Chapter 7

289 15 0
                                    

Chapter 7

"WHAAAAAAAAAAAAT??!!!!" sabay sabay na sigaw ni Flora at Akira with matching patayo pa mula sa pagkakaupo nilang dalawa

"Chill! Yung tenga ko naman!" sita ko sa kanilang dalawa at nilipat ng channel yung tv tapos naupo sila pabalik

"Ginawa nya YUN??!" di makapaniwalang tanong ni Akira.

"Yes, at kitang kita ng dalawa kong magagandang mata ang LAHAT LAHAT!" sabi ko sa kanila.

"Dapat malaman 'to ni Arjay" sabi ni Flora at aakma syang magdidial kaso pinigilan ko sya.

 sabi ko"Remember what Lori said? Kailangan natin ng evidence para maniwala si Arjay satin. You see, nakikita ko kasing masyadong nagpapaniwala sya kay Lori at dahil dun madali syang maloko ng haliparot"

"Oh my God. Bakit kailangan nyang magsinungaling? Ano namang pumasok sa isip ng babaeng yun at nagpanggap sya bilang childhood friend ni Arjay?" inis na sabi ni Flora

"I don't know, yun pa ang kailangan nating alamin. Pero for the mean time, kailangan nating bantayan ang kinikilos nung babaitang yun. Akala ko anghel yun pala kapamilya ni Santanas" sabi ko at nilipat ulit yung channel

"So kaya pala ganun na lang kayo magbangayan kanina" sabi ni Akira at tinutusok tusok nya yung lower lip nya

"Yes, gusto ko na nga sanang ispill lahat kanina nung kumakain tayo kung hindi lang...." napatingin naman silang dalawa sakin with their pity eyes.

--Flashback--

"Anong problema nyong dalawa?" bulong na sabi ni Akira sakin. Tumingin ako sa kanya at binigyan ko sya ng 'sa-bahay-ko-na-lang-ikekwento' look. Tumango tango lang sya tapos nanahimik na din.

Sumunod sya kay Flora at naiwan naman ako sa pinakalikod. Pumasok kami sa Shakeys at naghanap agad kami ng mauupuan. Punuan pala dito kapag lunch time at nahirapan kami sa pagupo.

Nakahanap kami ng mauupuan tapos umupo naman silang lahat dun kaso..

"Sorry Hillary, pang apatan lang pala 'to eh" bitchy na pagkasabi ni Lori. Aakma naman na tatayo si Mor kaso pinigilan sya ni Lori, "Let him babe" tumingin sya sakin, "Kaya mo namann maghanap ng upuan diba?" sabi nya sakin.

Konti na lang talaga, pipitik na ako.

Ngumiti na lang ako ng pilit at naghanap ng mauupuan. May nagmagandang loob naman na lalaki at tinulungan nya ako. Binuhat nya yung upuan at dinala sa table namin at nilagay.

Tumingin si Lori at natigilan sya nung nakita nya kami. I smiled evily. Tumigil sandali yung lalaki at tumingin din kay Lori tapos umalis na din sya. Guess who? Yung lalaki lang naman na yun ay yung kaANO nya kanina.

Tumingin sya sakin ng masama na parang nagsasabing 'sinusubukan-mo-ba-ako?' look pero ngumiti lang ako ng mapangasar. Umupo ako dun tapos tumawag ng waiter at nagorder.

Dinala nung waiter yung mga pagkain at isa isang nilapag sa table. "Asan ang drinks?" tanong ni Akira

"Sandali lang po" sabi nya tapos umalis sya at kinuha yung mga drinks namin. Papalapit na sya samin nung bigla syang natalisod at nabuhos lahat ng laman ng drinks sakin.

Agad namang tumayo yung lalaki, "Naku Ma'am, sorry po. Di ko po sinasadya" sabi nya. Dali dali syang umalis at bumalik na may dalang malinis na towel.

My Boyfriend Is The Famous Campus Gay (Mini Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon