Chapter 10

442 16 6
                                    

Dedictaed to itsmartha<3 Yieee! Hahaha! Ayan na, tapos na sya bru ^_______^

Chapter 10

After that kissed, he said sorry to me at tinanggap ko naman yung sorry nya.

Kinwento ko lahat lahat sa kanya and guess what??!!

He wants us to start again :)

Mabilis lumipas ang panahon at ngayon naman ang Grand Foundation Day ng school namin. Maraming booths ang nagkalat sa school grounds pati na din ang mga students ng school namin at outsiders na din.

Kasama ko si Akira ngayon, naghahanap kami ng pwedeng malarong booth. Kanina pa kasi kaming dalawa na nababagot =____=

Pumunta kami sa may shooting range, "Sure kang maglalaro tayo dyan?" tanong ko sa kanya

"Yes oh yes! I'm sure of it! Hahaha! Masaya 'to!" sabi nya tapos nagbayad na sya dun sa lalaki at binigay ng lalaki sa kanya yung pekeng baril tapos nagstart na syang magbaril baril dun sa mga lobo.

"Ang panget naman neto!" sabi nya nung wala syang natamaang lobo, "Magsara ka na nga!" inis na sabi nya dun sa lalaki. Hinatak nya na lang ako paalis dun tapos pumunta kaming dalawa sa Printing Booth.

"Nasan na ba kasi yang love mo ah? Hindi ko pa sya nakikita sa tabi mo ngayon" sabi nya habang pumipili ng design.

Akira's right. Pagkatapos kasi ng araw na yun, araw araw na lang kaming magkasama ni Mor. Well, hindi ko naman alam kung may gusto sya sakin kasi minsan bigla bigla na lang syang mangsusurprise ng flowers, bears, chocolates at kung minsan lumalabas din kami na kaming dalawa lang.

Hindi ko alam kung MU ba kami or what, basta ang alam ko lang I love him<3

"Baka nandyan lang sa tabi tabi" sabi ko sa kanya

"Ahh, teka teka, hindi ba nya sinabi sayo?"

"Sinabi ang alin?"

"Kakanta sya sa mini concert mamaya" sabi nya

"Hmm~ Hayaan mo na. Manunuod na lang ako" sabi ko. Nagpaprint lang sya ng t-shirt para sa boyfriend nya tapos napagdesisyunan namin na babalikan na lang namin.

Bumili kami ng popcorn tas pepsi na din at pumunta na kami sa court. Medyo madami na din ang tao pero nakahanap naman kami ng magandang pwesto kasi nireserve pala kami ni Flora ng seats.

"Buti naman dumating na kayo, itetext ko na sana kayo eh" sabi nya

"Eh pano ba naman kase yang bestfriend mo, hindi naman pala sinabi kay Hillary na kakanta sya" sabi ni Akira

"Nge? Hayaan nyo na yung lalaking yun" sabi ni Flora

Nagstart na yung mini concert at puro mga magagaling na kumakanta sa school namin ang nasa stage.

"Now, let's welcome Mr. Avila!" agad na naghiyawan yung mga tao, karamihan mga babae. Lumabas sya sa stage na may dalang guitara at pumwesto sa gitna kung san nakalagay ang isang standing mic.

"Hi everyone, sana magustuhan nyo yung kakantahin ko" sabi nya tapos unti unti namang nanahimik yung paligid.

"Tell me what you did to me, just there beneath my feet

Didn't even notice we were miles above the ground

I'm not afraid of heights, we crashed into the sky, didn't know that I could feel the way that I do now

My Boyfriend Is The Famous Campus Gay (Mini Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon