CHAPTER 25

3K 73 4
                                    

CHAPTER 25

SA LABAS ng cabana, huminto ang isang shuttle. Doon ay sumakay si Hans.

          “Hans, kumusta na?” anang nagda-drive ng shuttle. Gaya rin ng ibang kalalakihan sa Club rufus, guwapo ang nagda-drive nito at maganda rin ang pangangatawan. May hawig siya kay Brad Pitt kanya lamang ay Asian version siya nito.

          “I’m ok, Cholo. Ikaw?’

          “Heto, ako naman ang nakatoka rito sa shuttle.”

          Sa Club Rufus, lahat ng miyembro ay pantay-pantay. May rotation of jobs silang lahat. Kahit na si Hans, sa mga espesyal na okasyon gaya nito ay binibigyan ng assignments. Lahat ay nagro-rotate, mula sa security, maintainance, gardening, cooking, paglilinis ng mga cabanas, at kung ano-ano pang trabao na kailangang gawin para sa oprations and maintance ng club.

          Pagkaraang bagtasin ang sementadong daan ng malawak na lupaing iyon ay huminto ang shuttle sa main clubhouse.

          “Sige, Hans, mamaya, kita tayo riyan. Mukhang nagkakasarapan na sila riyan.”

          “Oo. Sige—“

Sa gabi, ay mistulang bar ang clubhouse. Sa umaga’y isa itong malaking restaurant. Ang disenyo nito sa loob ay walang pinagkaiba sa mga sikat at paboritong hang out ng mga yuppies sa Maynila. Kahit ang kanyang exterior design ay modern din.

          Kaagad ay binati  si Hans ng mga miyembro ng Club Rufus pagkakita pa lamang ng pumasok ito sa loob ng clubhouse. Techno ang maririnig na music. Bagaman lahat ng nasa loob ay mga lalaki, lahat sila ay nag-e-enjoy sa saliw ng musika at sa iniinom nilang human blood na nakalagay sa barrels sa mga mesa. Nangingibabaw ang kanilang tawanan at kuwentuhan. Sa isang mesa, ay nakita ni Hans si Roldan. Nagsenyasan; nagbatian.

          Ang mga lalaki ng Club Rufus ay masasabing rare breed. Kakaiba silang nilalang. Kung ang mga lalaking tao ay iba’t-iba ang kanilang hitsura at ang iba’y hindi nabiyayaan ng good looks, kabaligtaran ang mga miyembro ng Club Rufus. Lahat sila ay mga animo artista at modelo. Kung nagulat man kanina si April sa mga miyembrong kanyang nakita nang pumasok siya sa loob ng club, iyon ay hindi katakataka—lahat sila ay nanggaling sa iba’t-ibang lahi. Mixed Asian-Brazilian, Caucasian-Asian, Europen-Asian, Caucasian-African American, at kung ano-ano pa. Sila ay matatangkad at nagguguwapuhan. Ang kanilang mga hitsura ay mukha pang mga bata. Ang pinakamatanda sa kanila ay mukhang thirty years old lamang. Pero karamihan sa kanila ay nabuhay na nang daan-daang taon o libo-libong taon pa. Ito ay dahil sa pag-inom nila ng dugo ng tao.

          Ang mga vampire creatures ay katulad din ng lahat ng nilalang—may good and bad vampires din. Ang mga miyembro ng Club Rufus ay hindi basta-basta pumapatay ng tao upang makainom ng dugo ng tao. Ang pinapatay nila ay yaong wala ng silbi sa lipunan, gaya ng mga vagrants at kadalasan ay hina-hunting nila ang mga taong gumagawa ng krimen sa ibang mga tao gaya ng rapists, magnanakaw, snatchers, mamamatay-tao at kung ano-ano pa. Sinusundan nila ang mga iyon sa gabi. Itinuturing nila ang kanilang mga sariling ‘heroes’ of the modern world dahil ‘tagapagtanggol’ sila ng mga taong naaapi. At dahil sa dami at laki ng connections nila—ang ibang sources nila ng mga dugo ng tao ay yung  namamatay na sa mga ospital o di kaya’y sa mga presong bibitayin na.

          Lahat ng mga miyembro ay may sinabi sa buhay—kung hindi sikat na negosyante kagaya ni Hans, ang iba’y mga sikat na professionals sa iba’t-ibang larangan. Ito ay dahil matagal na silang nabuhay sa mundo at sila ay may mahabang panahon upang maabot ang mga pangarap na maging successful. Pero isa sa mga patakaran ng Club Rufus na kailangang i-maintain ang magandang reputasyon sa lipunan saang bansa man sila mapadpad. Kung ang sino man sa kanila ang mag-commit ng kahit na anong krimen at bad conduct gaya ng pagnanakaw, rape, o hindi sumusunod sa policies ng gobyerno ng bansang kanilang inilalagi sila ay tinatanggal sa pagiging miyembro ng club.

Masayang nag-iinuman ang mga miyembro ng human blood. Bawa’t isa sa kanila ay may disiplina sa pag-inom nito. Fair ang distribution nila ng kanilang dugong iniinom. Pagkatapos nila itong inumin, pakiramdam nila’y they become stronger and healthier.

          Maya-maya ay nagtungo sa platform si Roldan at kinuha ang mikropono.

          Intinidating ang kabuuan ni Roldan. Matangkad ito at malaking tao, malaki rin ang katawan na kung sasali sa kompitisyon ng pagandahan ng katawan ay malamang malaki ang tsansa niya. Body builder ang kanyang dating. Ang kanyang feautures ay may pagka-Italian—matangos ang ilong at nangungusap ang mata.

          “Hey, I know you’re enjoying the night fellow rufus. But the time is nearing and it’s almost twelve midnight…” Seryoso ang mukha at tinig ni Roldan.

          Ang mga miyembro rin ay dahan-dahang tumahimik na tumingin sa nagsalitang si Roldan. Napatingin si Roldan kay Hans. “This is a special night for our member, Hans Sandejas.”

          Tumingin ang lahat sa kanya—nanatili ang seryosong mukha ni Hans, sabay inom nito sa human blood.

          “The woman is a virgin and… she’s not a vampire…”

          Nagtinginan ang lahat ng miyembo—nanatiling seryoso ang lahat. Makaraan ang ilang saglit ay dahan-dahang humina ang techno music hanggang sa tuluyan nang naglaho at ang paligid ay unti-unti ring lubusang dumilim—pinatay ang mga ilaw ng clubhouse. Tanging ang bilog na buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa loob at labas ng clubhouse.

          Pagkaraan ng ilang saglit, ang lahat ng mga miyembro ay tumayo at tahimik na lumabas…

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon