong gustong-gusto ko na talaga siya pero natakot akong sabihin sa kanya kahit na parang feeling ko may gusto rin siya sa akin. Oh talagang assuming lang siguro ako. Alam ko rin naman na bawal kaya di ko na itinuloy.

Alam mo ba halos mabaliw ako sa kakaisip sa kanya at sa kapipigil sa nararamdaman ko para sa kanya. Kahit magtatatlong taon nang nakakaraan nandito parin siya sa puso ko, ang hirap mag move-on kahit wala namang kami."

"Mawawala rin yan ate sigurado ako diyan basta pray ka lang kay God. Malay mo yung nakatadhana sayo ay natraffic lang. Kailangan mo lang hintayin siya."

"Natatakot lang siguro akong di maranasan ang magmahal at ang mahalin."

"Alam mo kuntento na ako sa pagmamahal ng pamilya ko."

"Buti ka pa may nagmamahal sayong pamilya eh ako wala."

"Ano kaba mahal ka nang mga magulang mo kaya nga sila nagsisikap para sa kinabukasan mo."

"Di naman yun ang nararamdaman ko eh pero siguro nga."

"Ah ate may itatanong sana ako sayo wag ka sanang maooffend."

"Oo sige ano ba yan?"

"Ahm bakit kayong nagkakagusto sa mga lalaki? kasi nakucurious talaga ako."

"Di ko rin alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, alam ko naman na di talaga pwede pero wala eh kusang tumitibok yung puso ko para sa mga lalaki."

"Kailan mo ba nalaman na baklosh ka?"

"Siguro nagsimula to noong first year high school ako."

"Wala nabang pag-asang ma inlove ka sa babae?"

"Di ko alam eh! Bigla namang humarap si kent sa akin tas hinawakan yung dalawa kong kamay.
"Pero hoy Kuya promise mo ha wala kang ibang sasabihan nito?"

"Di ba sabi ko nga trustworthy person ako kaya wag kang mag-alala."

"Da best ka talaga ka!"

Bigla naman niya akong niyakap. Kaya I tap his back narin para ma comfort siya.

"Hay nako tama na nga 'tong kadramahan ko, tara kain na tayo."

___________________

Months passed by.....

Close na kami guys, yung as in sangkang dikit, tinuturing nanga akong bestfriend ng baklitang 'to.

Yung tatlo ko ngang kaibigang parang mga artista ang mukha eh tinutukso ako. Bagay daw kami. Ewan ko ba sa kanila, di nga kami talo diba and besides magiging dakilang NBSB ako. Imposible namang magkagusto yun sa akin at ako rin.

"Ateeeeee gising!"

"Meky ano ba natutulog pa ako eh."

"May beki doon sa labas kaibigan mo raw siya? Sayang ang gwapo pa naman niya anu! Tas parang ang yaman pa.

Ang Dakilang NBSB Fell Inlove Into A GayWhere stories live. Discover now