Home Sweet Baby

145 6 0
                                    

[Sehun's POV]

(Beautified Narration:)

Bukod kay Lay-hyung wala nang may dalang phone samin. So ang chance na may tumulong samin ay pumapatak sa .5%.

"Ano nang gagawin natin?" tanong ko kay Lulu,  siya lang naman ang importante sa mga kasama ko.

Luhan: "Hindi ko din alam!"

Lahat kami ay siksikang nakaupo sa tapat ng saradong pinto. Pero biglang nalaglag ang telang nakatabing sa may salamin ng tukador. 

Sisigaw na sana ako nang pigilan ako ni Chen.

Chen: "Wala munang sisigaw!"

Lumapit si hot-pack dude sa may salamin para mabasa ang nakasulat. 

Jebbal! jebbal! 

Kulay pula ang mga salita at mukhang isinulat ito gamit ang dugo.

Chen: "Sa tingin ko humingi siya ng tulong."

Biglang umuga ang tukador at unti-unti nagiging itim ito. Gaya ng itsura ng black hair creature na nagrarap para sa endorsement ng palmolive shampoo.

Unti-unting nag mamaterialize ang babae sa salamin. Parang si Sadako na lumalabas sa TV.

Chen: "Gusto mo ba ng hot pack?" Iniabot ni Chen ang hot pack sa salamin pero agad namang hinigit ni Xiumin si Chen.

Binuksan ni Chanyeol ang pintuan at agad na nagtatakbuhan ang mga member palabas.

Lay: "Saan tayo pupunta?!" tanong niya kay Amber habang hingal na hingal sa pagtakbo.

Amber: "Aba'y malay ko!"

Kyungsoo: "Tumigil muna tayo. Nakaka lerki, pagod na aketch."

Napadpad kami sa isang kwarto na parang entertainment room. May malaking telang puti sa gitna. Yung parang sinaunang sinehan.

Baekhyun: "Ang creepy naman ng lugar na 'to!"

At nang isinara ko ang pinto, complete darkness *bow*

"Lulu athan ka?" Madilim talaga yung kwarto. Hindi pa nag aadjust yung mata ko. Siguro mga 5 minutes pa bago ako makakita sa dilim.

Luhan: "Sehun may sinasabi kaba? Hindi kita marinig, masyadong madilim."

Pero bago pa mag 5 minutes ay biglang nagbukas ang higanteng telang tv. Iba't ibang kuha ng bahay, at may mga lumang tao ding pinapakita pero malabo.

Chen: "Aba! uso na pala camera360 nung dekada sisenta."

EXO [ParangNormal Activity]Where stories live. Discover now