Chapter Two

93 1 1
                                    

[GILBERT FLORENTINO DIAZ's POV]

Hay! sa wakas at makakauwi na din ako.

Apat na taon na din ang nakaraan simula nung i-enroll ako ng mommy ko dito sa isang school sa province namin.

Dito kasi ako nakapasa nung nag-entrance exam ako, tapos mataas pa nakuha kong score kaya nabigyan ako ng scholarship.

I'm on my way home na.

Namiss ko lahat ng tao sa bahay.

Lalo na si Rachel, yung pinsan ko.

Grabe, ano na kaya itsura niya ngayon?

Huling kita ko sa kaniya, ang taba taba niya eh.

Hehehe..

Kinantyawan ko pa nga siya nung nagpaalam ako sa kaniya sa terminal ng bus nung pag-alis ko.

[FLASHBACK 4 years ago, terminal ng bus]

"Gilbert, mag-iingat ka dun ah, mahirap magkasakit sa ganung lugar, wala kang kasama, walang mag-aalaga sa'yo" sabi ni Mommy sa akin, nangingilid na yung mga luha sa mata niya.

"Yes mom, wag naman po kayo umiyak oh, baka maiyak pa ako nito eh" sabi ko ng nakaingiti na medyo naluluha na din, at inakap ko ng mahigpit si mommy.

Iniligid ko yung mga mata ko sa paligid.

Hinahanap ko kasi si Rachel, ang paborito kong pinsan.

nakita ko siya, nakaupo habang nakikinig at nakatitig ng mabuti sa cellphone niya, habang..

LUMULUHA???

"Rachel bakit ka umiiyak, may masakit ba sa'yo? nahihilo ka ba?" sabi ko sa kaniya ng nakahawak sa balikat niya at alalang alala.

"Wala! nakakaiyak lang kasi tong kantang pinapakinggan ko, nadadala lang ako" sabi niya..

"Weh, baka kaya ka nagkakaganiyan dahil aalis na ako?" -ako

"Huh?? ano naman kung aalis ka noh *sniff*" deny niya..

"Mamimiss mo ako.." sabi ko sa kaniya ng seryoso at nakatingin sa mga mata niya.

"Hindi ah!!" sigaw niya, patuloy pa rin niyang dinedeny kahit na obvious naman..

Tinignan ko lang siya, at nalungkot ako dahil nagkakaganon siya.

"Hindi sinabi ganon yun eh!! Hindi!! Hindi!!" patuloy pa rin sa pagtulo yung luha niya, she was about to hit me when i caught her arms and landed her on my chest.

i hugged her.

"Babalik pa naman ako eh" sabi ko habang hinihimas ang likod niya..

"Wag ka na malungkot, please.." at tuluyan na siyang humagulgol.

naramdaman kong na pahigpit ng pahigpit yung akap niya sa akin.

pero di ko na lang pinansin dahil alam kong sinusulit na lang niya yung oras na nandun ako sa tabi niya.

"Mamimiss kita" bulong ko sa kaniya..

"Ingat ka ah, at aral ka ng mabuti okay?"

"Opo" *sniff *sniff sabi niya..

"Wow! first time mo mag-opo sa akin ah, haha! pakiulit nga" tuwang-tuwa kong sabi.

"Ehhh.. ayoko nga!"

"Haha! sige na nga, oh, tama na iyak ah" sabi ko sabay pahid ng luha niya gamit yung mga kamay ko.

"Mag-iingat ka dun KUYA Gilbert ah"

"Wow! ngayon mo na lang ako ulit tinawag na kuya ah, hahaha! lahat ng mga hindi mo sinasabi dati, sinasabi mo ngayon ah, nakakatuwa ka naman, by any chance, are you trying to look cute?" sabi ko, sabay pilit kong hinahabol yung mata niya para tumingin sa akin..

nakita kong namula siya sa sinabi ko..

ang cute talaga ng pinsan ko..

"tama ako noh? noh? noh?" sabi ko habang inaalog alog ko siya sa lap ko, nakaupo na siya sa lap ko eh habang akap ko siya.

"Hindi ah" tanggi niya ng madiin.

"Hahaha! dapat lang, di mo na kasi kailangan non, para sa akin, CUTE ka na", sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

Nakita kong namula na naman siya at tuwang tuwa siya sa compliment na sinabi ko.

Aasarin ko nga to.

"Kasi, ang TABA TABA mo!!" sabi ko sabay kurot sa bilbil niya na malaki at nagtawanan kaming lahat.

HAHAHAHA..

galit na galit naman yung mukha niya nung una, pero ang cute pa rin.

maya maya, kasabay na namin siyang tumatawa.

HAHAHAHA!

hanggang sa tinawag na yung bus number ko at yung oras ng alis ko.

bigla siyang nalungkot..

"Rachel, bye bye na" sabi ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa kaniya.

"Mag-iingat ka dun Gilbert ah" sabi niya sa akin ng nakatingin ng diretso din sa mga mata ko habang nakahawak ng mahigpit sa mga balikat ko.

"Opo" sabi ko, at hinug ko siya at kiniss sa noo.

"Mag-iingat ka din, higit sa lahat, mag-aaral ng mabuti, at wag muna magpapaligaw okay? kung may manligaw sa'yo, dapat makilala ko muna sila" sabi ko sa kaniya ng seryoso.

"okay lang, basta ba ikaw din ah, wag ka muna mag-gigirlfriend, kailangan makilala ko muna" -rachel

"Teka, bakit nasama ako?" -ako

"para fair" sabi niya sabay irap..

"Okay, sige, PROMISE" sabi ko nakataas pa ang kanang kamay ko..

"PROMISE" sabi niya, tinaas din niya yung kamay niya at inapir sa kanang kamay kong nakataas.

[FLASHBACK end]

hayy.. sobrang nakakamiss talaga ang pinsan kong yun.

sigurado akong matutuwa sila sa pagdating ko.

sana din ay matuwa sila sa sorpresa ko.

[POV end]

Conflicting Emotions ♫ on going ♫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon