Club's Teamwork

204 5 0
                                    

[Suho's POV]

Three weeks later...

Sa loob ng tatlong linggo, wala pang nagagawang makabuluhan ang club namin. Kailangan sa buong school year ay maka-limang achivements man lamang kame. Pero sa current state namen. All caps MALABO.

"Yah! tandang Suho! Lunch time na! Saan tayo lalamon?" sigaw ni Baekhyun habang naglalaro ng ipad.

"San niyo ba gusto? Chinese or Japanese restaurant?" tanong ko. 

Ayun nag brainstorming na agad ang mga member kong palamunin. Yan! ganyan! Diyan sila magaling, pag-oras lang ng pagkain ako papansinin. 

"Japanese restaurant daw." sabi ni Lay.

"Okay! EXO saranghaja! kajja!" sigaw ko. Kahit na hindi nila ako laging pinapakinggan, mahal na mahal ko ang mga member ko. Alam kong di nila ako iiwan hangga't hawak ko ang credit cards ko. Wala eh, ako yung ATM machine. Yun na lang ang magagawa ko para sa kanila.

"Hyung, tara na! Ang pangit ng mukha mo." sabi ni Sehun. 

Pumunta na kami sa restaurant at nag simula nang umorder. Labindalawa lang kame, pero kung kumain daig pa ang 24 na barangay.

"Makkchang samin!" sabi ng HunHan.

"Edi iyon nalang orderin natin." sabi ni Umin.

Umorder na kami at pagkatapos ng 1234567890987654321 hours (ay! di mo na binasa yung number. Tiningnan mo lang T_T) dumating na yung pagkain. 

"Alam niyo ba na ngayong week ay may singing contest sa school? Ito na ang time para sa una nating achivement." sabi ko. Syempre hindi na naman sila nakikinig sakin kaya tiningnan ko si Umin hyung. At inulit niya yung sinabi ko.

"Hmmmm.. talaga?? tapos?" tanong ni Chen, halatang hindi interesado ang lintek na camel. 

"May gusto bang sumali? sinong gustong mag-volunteer?" tanong ni Chanyeol habang sinusubuan yung malanding baeklita.

"Let's settle this in very manly way!" sigaw ni Luhan. 

"Sige!" sabay sabay nilang sagot.

Ang lahat ay ready na, so nag ready na din ako. Gusto kong manalo. Gusto kong kumanta. Kaya ibibigay ko na ang lahat lahat sa labang ito.

"Hana.."

"Dul.."

"Set" 

"Rock.paper.scissors!"

Waaaaaaah! May isang nanalo in one shot! lahat kame ay scissors maliban sa isang kanya na bato. Siya ang nagwagi! Siya ang napaka swerteng makakanta sa contest. At siya ay si...

"Sehun! Woooh! bestfriend galing mo sa batobatopiks!" sabi ni Tao habang pumapalakpak ng wagas.

"So si Sehun na ang kakanta. Anong kakantahin mo?" tanong ni Baekhyun. Ang weird niya. Tinatanong niya si Sehun pero kay Chanyeol siya nakatingin. Ang weird ng baklita.

"Hmm Lulu, anong guthto mong kantahin ko?" 

"Tinatanong mo pa ba yan? edi yung favorite song ko."

"Haha thige kaw bahala" 

Kinakabahan ako. Feeling ko may hindi magandang mangyayari. 

???

[Sehun's POV]

"Sehun say, Mississipi" utos ni Baek

"Mithithipi" 

"Leprosy"

"leprothy" 

"excess"

" ektheth" 

"Haysss... wala nang pag-asa. Ballad yung kailangan mong kantahin. Pano mo yun makakanta kung nag lilisping ka." sabay upo ni Baekhyun sa sofa.

EXO [ParangNormal Activity]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ