Chapter Nine (edited 9/5/12)

44 1 0
                                    

[GEORGE's POV]

Nagpunta ako sa playground para magmuni-muni,

nang makita ko si Rachel na umiiyak.

TENGENE!

sinong nagpaiyak sa mahal kong bestfriend?

nilapitan ko siya,

sabi niya wag daw ako lumapit,

pero kilala ko siya, kapag ganun siya, alam kong mas kailangan niya ako.

kaya kahit na sinabihan niya akong wag lumapit,

ginawa ko pa rin.

magbestfriend kami simula pa nung mga toddlers pa lang kami.

magkaibigan din kasi ang mga nanay namin at halos magkapitbahay lang kami.

ang bonding namin ay ang pagkanta, marunong ako mag-gitara at kumanta kaya minsan magka-duet kami.

masaya ako kapag kasama ko siya, parang tumitigil ang oras ko kapag kasama ko siya.

nung una, i find it weird na wala akong mahanap na magugustuhan sa school, madami namang magaganda, at medyo may itsura naman ako at may talent pa kaya alam kong madami ding babaeng nagkakagusto sa akin, pero kahit anong gawin ko wala ako magustuhan sa kanila.

lately ko na lang nalaman na nahuhulog na pala ang loob ko sa bestfriend ko.

pero ano to?

bakit ganon? parang naiinlove siya sa pinsan niya.

ikinuwento niya sa akin kung bakit siya umiiyak, at dahil nga yun sa pinsan niya.

sinigawan daw siya, at kinuwento pa niya sa akin na magang-maga yung mata niya dahil super naapektuhan siya dun sa panaginip niya na tungkol sa pagtatalik ni Gilbert at nung girlfriend niya.

alam kong naiinlove na siya sa pinsan niya, pero hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo, hindi tama yun, kaya sinabi ko na lang na baka naninibago lang siya kaya siya nagkakaganon.

umaasa ako na kapag sinabi ko yun, maalis na sa isip niya yung Gilbert na yun.

inakap ko siya.

"I love you BEST" sabi ko, kahit higit pa sa bestfriend ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya.

"I love you too" sabi niya, sana totoo na lang yung sinasabi niya, sana hindi lang bilang bestfriend.

ipinasan ko siya, iuuwi ko na siya sa kanila, nag-aalala na panigurado sila Tita sa kaniya.

habang nakapasan siya sa akin, nakipagkantahan muna ako sa kaniya.

"Do you hear me, talking to you, across the water across the deep blue, ocean, under the open sky, oh my, baby i'm trying" -ako

"Boy, i hear you, in my dreams, i feel you whisper, across the sea, keep you with me in my heart, you make it easier, when life gets hard" - Rachel

"Lucky i'm inlove with my bestfriend, lucky to have been where i have been, lucky to be coming home again, oooohhh... ohhhhh..." -sabay kami

"Wahahaha!! galing talaga natin best.." at diniin niya yung pisngi niya sa pisngi ko..

"Ang ganda talaga ng boses mo best, nakakainlove" sabi ko

natahimik siya..

"Best, may maiinlove pa kaya sa akin?" seryoso niyang tanong.

"Oo naman, best, ang ganda mo kaya, tapos matalino at talented pa, higit sa lahat napakabait mo, medyo maldita nga lang minsan, hahaha!!" -ako

Conflicting Emotions ♫ on going ♫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon