Cross-dress

155 5 0
                                    

[Lay's POV]

Maaga akong pumasok kahit buong lakas at tapang kong nilabanan ang katamaran. 

Maaga, siyempre may pumapasok ba na hindi maaga? Ay! meron! yung author nito! Lagi na lang late kaya laging minimisahan ng kanyang professor. Back to the topic, ano nga bang sinasabi ko? Nakalimutan ko na.

Sa klase, walang nakikinig kay Mis Taenggo, kahit ang paboritang paborito ni Miss Taenggo na si Kai ay hindi nakikinig sa kanya. Nilalandi niya kasi si Kyungsoo. At ang iba ay nasa kani-kanilang mundo. Sa tingin ko naman nakikinig ako, kaso di naman pumapasok sa kokote ko, so wala ding silbi.

"Class, maiba tayo ng usapan" tinuktok ni Miss ang table para makuha ang aming attention. Ang lahat ay tumingin sa kanya habang iniintay na magsalita.

"Kamusta ang pageant?" Ano bang meron sa pageant na yan at parang atat na atat si Miss Taenggo. 

Tumayo si Baek at nagsimulang rumampa sa unahan na naka pamewang. 

"Ready-ng ready nah!" sigaw ng Bakla. 

Tuwang-tuwa naman ang lukaret naming teacher with matching palakpak pa. Bet na bet niya si Baek. 

"Oh my gosh, Baek! Im sure ikaw na panalo!" 

"I, thank you!" sabi ni Baek habang nakangisi pabalik ng kanyang upuan.

Dinismiss na kami ni Miss Taenggo dahil may pupuntahan daw sila ni Miss Fany. Where could it be? Oh my gosh! nababakla na ko! kung ano-anong pumapasok sa green minded kong utak.

"Guys, may meeting tayo sa club room pagkatapos ng lunch." sabi ni Suho, pero walang pumapansin sa kanya. Ay! meron pala. Ako. Lagi ko siyang tinutuunan ng pansin, hindi nga lang halata dahil mapungay ang aking magandang mata. Nagmumukha tuloy hindi interesado. 

Lumabas na kaming lahat at nagpunta sa cafeteria. Madaming creatures ang nakapila sa tindahan.

"Wooh.. ang daming nakapila!" sabi ni Kai.

Obvious namang maraming nakapila. Kita naman namin eh, bat kelangan pang sabihin. 

"Maghanap muna tayo ng upuan." at naghanap nga kami ng bakanteng upuan gaya ng sabi ni Chanyeol. Nakahanap kami ng upuan na kasya ang labindalawang katao. 

"So, sinong gustong pumila?" tanong ni Kris.Pero walang sumagot. Duh, sa haba ng pila sino namang adik ang gugustuhing pumila dyan.

"Sige, ako na lang." tumayo ang adik na si Suho na may malungkot na mukha. At nagpalakpakan naman ang iba pang member dahil sa kadakilaang ginawa ni Suho-hyung.

Tumayo din ako para mag boluntaryong samahan ang dakila naming leader. "Sama na ako." At ngumiti sakin si Suho na siyang ikinatunaw ng heart ko. Etchos!

Habang nasa pila, kinakausap ako ni Suho tungkol sa mga bagay na walang kwenta. Tanong dito, tanong dyan, kwento dito, kwento dyan. Nakikinig lang ako sa kanya kahit na lumalabas lang sa kabila kong tainga ang bawat kwento niya. 

Natapos ang kkaepsong year at sa wakas ay nasa counter na kami. Umorder si Suho ng tatlong bucket meal para saming patay-gutom na bulate sa tiyan. Binayaran niya ito through credit card. Wow, sana dumating din ang araw na pa-swipe swipe na lang ako sa pamimili. 

"Suho-hyung, bakit di mo na lang kami i-meeting sa canteen? Tutal, kompleto naman tayo." suggest ko.

"Hmmm osige." Ang bait talaga ni Suho. Pumayag siya kahit alam niyang walang makikinig sa kanya dahil sa mga pagkain. I adore him.

Dinatnan namin ang mga palamunin naming member na nag-uusap, pero dalawa sa kanila ang hindi nag-uusap kundi nagtatalo.

"Ewan ko sayo! Ang linaw naman ng sabi ko sayo na ibili mo ko ng jelly!" mejo asar na sabi ni Chen.

EXO [ParangNormal Activity]Where stories live. Discover now