CHAPTER 7

3.7K 116 8
                                    

CHAPTER 7

NATAGPUAN ni April ang kanyang sarili na nasa bulwagang iyon kasama sina Hans at Don Patricio. Nakita niyang muli ang mga portrait na naroroon.

“We are not ordinary creatures, April. Kami ay mga imortal na nilalang. We are vampires—stronger than humans,” sabi ni Don Patricio.

“I don’t have time for nonsense stories. As I have said po, aalis ako rito. I will find a place kung nabayaran na at lumipat na ang buyer  ni Tita Fiona sa condo. I will find a job. Bahala na,” naiinis na sabi ni April.

“April, please listen,” sabi ni Hans. Muli, commanding ang boses nito.

Napalunok si April at humakbang palayo pero bigla siyang nagulat nang biglang lumitaw si Hans sa kanyang harapan. Nagpalipat-lipat siya ng lugar na mabilis pa sa kidlat. Gulat na gulat si April sa kanyang nasaksihan. Now she is convinced na hindi sila mga ordinaryong nilalang lamang.

“Now you should believe.” Ngayon ay nasa harapan na niya si Hans. Halos isang dangkal lamang ang layo ng mukha nila.

Lubusan nang napahinto si April. Huminga ng malalim si Don Patricio at nagkuwento.

“Twenty years ago, may dalawang sanggol na ipinanganak sa isang isla sa Palawan. Ang isang sanggol ay si Anselmo Sandehas, si Hans. Dalawang ina ang nagluwal at isang henyong doktor ang nagpaanak at sumagip sa buhay ng dalawang sanggol na iniluwal ng dalawang ina. Ang isa pang sanggol ay ikaw iyon, April.”

“What are you saying? Palawan..?” tanong ni April.

At nagsimulang magkuwento at naglakbay sa nakaraan si Don Patricio…

 

1984, PALAWAN

Sa isang isla ng Palawan ay may isinagawang assignment ang doktor na iyon. His name is Ismael Saavedra. Kaibigan ko siya at ang kanyang asawang si Fiorela, ang iyong ina. The genius doctor has an invention—he can change and alter the function of the organs. Sa Palawan siya nagtayo ng laboratoryo. Pinag-aralan niya ang lahat. Kaya niyang gumawa ng mechanical kidney, mechanical liver, even the heart. Hanggang sa makilala siya ng vampire community. At nang malaman ng Vampire Council ang kakayahan ni Ismael, binigyan siya ng malaking halaga upang saliksikin ang dapat baguhin sa mga katangiannaming mga bampira para bumagay sa modernong mundong aming ginagalawan. Binigyan siya ng malaking salapi at nagpatayo pa ng higit na malaking laboratoryo sa isang isla sa Palawan. Siya ang naging opisyal namingdoktor dito sa Pilipinas. Kaya marami ang nainggit at kumalaban sa kanya nang iwan pa nito ang pagsisilbi sa mga tao. Marami siyang nakalaban. Kahit kapwa niya doktor ay hindi sumang-ayon sa mga kaalamang nadiskubre ni Ismael.

Isang gabi noon nang sumpungin sa panganganak ang asawa kong si Elvira—isinugod ko siya noon sa kanya. Pero nagkataong nanganganak din ang kanyang asawa. Umiiyak siya nang datnan ko dahil namatay ang iyong ina. Ganoon pa man ay isinagawa niya ang pagpapaanak kay Elvira.

          Nang matapos ang pagpapaanak niya kay Elvira ay bigla siyang naglaho. Katabi ng bangkay ni Fiorela na iyong ina ang aking si Elvira at si Hans. Nakita ko ang dibdib ni Hans na may sugat at nalaman kong kanya itong binuksan. At nalaman ko rin nang dalhin namin si Hans sa Europa na kalahati lamang ang kanyang puso. Kinuha ni Ismael ang isa pang kalahati niyon at nasa iyo ‘yon”

          “Si Dr. Ismael Saavedra, ang aking ama?” manghang tanong ni April kay Don Patricio.

          Tumango ang don.

          “Hindi maaari, dahil kung ganoon siya kayaman ay hindi niya ako pababayaang maging palaboy.”

          “I cannot answer that.

Vampires are strong creatures. At sa aming mga puso nanggagaling ang aming lakas at kung kaya sa puso lang kami mamamatay,” pagpapauloy ni Don Patricio.

          Marahang huminga ng malalim ang don at pagkaran ng ilang saglit ito ay tumalikod.

          Napaisip saglit si April—hindi makapaniwala.

          “Who could believe you..?” malayang napabulong si April sa kanyang sarili.

          Tumingin nang diretso si Hans sa kanya. “You have to believe… Totoo ang sinabi ni Papa.”

          And I am sharing a heart with a vampire?

SHARED  (Published under PHR Gothic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon