Chapter 8

286 13 1
                                    

Chapter 8

"Arjay"

Tumingin sya sakin, "Hmm?"

Umayos ako ng upo, "Magkwento ka nga nung bata pa kayo ni Lori" sabi ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa mga stars at masayang ngumiti. "Si Lori? Hmm, ano nga ba..Nagaway nun si Mommy at Daddy kaya pumunta kami ni Mommy sa isang beach resort. Nung una, nagmamaktol ako kasi lagi na lang silang nagaaway na dalawa, pero nawala din yun nung nakilala ko ang isang batang babae. Sa loob ng dalawang buwan, sya lang lagi yung kasama ko. Naalala mo yung ginawa natin sa mall? We usually do that nung nasa resort kami. Crush ko na sya nun kasi ang ganda nya tsaka mabait pa. Mas lalo akong nahuhulog kada ngingiti sya sakin at alam kong ngumiti sya kasi ako ang dahilan nun. Pero one time, sabi nya na aalis na daw sila at nagbigayan kami ng memento" sabi nya.

"A-anong binigay nya sayo?" tanong ko

"Hmm, weird nga eh. Yung suot nyang bracelet ang binigay nya sakin. May ibon tapos may infinity sign pa nga yun eh. Tapos binigay ko naman sa kanya yung necklace ko na moon na may star. Ang cute diba?" he look at me then he chuckled. "I remember pa nga eh. Sabi ko sa kanya na papakasalan ko sya" tapos tumawa sya.

"Suot mo ba yung necklace?" tanong ko sa kanya. "Yes, dala ko sya ngayon" may kinuha sya sa pocket at nilabas ang kagayang necklace na meron ako.

Kinuha ko naman iyon at tinignan ng maiigi kung merong nakaukit na initials nya pero..

                                                    .....walang nakaukit.....

"Bakit?" tanong nya. May tumulo namang luha sa mata ko. It's a fake. It's totally a fake.

Pinunasan ko yung mga mata ko, "Sure ka bang, sya na talaga?" tanong ko sa kanya

"Yes, I'm pretty sure" sabi nya.

"*sniff* Ga-gaano mo sya kamahal?"

He stop for a moment tapos ngumiti, "Kailan pa ba yang sagutin? Alam ko kasi kapag nagmamahal, hindi kailangang alamin kung gaano eh, basta maramdaman mo lang sa tao na mahal mo sya" sabi nya

"Arjay, maiinis ka ba kung sabihin kong....

                                                                                                 mahal kita?"

Nabigla sya sa sinabi ko at agad naman syang nakarecover.

"A-ano bang pinagsasasabi mo?" tanong nya sakin.

Napasinghap naman ako para pigilan yung nagbabadyang luha ko, "I love you. I love you since the day that I met you on that resort"

"What are you talking about?!"

"Lori's fake. Hindi sya yung kababata mo" nagulat sya at nanlaki yung mga mata nya pero tumingin sya sakin ng masama

"Akala ko ba okay na tayo? You know Hillary, wag mo naman sanang siraan si Lori sakin, mahal ko sya"

"Pero Arjay, nagsasabi ako ng totoo"

He sighed desperately, "You know what? Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo mo kay Lori. Wala naman syang ginagawa sayo diba? So please, stop it. Wag mo na sana syang siraan sakin" sabi nya tapos umalis sya dun at iniwan ako.

My Boyfriend Is The Famous Campus Gay (Mini Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon